CHAPTER 50 ^^
Kamusta na po si Ate Maymay Ate Fenech? Tanong ni Aizan pagdating na pagdating sa ospital habang si Yong ay nakaupo sa tabi ng kanilang ate na wala pa ring malay.
Okay na naman ang ate ninyo. Na stressed lang ang ate ninyo kaya nawalan ng malay kanina at three weeks pregnant din. Ang sagot naman ni Fenech ng lumapit din sa tabi ni Maymay..
Buntis si Ate Maymay? Ang tanong ni Yong.
Oo Yong. Nagulat din kami kanina ng sabihin ng doktorang tumingin sa kanya. Direchong sagot naman ni Fenech.
Alam ba ni Ate na buntis sya? Tanong ni Aizan.
Hindi ko lang alam Aizan. Wala naman nasasabi sa akin ang Ate Maymay ninyo.
Pumunta na ba dito si Kuya Edward? Galit na tanong ni Aizan.
Kanina nandito siya pero hindi namin pinapasok dito kaya hindi pa niya nakikita si Maymay.
Kapag pumunta dito Ate Fenech huwag na huwag mong papapasukhn. Wala na siyang karapatan pang makita ang ate namin pagkatapos ng ginawa nya. Ang galit na galit na wika nito.
Pero Kuya Aizan asawa sya ni Ate Maymay. Tsaka ndi pa naman natin alam ang totoong nangyare. Hindi ako naniniwalang magagawa ni Kuya Edward iyon kay Ate. Mahal na mahal niya si Ate. Ang wika ni Yong.
Yong hindi pa sila kasal ni Ate Maymay. Hindi naman natuloy ang kasal nila kaya hindi pa sila mag asawa. Hindi na sya pwedeng magpaliwanag pa dahil nakita na nila ang ginawang panloloko ni Kuya Edward kay Ate Maymay. May mahal bang lolokohin ang taong mahal nila? Basta kahit ikaw ang bantay dito huwag na huwag mong papapasukin ang lalaki na iyon dito hanggang ndi pa nailalabas si Ate. Maliwanag ba Yong?
Opo Kuya pero hindi talaga ako naniniwala.
Baka bukas pwede ng lumabas si Maymay. Pinaconfine lang namin ngaun para mamonitor talaga sya.
Habang nag uusap usap sila ay unti unting gumagalaw ang mga daliri ni Maymay at ang mata ay unti unti naring dumidilat.
Kamusta kana ate? Sabay na wika ng magkapatid.
Bes kamusta na ang pakiramdam mo? Wika ni Fenech.
Nasaan ako? Anong nangyare? Tanging naibulalas ni Maymay ng makadilat na talaga ng lubusan pero ang tinig ay halatang hinang hina.
Nandito tayo sa ospital. Nawalan ka kasi ng malay kanina kaya dinala ka namin nila Marco at Tanner. Paliwanag ni Fenech.
Si Edward bes?
Wala si Edward dito. Bakit?
Ayoko na siyang makita pa. Huwag na huwag na ninyo syang papalapitin pa sa akin. Ang umiiyak na sabi nito.
Opo Ate Maymay ndi na namin sya papalapitin sa iyo. Huwag ka ng umiyak makakasama pa iyan sa baby mo. Ang wika ni Aizan.
Anong baby?
Hindi mo alam bes?
Ang alin bes?
Na buntis ka. Youre 3 weeks pregnant bes.
Bu-buntis ako? Ang gulat na gulat nyang nasambit.
Isang beses lang naman namin ginawa iyon. Bakit nabuntis ako? Hindi naman sa ayaw nya sa ipinagbubuntis nya. Masaya nga sya na magiging ina na sya pero ang ikinagagalit niya magiging kawawa lang ang magiging anak niya wala itong magigisnang ama dahil hindi nasya makikipagbalikan pa sa ama nito kahit na mahal na mahal nya ito. Sobrang sakit ng ginawa sa kanya Edward. Matatanggap pa niyang nakipaghiwalay ito sa kanya dahil ndi na sya nito mahal pero ang ndi nya matanggap ay ang ginawa nitong panloloko sa kanya.
Oo bes kaya kailangan mong magpalakas at magpakatatag sa baby mo. Maya maya darating na sina Marco at Tanner may mga dala silang pagkain kaya kumain ka ha? Para ilalabas kana namin bukas. Wika ni Fenech.
Salamat bes. Tanging wika ni Maymay.
Ok lang bes wag kana rin mag alala sa bills mo kasi nabayaran na nila Marco at Tanner.
-
Katatapos lang maligo ni Kisses ng madatnan nya sa kanilang sala si Tanner na ng makita sya ay kung tingnan sya nito ay para syang gustong patayin.
What are you doing here traitor? Ang galit na bulyaw ni Kisses akala nya talaga kakampi nya ito pero iniwan lang sya sa ere.
Talaga palang tinuloy mo parin ang plano mong sirain ang relasyon nila.
Oo tinuloy ko parin kahit wala ang tulong mo. At sa tingin ko tagumpay ako, diba Tanner?
So masaya kana sa ginawa mo brilliant Kisses?
Hindi lang masaya kundi masayang masaya dahil kung miserable ang buhay ko pare pareho lang kami nila Edward.
Iyon ay kung hahayaan kong mangyare Kisses.
Anong ibig mong sabihin Tanner?
Sasabihin ko sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Hindi ko hahayaang may inosenteng batang madadamay sa pagkamakasarili mo.
Bu-buntis ang babae na iyon Tanner?
Oo buntis sya at si Edward ang ama ng ipinagbubuntis nya. Binabalaan na kita, huwag na huwag mong gagalawin si Maymay dahil ako ang makakalaban mo. Pagbabantang babala ni Tanner.
Hindi ako natatakot sayo Tanner kaya huwag mo akong pagbantaan. Matapang na sagot ni Kisses.
Dont try me Kisses. Hindi mo alam ang kaya kong gawin kapag ginalaw mo si Maymay. Pagkasabi niyon ay tinalikuran na nya ito.
Bago pa man makalabas ng pintuan si Tanner ay isang malakas na sigaw ang kanyang narinig at may narinig syang may binasag ito na kung ano man iyon ay ndi nya alam. Ang importante ay nasabi na nya dito ang gusto nyang sabihin.
Kinabukasan habang naghahanda nasa pag uwi sila Maymay ay naabutan pa sila ng Lolo at Lola ni Edward. Kanya namang hinarap at kinausap ng maayos ang mga ito. Nagsabi pa ngang ikinalulungkot ng mga ito ang nangyare sa kanila ni Edward at sobrang natuwa sa nabalitaang buntis nga siya. Sana nga raw magkabalikan pa sila ni Edward na ndi nya nasagot na iginalang naman ng mga ito. Gustuhin man nilang mag usap ay ndi na maaari dahil uuwi na sila kaya nagsabi na lang ang mga ito na dadalaw sa mga susunod na araw sa bahay nila. Bago maghiwa hiwalay ay mahigpit syang niyakap ng dalawang matanda. Dama nya ang pagmamahal at lungkot sa mga ito.... Bukas Ulit, my pupuntahan Ako Mamaya...
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...