^^ LAST CHAPTER ^^
Sa mansyon naman nila Edward ay abala na sya sa pag eempake ng kanyang mga damit. Sa makalawa na kasi ang kanyang flight papuntang Canada. Doon na sya maninirahan para maasikaso ang kanilang bagong company sa bansa na iyon. Magbabakasyon nalang sya paminsan minsan dito sa Pilipinas para makasama ang kanyang Lolo at Lola.
Sigurado kana ba Pare? Talaga bang iiwan mo na kami? Bungad sa kanya ng bagong dating na si Marco.
Oo pare kaya ikaw na ang bahala sa lahat dito lalo kina Lolo at Lola. Mabilis naman niyang sagot.
Si Lolo at Lola lang ba? Hindi ba kasama si Maymay at ang magiging baby ninyo?
Of course pati sila. Kahit naman hindi ko sila ihabilin sa iyo aalagaan mo naman sila di ba? Halata sa tinig nito ang kalungkutan.
Para sayo oo naman. Babalitaan pa kita araw araw. Pakwelang sambit ni Marco.
Aasahan ko yan Marco kung hindi sisisantihin kita sa trabaho mo. Biro rin nya dito.
Hindi ka ba magpapaalam sa kanya? Biglang seryosong tanong ni Marco.
Hindi na. Afterall ito naman ang gusto nya talaga. Garalgal na boses na sagot nito na hindi napigilang tumulo ang luha.
Sa pagkakataon na iyon ay tumahimik na lamang si Marco habang pinapanood nito ang pag eempake ng kaibigan.
Habang papalabas na sila Tanner, Fenech at Maymay sa mall galing sa pamimili ay nasalubong sila ni Kisses na papasok pa lamang. Ito ay hindi nila nakita kaya naman nagulat na lang sila ng bigla na lang itong nasa harapan nila at may kasamang dalawang kaibigan.
Guys look who's here? Sya lang naman ang babaing hindi sinipot sa kasal ng lalaking pakakasalan nya sana. Tingnan ninyo naman kasi ang ayos niya. Ang pang iinis ni Kisses.
Correct. Ang baduy at ang cheap niya. Sang ayon na wika ng isang kaibigan nito.
Alamo Kisses pakisabi sa mga kaibigan mo kung cheap at baduy kami kayo naman mga walanghiya lalo ka na. Kahiya hiya ka. Iritang sabat ni Fenech at tinaasan pa ng kilay ang mga ito.
Tama na yan Fenech. Huwag mo na silang patulan. Saway ni Maymay. At ng aakma ng aalis sila Maymay ay mahigpit itong hinawakan sa braso ni Kisses para hindi makalagpas sa kanya si Maymay. Tapos ang kanilang paligid ay marami ng nakikiusyoso.
Huwag kang bastos babae ka. Huwag mo akong talikuran hanggat kinakausap pa kita. Ang pataray na wika ni Kisses.
Kisses bitiwan mo si Maymay. May pagbabantang wika ni Tanner
Huwag ka ng makialam Tanner. Kaya ko ito. Wika ni Maymay. At pare pareho silang nagulat ng magpakawala ng isang malakas na sampal si Maymay kay Kisses.
Paaaaaakkkkk!
Huwag na huwag mo akong sasabihan na bastos dahil alamo kung sino ang bastos sa ating dalawa. Kulang pa yan sa mga atraso mo sa akin Kisses. Galit na wika nito at muling nagpakawala ng isa pang sampal na ikinagulat ng lahat.
Paaaaaakkkkk!
Iyang pangalawang sampal para sabihin ko sayo hindi ka magtatagumpay sa pagpapahiwalay mo sa amin ni Edward. Dahil sisiguraduhin kong magkakabalikan kami. Hindi na nya hinayaang makasagot pa ito dahil agad na nyang tinalikuran at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
Grabe ka naman bes. Nagulat kame dun ni Tanner ha! Ang tatawa tawang sabat ni Fenech ng nasa parking lot na sila ng mall.
Ako rin. Hindi ko akalaing gagawin mo iyon Maymay. Ngaun lang kitang nakitang ganun. Hindi makapaniwalang wika ni Tanner.
Actually kulang pa nga iyon. Saka para magtanda na sya at masakit na kasi ang kamay ko kaya hanggang dalawang sampal lang nagawa ko. Ang tigas ng mukha nya. Pakwelang sagot nya sa dalawa at tumawa ng malakas.
Samantala..
Habang nanonood ng dvd si Edward sa kwarto nya ay nagulat sya ng pumasok ang kanilang katulong at sabihin sa kanya na nasa garden nila si Maymay. Gusto raw syang makausap nito.
Nang papalapit na si Edward ay hindi sya nakikita ni Maymay dahil nakatalikod ito sa kanya. Gusto nga nya itong yakapin ng mahigpit. Sobrang miss na nya ito kung alam lang iyon ng dalaga.
Gusto mo raw akong makausap Maymay?
Nandyan kana pala Edward. Oo sana kung pwede lang naman.
Pagkakita nya kay Edward ay gusto na nya itong yakapin at halikan pero alam nyang ndi maaari dahil sa kanilang sitwasyon ngayon. Sana hindi pa huli ang lahat.
Pwede naman. Kaya lang kung maaari pakibilisan mo lang kung anuman ang sasabihin mo dahil kailangan kong magpahinga ng maaga. Flight ko na kasi bukas. Ano bang sasabihin mo.
I'm so sorry Edward. Tanging nasabi niya at nag uumpisa ng tumulo isa isa ang kanyang mga luha.
Sorry for what Maymay? Dahil nalaman mo na ang totoong nangyare? Bakas sa tinig nito ang galit.
Oo Edward. Pinagsisihan ko ang araw na hindi ko pinakinggan ang paliwanag mo. Nagpatalo ako sa galit kesa paniwalaan ang sasabihin mo.
Kung kapatawaran ko lang ang kailangan mo pinapatawad na kita.
Mahal na mahal kita Edward.
Mahal? Mahal mo ako Maymay? Sana pinagkatiwalaan mo ako. Alamo ang masakit inakusahan mo na agad ako parang hindi mo alam kung gaano kita kamahal at ang pinakamasakit pa ang tanggalan mo ako ng karapatan sa magiging anak natin.
Sorry talaga Edward. Alam ko hindi sapat ang sorry ko. Kahit masakit na hindi ka makakarating aasa parin akong darating ka bukas sa park na pinupuntahan natin. Pumunta ka man o hindi maghihintay ako doon. Kung anuman ang maging desisyon mo bukas tatanggapin ko at ingat ka sa flight mo. Goodnight Edward na aakma ng aalis ng magsalita si Edward.
Ihahatid na kita sa inyo gabi na baka mapaano pa kayo ni baby.
Salamat nalang Edward. May naghihintay namang taxi sa akin sa labas.
Kinabukasan kahit alam naman ni Maymay na gabi pa ang flight ni Edward ay kahit umaga pa lang ay pumunta na sya sa park. Doon lang sya hanggang gabi.
Tutuloy ka sa airport pare? Tanong ni Marco.
Oo naman. Papunta na nga ako eh.
Hindi mo ba alam kanina pang umaga si Maymay sa park?
Anong ginagawa nya doon?
Eh di hihintayin ka.
Seryoso pala siya.
Oo seryoso siya Edward kaya pag isipan mong mabuti ang desisyon mo.
Habang nasa kotse na si Edward at malapit nasa airport ay naalala nya si Maymay.
Maymay uwi kana. Hindi na darating si Edward. By this time i'm sure he is the airport now. Malungkot na wika ni Tanner.
Alam ko darating si Edward. Hindi nya ako iiwan.
Bes umuwi na tayo. Wala ka ng hinihintay pa. Nakasakay na yun sa eroplano. Wika ni Fenech.
Guys iwan nyo nalang muna ako. Susunod nalang ako. Gusto ko munang mapag isa.
Si Edward naman sa kanyang pag iisip ay namalayan nalang nya ang sarili na nasa park na sya at kanina pa nakatitig sa dalagang kanina pa umiiyak.
Edward?
Maymay i'm so sorry.
Huwag ka ng magsalita Edward. Sapat na sa akin ang dumating ka ngayon. Mahal na mahal kita Edward.
Mas mahal kita Maymay at ang baby natin. Ang sagot nito bago nito niyakap ng mahigpit si Maymay. Matagal din ang yakap na iyon ng biglang maramdaman ni Edward na parang gustong kumawala ni Maymay.
Bakit love?
Hindi ako makahinga love.
Sorry love. Super happy lang kasi ako.
Akala ko kasi gusto mo na akong patayin sa pagkakayakap mo sakin eh.
Gusto kitang patayin sa pagmamahal ko love. Wika ni Edward na tatawa tawa.
At sa mga sandaling iyon ay muli na naman nilang nalasap ang labi ng isat isa at sa bawat halik ay naiparamdam nila sa isat isa ang kanilang pagmamahalan.
Mahal na mahal kita my precious Maymay. Habambuhay ikaw lang at ako. Only you in my whole life.
Oo Edward habambuhay tayong tatlo ng baby natin. Mahal na mahal din kita..
At muli pagkatapos sabihin iyon sa isat isa ay muling naglapat ang kanilang mga labi.
Sa pagkakataon na iyon ay wala ng makakapagpahiwalay pa sa kanilang dalawa. Wala ng sinuman silang hahayaang sumira ng kanilang pagmamahalan.
Sa di kalayuan naman sa kanilang kinaroroonan ay tahimik na nakamasid sa kanilang dalawa sina Fenech, Tanner at Marco. Kapwa masaya ang mga ito para sa kanilang dalawa.
- THE END -
Hope you like it! ^_^
From the bottom of my heart.. THANK YOU SO MUCH.. ^_^
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfic❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...