35

682 49 7
                                    

CHAPTER 35 ^^
Pagdating nila sa mansyon nila Edward ay punong puno na ng mga sasakyan sa kalsada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 35 ^^

Pagdating nila sa mansyon nila Edward ay punong puno na ng mga sasakyan sa kalsada. Kaya halata mong marami na ngang  bisita. May inimbitahan din si Edward na nakatira sa lugar nila Maymay na naging kaibigan din nya doon pati ang naging kaibigan din nyang kargador sa palengke. Halos lahat ng mga bisita ay mga mayayaman at mga kilalang tao. Pagpasok nila sa mansyon ang lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa kanilang lahat lalong lalo  na kay Maymay na inaalalayan ni Edward habang naglalakad. Kitang kita ni Maymay ang mga tingin ng mga tao doon. May mga nakangiti habang pinagmamasdan sila ni Edward at ang iba naman ay nakairap at nakataas ang mga kilay ng mga babae. Alam nya naiinggit ang mga iyon sa kanya dahil kasama nya si Edward na kahit  na sinong babae ay pantasya ito. Sabi nalang nya sa kanyang sarili na sorry nalang ang mga ito dahil ang kanilang pantasyang lalake ay siya ang pinapantasya at minamahal. Nang makapasok silang ganap ay sinalubong sila ng Lolo at Lola ni Edward.

Good evening hija! Youre so beautiful with your dress. Nakangiting salubong ng Lola Marga ni Edward sa kanya at bineso beso sya tsaka hinalikan din ang apo.

Thank you and Good evening too Donya Marga. Magalang nyang wika dito at bineso beso rin ito.

Nope! Don't call me Donya Marga hija, just Lola Marga. Nakangiting saad nito at nginitian din nya.

Yes Hija, just call us Lolo Mario and Lola Marga. And Edward is right your gorgeous. Ang sambit naman ng Lolo Mario ni Edward at hinalikan sya sa kamay. Kahit na matanda na ang mga ito ay kita parin sa mga itsura ng mga ito ang kagandahan at kagwapuhan. Halata mo rin sa mga ito na mahal nila ang isat isa.

Thank you po Lolo At Lola. Pagpapasalamat nya sa mga ito.

Pagpasensyahan nyo na po yan si Maymay kasi kinakabahan po yan. Wika ni Edward.

Don't be hija. We cant eat you. Pagbibiro ni Don Mario sa kanya.

Yeah he's right hija. Segunda naman ni Donya Marga.

Anyway, Lola and Lola I would like you to meet Aizan, Yong and Fenech. Maymay's brother and bestfriend. Pagpapakilala ni Edward sa tatlo.

Really Apo? Glad to meet you. Masayang tugon ng dalawang matanda.

Glad to meet you too din po. Sagot din ng tatlo.

Maiwan po muna namin kayo diyan Lola at Lolo, hatid po namin sila sa table nila.

Sige apo.

Bago magsimula ang party ay nagsalita na si Edward sa maliit na stage.

Hello po sa inyo! Magandang gabi po. Marami nga po palang salamat sa pagpunta ninyo ngayong gabi. Alam ko po mga busy po kayong tao pero gayunpaman ay pinaunlakan nyo parin ang imbitasyon ko. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na ang gabing ito ay napakahalaga para sa akin. Ito po kasi ang matagal ko ng hinihintay na araw para ipakilala sa inyong lahat at sa buong mundo ang isa sa pinaka importanteng tao at pinakamamahal ko sa buhay ko bukod sa Lolo at Lola ko. Mula ng makita ko sya binihag na nya ang puso ko lalo pa ng makilala ko sya ng lubusan. Masasabi köng nakita ko na ang babaing pag aalayan ko ng buöng buhay ko at gusto kong maging ina ng dalawang dosenang magiging anak namin. Gusto ko pong makilala ninyo ang mahal na mahal ko. Sabay lapit sa nobya at inalalayang makaakyat sa stage saka muling nagsalita.

Siya po si Maymay. Ang sinasabi ko po kaninang bumihag na ng puso ko sa simula pa lamang.

Maymay gusto kong malaman mo at malaman ng lahat na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko buong buhay ko.

Mahal na mahal rin kita Edward. Mas mahal kita. Tanging nasabi nalang ni Maymay.

Kahit maikli lang iyon ay tagos naman sa kanyang puso iyon. Hindi pa kasi nakakabawi sa ginawa ni Edward kaya iyon lang ang kanyang nasabi. Nagulat kasi sya sa mga ginawa nito. Mas lalo pa syang nagulat sa sumunod na ginawa ni Edward. Lumuhod ito sa harap nya habang may hawak hawak ng pulang box.

WILL YOU MARRY ME, MY PRECIOUS MAYMAY? seryosong tanong niya habang nakaluhod. Maging ang mga bisita ay nagulat din sa ginawang iyon ni Edward. Matagal tagal bago nakasagot si Maymay dahil hindi nya inaasahan iyon. Buong akala nya kasi ay ipapakilala lamang sya nito sa mga taong naroroon.

Ginulat mo naman ako Edward. I dont know what to say but a BIG BIG BIG YES! nakangiting sagot ni Maymay na parang walang taong nanonood at nakikinig sa kanila. Sa narinig na iyon ay ndi napigilan ni Edward ang ndi mapalundag sa tuwa.

Talaga Yes yes yes? Ang wika nito nitong naglulundag sa saya.

Yes Edward, I'll marry you. Isang halik sa labi ang sinagot doon ni Edward.

Nang maglapat ang kanilang mga labi ay may naramdaman silang pareho na parang may gumagalaw galaw sa kanilang tiyan. Unang halik palang nila iyon at unang halik ni Maymay. Walang kasing sarap sa pakiramdam. Ang tamis ng halik ni Edward. Ang labi nito ay kay lambot na ayaw na niyang tantanan. Bawat halik nito ay kanya ng tinutugon. Ginagaya na lamang nya ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Tumagal din iyon. Nang bumalik lang kanilang katinuan ay saka lamang sila naghiwalay at natatawang hinarap ang mga bisita nila na masayang nakatitig sa kanilang dalawa.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon