20

721 53 2
                                    

CHAPTER 20 ^^

Kinabukasan naging normal ang naging araw nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 20 ^^

Kinabukasan naging normal ang naging araw nila. Kahit nakakapagod ang trabaho nila ay naging masaya parin iyon. Kung may oras si Edward ay dumadaan sya sa puwesto nila Maymay para mangulit pero ang totoo ay para masilayan ang kagandahan ni Maymay. Kahit pagod at pawisan ay lalo pa yatang gumaganda.

Nang araw din na iyon ay makikita mo sa itsura ni Edward ang kakaibang saya na dulot ng halik ni Maymay. Kahit na sabihing sa pisngi lang ang halik na iyon ay halik parin iyon na galing sa babaeng mahalaga sa buhay nya. Kahit sabihin mang  walang ibig sabihin ang halik na iyon sa taong humalik. Basta para kay Edward ang halik na iyon ay hinding hindi nya makakalimutan.

Kapag naaalala nya ang halik na iyon ay bigla bigla nalang syang napapangiti. Pagkatapos kasi syang halikan ni Maymay ng nakaraang gabi ay talagang natulala sya at ndi agad nakakilos. Basta hawak hawak lang nya ang kanang pisngi na hinalikan ni Maymay hanggang sa paglalakad nga nya ay tanda pa nyang hawak parin nya ang pisngi. Parang nawala pa nga sya sa kanyang sarili ng oras na iyon. Ni ndi na nga nya namalayan ang kanyang pagtulog ng gabing iyon. Namalayan nalang nya na umaga na at oras na para pumasok sya.

Ang araw din na iyon ay tinupad ni Edward ang kanyang sinabi kay Maymay na bibili sya ng masasarap na ulam para makain nila. Bumili sya ng isang buong lechong manok, lechon kawali, isang box ng pizza, cake, coke at ice cream. Nagulat tuloy ang dalawang magkapatid ng dumating sya na ang daming bitbit na pagkain.

Ate Maymay nyo dumating na ba? Tanong ni Edward sa dalawa habang inihahain ang mga dalang pagkain sa mesa. Isa isa nyang pinaglalagy sa mga pinggan ang mga pagkain. Hindi pa kasi nya nakikita si Maymay.

May binili lang po sa labas si ate, kuya edward. Sagot naman ni Aizan habang tinutulungan si Edward sa paghahain.

Tamang tama pala para kapag dumating na ate maymay nyo kakain na tayo, sambit ni Edward.

Wow Kuya Edward ang sarap naman po ng pagkain natin. Sarap po nitong lechong manok. Tuwang tuwang wika ni Yong pagkakita sa nakahain na masasarap na pagkain sa mesa at inamoy amoy pa ang lechong manok

Ano ka ba naman Yong, umayos ka nga dyan. Nakakahiya kay Kuya Edward. Saka baka akalain pa nyang ndi ka pa nakajain ng lechon manok. Suway naman ni Aizan sa kapatid.

Hindi pa naman talaga kuya eh. Matagal na tayong ndi nakakakain ng lechon noh. Okay lang naman diba Kuya Edward? Sambit ni Yong at muling inamoy ang lechon.

Okay lang yan Aizan. Sarap ngang amuyin ng lechon eh. Join ka sa amin ni Yong. Tugon ni Edward at inamoy amoy rin ang lechong manok kasama si Yong. Maya maya nakisali narin si Aizan sa mga ito.

Nasa ganung tagpo sila ng dumating si Maymay.

Hoy kayong tatlo ano iyang ginagawa nyo dyan? Para kayong engot sa ginagawa nyo. Wika ni Maymay.

Andyan kana pala Maymay. Kain na tayo. Gutom na kami nina Aizan at Yong. Nakapaghain na kami. Ikaw nalang kulang para makakain na tayo. Tara na, kain na tayo. Yaya ni Edward.

Oo Nga po ate, gutom na gutom na kami. Sabay na sang ayon ng dalawa nyang kapatid sa sinabi ni Edward.

Sa paglapit ni Maymay sa mesa ay nagulat din sya sa nakitang pagkain na pakahain sa mesa.

Dami naman nyan Edward. Baka naman naubos na lahat ng kinita mo sa pagkakargardor sa palengke para lang makabili nyan. Wika ni Maymay kay Edward. Hindi naman sa ayaw nya sa mga pagkaing binili ni Edward. Nag aalala laog sya sa binata dahil baka naubos ang kinita nito sa pagbili ng mga nakahain sa mesa. Alam nya kasi ang hirap kumita lang ng pera.

Wag kang mag alala Maymay pinag ipunan ko ang pinambili ko dyan kasi alam kong magagalit ka kapag inubos ko ang perang kinita ko para ipambili nyan. Kaya kumain kana. Wag ka ng manermon. Alam ko namang gutom ka na rin at gusto mo ng lantakan ang lechon manok. Paliwanag ni Edward sabay humahalakhak.

Loko ka talaga Edward. Sige kain na tayo. Nag aalala lang naman ako Edward. Nahihiyang sagot nya.

Thanks anyway. Tugon nalang ni Edward at pinaglagay pa nya sa plato ng pagkain si Maymay saka inabot sa dalaga. Habang ang dalawang kapatid nito ay tahimik na kumakain na.

Thank you Edward. Thank you talaga. Makahulugang wika niya kay Edward habang titig na titig sa binata.

Tanging ngiti lang ang tinugon ng binata sa kanya. Para kay Edward ay gagawin nya ang lahat para matulungan at mapasaya ang dalaga. Mahal na mahal na niya ang dalaga at ito na ang gusto niyang babae magpakailanman.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon