33

637 37 0
                                    

CHAPTER 33 ^^

Pagkarating niya sa bara na usapan nila ay naabutan na nya sina Marco at Tanner na masayang nagkukuwentuhan at nag iinuman doon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 33 ^^

Pagkarating niya sa bara na usapan nila ay naabutan na nya sina Marco at Tanner na masayang nagkukuwentuhan at nag iinuman doon. Nang makita sya ng mga ito ay kinawayan sya ng mga ito na agad naman nyang nakita. Pinuntahan nya agad ang mga ito at binigyan agad sya ng isang boteng alak.

Akala namin ndi kana darating. Halos pasigaw na wika ni Tanner sa kanya dahil maingay sa loob ng bar.

Dumaan pa kasi ako kina Maymay eh. Nagdinner ako sa kanila kasama ang dalawa nyang kapatid na lalake. Namiss naraw kasi ako ng mga kapatid nya lalo na ang bunsong si Yong. Pagkukuwento ni Edward sabay lagok ng alak at napansin ang pagkabigla ni Tanner.

Sa narinig ni Tanner sa pangalan na Maymay at Yong ay bigla syang natigilan at napaisip. Dahil pamilyar sa kanya ang mga pangalan ng mga iyon. Pero agad naman nyang inalis sa isip na baka ang mga ito ang mga kakilala nya na may ganoong pangalan.

Marami namang may ganoong pangalan sa mundo kaya imposible. Pangungumbinsi nya sa sarili.

Ayos ka lang ba Tanner? Natigilan ka yata dyan. Sita ni Edward sabay tapik sa balikat nito.

Wala naman. May naalala lang ako sa mga names na sinabi mo. Pero imposible naman na ang mga tinukoy mo ay kilala ko rin. Sagot naman nito.

Sino ba ang naalala mo Tanner? Ang usisang tanong ni Edward sa kaibigan.

Sino pa nga ba Edward, eh di ang ex-girlfriend nya na dahilan ng pag uwi nya dito sa pinas. Ang sagot naman ni Marco.

Talaga? Wow! Balikan mo na agad Tanner para pareho tayong may girlfriend. Wika ni Edward.

Oo naman. Mag start na nga ako bukas na hanapin sya eh. Hindi ko na sya pakakawalan. Sagot ni Tanner.

Paano nga pala kung may boyfriend na Tanner?

Kakausapin ko ang boyfriend nya na ibalik nasa akin ang girlfriend ko. Kung ndi naman sya madaan sa usap aagawin ko nlang. Seryoso sabi nito sabay tawa ng malakas.

Gagawin mo talaga yan Dude? Halos sabay na tanong nina Marco At Edward.

Yes! Because I really love her. I will do everything to win her back. Sagot nito sabay order pa ng isang boteng alak.

Hindi na lamang sumagot sina Edward at Marco bagkus ay tumahimik na lamang ang mga ito. Pero pagkarinig ni Edward sa sinabi ng kanyang kaibigan ay bigla syang nakaramdam ng kaba na ndi nya maintindihan. Anong ibig sabihin nun? Hindi nya alam. Napabuntong hininga na lamang sya.
-

Habang nag-aalmusal si Kisses ay napadako ang tingin nya sa front page ng dyaryong kanyang binabasa. Ang nakalagay doon ay ang picture ni Edward kasama ang girlfriend nito. Nakasaad doon na sa sabado ay may malaking okasyon na magaganap para kina Edward at sa girlfriend nito. Kanya itong pinakatitigan at sa tindi ng inis nya ay kanya itong nilamukos at may pagbabang nagsalita.

You will be mine Edward. Only mine. Kailangan kayong maghiwalay ng babaing yon. Ang galit na pagbabanta nito.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon