CHAPTER 29 ^^
Tama na ba iyang order ninyo guys? Magdessert kayo. Masarap ang dessert namin dito. Wika ni Marco.
Naku ndi na. Marami narin ang inorder ni Edward. Hindi nga namin maubos ubos eh. Sagot naman ni Maymay.
Okay lang iyan. Sige na order pa kayo ng dessert. Libre na iyang mga inorder ni Edward. Kaibigan ko naman sya eh. Nakangiting wika ni Marco.
Nakakahiya naman pare. Wika ni Edward.
Bawal hiya hiya pare. Sige na order lang kayo. Maiwan ko na muna kayo. May icheck lang ako sa kitchen. Wika ni Marco.
Sige pare.
Wala na nga silang nagawa kundi umorder ulit at ng matapos silang kumain ay pinabalot nila ang mga natirang pagkain atsaka nagpaalam sa kaibigan ni Edward na si Marco na uuwi na sila.
Pagkadating nila sa bahay ay pare pareho silang pagod kaya pagkahatid nya sa mga ito ay umuwi narin sya sa kanyang bahay para makapagpahinga na. Humingi lang sya kay Maymay ng goodnight kiss sa pisngi saka sya umuwi.
I saw Edward the other night with his new girlfriend. And guess what your ex-boyfriend is very much deeply inlove with that woman. You will feel that if you saw them personally. Kinantahan pa nga ni Edward on stage ang babae na iyon. Nag duet pa sila. And I admit she's beautiful and Edward is more handsome than before I saw him. Ang pagkukwento ni Kristine sa cellphone kay Kisses.
Are you really sure that its Edward? Ang tanong ni Kisses.
Yes Kisses 100% sure. And I saw Marco too talking to them. So whats your plan Kisses?
Well, I'll be back there in the Philippines. I will do everything to win Edward back in my life. Wika ni Kisses sabay pindot ng end button. Kasalukuyan syang nasa America dahil sa pag aakalang nandun si Edward. Iyon kasi ang sinabi sa kanya ni Marco noong tinanong nya ito kung nasaan si Edward. Niloko lamang pala sya nito.
-
Ano ba itong bahay mo love ang kalat kalat. Wika ni Maymay ng mabungaran ang makalat na bahay ng nobyo at isa isang pinagpupulot ang mga damit na nakakalat at ang mga magazines at diyaryo. Iyon palang ang unang beses na makita ni Maymay ang loob ng bahay ng nobyo. Noon kasi ay sa labas lamang sya kapag napapadaan lang. Gusto naman syang papasukin noon ni Edward pero ayaw nya lang.
Pasensya na ndi pa kasi ako nakakapaglinis eh. Nahihiyang paumanhin ni Edward.
Ganyan ba talaga kayong mga lalake sadyang makalat? Tanong ni Maymay.
Oo love. Wala pa kasing reyna sa bahay na ito eh. Hari palang kaya makalat pa. Gusto mo ikaw na ang maging reyna dito sa bahay. Payag ka ba love? Wika ni Edward sabay yakap mula sa likod ni Maymay.
Nagulat si Maymay sa ginawa ni Edward kaya naman ndi sya kaagad nakasagot. Nang makabawi sa pagkakagulat ay agad syang kumalas sa pagkakayakap ng nobyo at pinandilatan ito ng mata.
Ayoko nga! Gagawin mo lang pala akong tagalinis ng bahay mo. Mataray na wika ni Maymay sabay irap.
Ofcourse not love. I'm just joking. Ibaba mo na nga yang kilay mo. Sambit nito at kunwaring ibinaba ang kilay ni maymay.
Loko ka talaga love! Ikaw talaga! Wika ni Maymay.
Love ang ganda mo talaga! Wika ni Edward at lumapit kay Maymay bago nagsalitang muli. At ang bango bango pa. At inamuy amoy ang si Maymay mula buhok, sa batok at hanggang sa kamay nito.
Sa ginagawa sa kanya ni Edward ay ndi alam ni Maymay kung ano ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Kinakabahan sya na parang ewan. Nagkatitigan silang dalawa ng matagal bago bumaba ang mukha ni Edward papunta sa kanyang mga labi..
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...