3

1K 65 2
                                    

CHAPTER 3 ✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 3 ✨

Manong paano po ang tubig dito? Ang tanong agad ng kaibigan niyang si Marco sa may ari ng bahay na si Mang Jerome.

Umiigib lang kami ng tubig dito sa may labasan may makikitang poso tapos maraming nakapila, doon kami umiigib ng tubig. Kailangan nga lang gumising ng maaga para ikaw ang mauna sa pila. May iniwang drum sa likod ng bahay ang dating nakatira dito kaya puwede ninyong magamit yun ng kasama mo. Ang sabi ni Mang Jerome.

Edward ayos na ba sayo itong bahay? At yung tungkol sa tubig? Ang tanong niya ngunit hindi pala ito nakikinig sa kanila dahil busy ito sa kakatitig sa isang babaing nakikipag kuwentuhan sa tindahan kaya hindi niya alam ang pinag uusapan nina Marco at Mang Jerome.

Edward are you with us? Ang tanong ulit niya sa kaibigan at biglang bumalik sa huwisyo ang binata.

Ano nga ba ulit yung sinasabi mo pare? Ang napapahiyang tanong niya sa kaibigan ngunit hindi parin naaalis ang tingin niya sa dalagang pumukaw ng kanyang atensyon.

Ang sabi ko kung okay lang ba sa iyo itong bahay at itong tubig? Sabi ulit ni Marco.

Oo naman ayos na sa akin iyon. Mabilis na sagot ni Edward.

Kung ganun naman pala maiwan ko muna kayo kasi may pupuntagan pa ako. Punta nalang ako dito mamaya kung sakaling may itatanong pa kayo. Ang sabi ni Mang Jerome .

Sige po ingat po kayo.

Nang naiwan na silang dalawa ng kaibigan niyang si Marco ay inayos na nila ang kaunting gamit na pinamili nila na gagamitin niya sa pagtira sa bahay na iyon.

Marco sa tingin mo ba may kakailanganin pa akong bilhin na gamit dito sa bahay?

I think you need to buy bew bed. Tingnan mo papag lang iyang tutulugan mo. For sure sasakit lang ang likod mo diyan Edward.

Ayos na itong papag na ito para tulugan ko. Kasama na iyan sa pagtira ko dito. Kailangan ko lang magkaroon ng trabaho.

You mean maghahanap ka parin ng trabahong pang mahirap? Gulat na tanong ni Marco sa kaibigan. Hindi kasi niya inaasahang maghahanap pa ito ng trabaho bukod sa pagtira sa lugar na iyon. Hindi kasi siya sang ayon sa plano nito dahil hindi niya nakikitang makakaya ng kaibigan ang pagtira sa squatters area. Sapagkat lumaking mayaman ang kaibigan niya at kahit kailan ay hindi naranasan na maghirap.

Oo pare, sigurado ako. Huwag kang mag alala sa akin makakaya ko ito. Tsaka alamo naman pag ginusto ko. Mabilis na sagot ni Edward.

Bahala ka talaga. Sana lang hindi ka mahirapan. Sambit nito at iniwan siyang nag iisa sa sala.

Kakayanin ko talaga at hindi ako susuko. Makikilala ko rin ang babaing nakalaan para sa akin.. mamahalin niya ako ng totoo at hindi lang dahil sa pera ko. Wika niya sa kanyang sarili.

Sobra kasi siyang nasaktan sa mga narinig niya sa kanyang dating kasintahan. Akala niya totoong mahal siya nito. Aalukin na niya sana ito ng kasal noong araw na marinig niya ang katagang hinding hindi niya makakalimutan at nagbigay ng malaking lamat sa kanyang puso.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon