CHAPTER 9 ✨
Wow! Dami naman po nun, kakainin ko po talaga lahat iyon. Miss ko na kaya ang luto nyo. Gutom na nga po ako eh. Wika ni Edward habang himas himas ang tiyan.
Naging masaya ang kanilang hapunan ng kanyang lolo at lola ng gabing iyon. Halos lahat ng inihain sa mesa ay kanyang naubos. Kasi naman sobrang namiss niya ang mga pagkaing inihanda sa mesa. Puro de lata kasi ang kanyang kinakain simula ng lumipat siya ng bahay pero hindi naman siya nagsisisi sa kanyang paglipat doon dahil alam niya doon niya makikilala ang babaing magmamahal sa kanya ng tapat at totoo hindi lang dahil sa kayamanan niya.
Pagkatapos nilang kumain ay napagpasyahan niyang sa mansyon na siya matutulog ngayong gabi. Kaya naman ng malaman iyon ng kanyang lolo at lola ay sadyang ikinatuwa ng mga ito ang kanyang naging pasya. Ibig sabihin lang kasi noon ay makakasama pa siya ng mga ito ng matagal ngayong gabi.
◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇
Pagkalipas ng ilang araw..
Habang papauwi sila Fenech at ng kanyang nanay ay nasalubong nila si Edward. Kagagaling lang nila sa grocery kaya marami silang bitbit na pinamili. Lingid sa kanilang kaalaman ay talagang sasalubungin sila nito dahil natanaw na sila nito pababa palang ng tricycle.
Hello Edward, nakabihis ka kaya saan ang punta mo? Tanong ni Fenech.
Hi Fenech! Tulungan ko na kayo. Pagmamagandang loob ni Edward sabay kuha ng dala dala ng nanay ni Fenech.
Naku hijo huwag na! Madudumihan ka pa mukhang aalis ka pa naman. Tanggi ng nanay ni Fenech.
Okay lang po nay, kakauwi ko lang naman po kaya okay lang na marumihan ako. Ang sabi ni Edward.
Iyon naman pala inay eh. Kunwari ka pa diyan, di ba nga kanina pa po kayo umaangal diyan sa bigat ng dalahin nyo? Sabi ni Fenech.
Juskong bata ka! Binuko mo pa ako! Wika ng nanay ni Fenech sabay batok kay Fenech.
Aray naman po inay! Kakahiya naman po kay Edward. Ang laki laki ko na binabatukan nyo pa ako. Ang angal ni Fenech.
Okay lang yun Fenech, sambit ni Edward pero nangingiti siya, natutuwa kasi siya sa mag inang nasa harapan niya.
Siya nga po pala inay, kaibigan ko pala si Edward, nakatira po siya dyan kay Mang Jerome, bagong lipat lang po siya doon. Edward ang inay ko si Inay Ali Pagpapakilala niya sa mga ito habang naglalakad sila.
Ikinagagalak ko po kayong makilala Ginang Ali. Masayang wika ni Edward.
Ako rin hijo, salamat sa pagtulong sa amin. Tugon naman nito.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa bahay nila Fenech at ipinaghanda siya ng meryenda ng mga ito.
Magmeryenda ka muna Edward, sabay bigay sa kanya ng tinapay at juice.
Nag abala pa po kayo, okay lang naman po ako. Sambit ni Edward.
Hindi naman pwede iyon hijo, sige kainin mo yan! Pangungulit ni Ginang Ali sa kanya para kainin ang inihanda sa kanyang meryenda.
Kainin mo iyan Edward kasi hindi ka titigilan ni Inay hanggat di mo yan kinakain. Sambit ni Fenech.
Sige na nga po, salamat po. Tugon ni Edward.
Saan ka nga pala galing hijo? Tanong ni Ginang Ali.
Diyan lang po sa tabi tabi. Naghahanap po ako ng trabaho kaso wala pong makita. Sagot ni Edward.
Ano bang gusto mong trabaho hijo?
Kahit ano po basta trabaho at kikita po para may pang gastos sa araw araw. Mabilis na tugon ni Edward.
Kung gusto mo may alam akong pwede mo maging trabaho pwede ka magsimula agad.
Ano naman po iyon Ginang Ali? Tanong ni Edward.
Oo nga po inay, ano naman pong trabaho iyon? Sabat ni Fenech.
Kargador nga lang, kung gusto mo Edward. Mabilis na sagot ng Ginang.
...itutuloy....
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...