CHAPTER 1 ✨
"Hindi ko mahal si Edward kundi ang pera at mamanahin lang niya. Hindi ko kayang mahalin ang tulad niya. I'm sure kung meron mang magmamahal sa kanya dahil lang din sa kayamanan niya." Iyan ang kataga na wika ng dati niyang kasintahan na si Kisses na paulit ulit na naririnig niya kahit matagal na niya itong narinig. Ito ang salita na hindi niya malilimutan dahil ito ang ayaw niyang marinig sa babaing kanyang mamahalin muli.
Edward pare okay ka lang ba? Sabi ng kaibigan niya pagpasok nito sa opisina niya. Nakita kasi siya nitong tulala na naman. Pinapasok na siya ng sekretarya nito dahil hinihintay na siya ni Edward.
May nakita kana bang bahay na matutuluyan ko? Tanong agad niya dito at hindi na sinagot ang tanong nito.
Sigurado ka na ba sa gagawin mong pagtira doon? Squatters area iyon malayong malayo sa lugar na kinalakihan mo pare. Kakayanin mo kayang mabuhay doon? Ang mahabang sabi ng kaibigan niyang si Marco. Hindi kasi ito makapaniwala sa gusto niyang gawin na magpanggap bilang mahirap upang mahanap ang totoong magmamahal sa kanya.
Sigurado na ako pare, no one can change my mind even lola and lolo. May nakita ka na bang bahay Marco? I want to transfer there as soon as possible.
Meron na akong nakita maliit pero maayos naman kaya pwede ka ng lumipat doon. Kung gusto mo pwede na nating puntahan mamaya o bukas nalang, sabi ni Marco.
Huwag na! Lilipat na naman ako doon sa makalawa. Ang importante may matutuluyan na ako.
Paano itong company Edward? Sino papalit sayo dito? Ang tanong ni Marco.
Si Luis muna pansamantala ang papalit sa akin dito habang wala ako.
Ah okay. Sige pare mauna na muna ako may tatapusin pa pala akong trabaho. Kita nalang tayo mamaya. Wika nito at sabay tayo para makipagkamay sa kaibigan.
Sige pare ingat ka. Magkita nalang tayo mamaya. Tugon niya sa kaibigan at ito ay umalis na.
Kamusta po Mang Jerome? Busy po kayo sa paglilinis niyang kwarto ah? Ang pangangamustang wika ni Maymay sa kapitbahay nilang balo.
Eto mabuti naman. May lilipat na kase dito Maymay baka sa makalawa lilipat kaya nililinisan ko na. Eh ikaw kamusta naman?
Ah ganoon po ba, eh di mabuti po para may bago na namang kapitbahay. Mabuti naman po ako kahit pagod kakauwi lang po galing sa palengke. Bumili nga lang po ako ng lutong ulam dyan sa kanto para may maiulam ang mga kapatid ko.
Alamo Maymay binata ang uupa dito, baka bagay kayong dalawa.
Kayo po talaga Mang Jerome ako na naman ang nakita niyo. Pass na po muna ako diyan. Ayoko na po muna. Alis na po ako Mang Jerome baka po nagugutom na mga kapatid ko. Sabi niya pero ang totoo umiiwas lamang siya sa topic na ganoon dahil hindi pa siya nakakamove on sa huling relasyon niya.
Okay ingat ka Maymay, ikamusta mo ako sa mga kapatid mo. Pahabol na wika ni Mang Jerome.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...