CHAPTER 47 ^^
Hindi nga nagtagal ay dumating na ang bridal car na lulan sina Aizan, Yong, Fenech at ang bride na si Maymay na lalong gumanda sa suot nitong wedding gown.
Bes baba muna ako. Tingnan ko muna ang nagaganap at hahanapin ko narin si Edward. Papapaalam ni Fenech.
Sige bes! Balitaan mo ako ha! Thank you. Sambit naman ni Maymay.
Yes bes, babalik agad ako pagkatapos. Kayo na bahala sa ate nyo ha? Hawakan nyong mabuti baka bumaba yan dito dahil magbabago ng isip. Patawang wika ni Fenech na baling sa dalawang kapatid ni Maymay.
Opo Ate Fenech kaming bahala kay Ate Maymay. Sang ayon naman ng dalawa.
Ikaw talaga Fenech puro ka kalokohan haha. Wika ni Maymay.
Pagkababa naman ni Fenech sa kotse ay agad nyang nakita si Marco na kausap ang Lolo at Lola ni Edward.
Marco nasaan na ba si Edward? Kagabi pa namin sya ndi nakikita. Tanong ng Lola Marga ni Edward na sobrang nag aalala.
May balak ba syang ndi siputin ang sariling kasal niya? Wika naman ng Lolo Mario nito.
Hindi ko nga po alam. Kanina pa nga po ako tumatawag sa cellphone nya kaso nakapatay naman. Malungkot na wika ni Marco.
Sa mga narinig ni Fenech na usapan napasabat narin sya.
Hanggang ngayon hindi pa dumadating si Edward? 10 minutes nalang kasal na nila. Nasaan na si Edward? Nandiyan na si Maymay eh. Wika ni Fenech.
Hindi ko alam Fenech. Kanina ko pa talaga sya tinatawagan pero laging cannot be reached. Pagpapaliwanag ni Marco.
Nagbago na ba ang isip ni Edward at ayaw na nyang magpakasal? Tanging naitanong nalang ni Fenech dahil unti unti narin itong kinakabahan sa pwedeng mangyari sa kasal ng kanyang bestfriend.
Hindi naman hija. Actually nga sobrang excited na ang apo namin kahapon para ngayong araw, kaya imposibleng ndi sya sisipot sa sarili nyang kasal. Wika ng Lola ni Edward.
Pero nasaan po si Edward? Paano ko po sasabihing ngayon kay Maymay na wala parin si Edward. Sobrang mag aalala po iyon. Tugon ni Fenech.
Maya maya lang ay tumunog na ang kampana ng simbahan para sabihing hudyat na iyon ng kasal. Kailangan ng umayos ang mga abay, ninong at ninang lalo na ng groom at bride pero paano sila magsisimula kung wala pa ang groom. Nagkaroon na tuloy ng tensyon at bulong bulungan kung bakit wala pa ang groom. Kahit nasa loob parin ng kotse si Maymay ay may nararamdaman na syang ndi magandang nangyayari sa labas. Nakikita nya sa mga itsura ng mga tao na ang iba ay nakatingin sa kinaroroonan nya na bubulong bulong. Lalo tuloy tumindi ang kanyang hinala dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakabalik si Fenech simula pa kanina.
Alas diyes na pero parang wala pang balak ang isa man na tawagin sya para makapaghanda na sa kanyang paglalakad patungong altar. Kaya naman bumaba na sya ng kotse. Sa kanyang pagbaba ay agad nyang nakita ang paparating na sina Fenech, Marco at Tanner ganun din Ang Lolo at Lola ni Edward.
Maymay hija saan ka pupunta? Tanong ng Lola ni Edward.
Sa loob po. Alas diyes na po. Kailangan na po ako sa loob. Sagot ni Maymay.
Hija may kaunting problema. Sambit ng Lolo ni Edward.
Ano po?
Bes ano kasi eh aahhmmm.. Hindi pa man natatapos ni Fenech ang sasabihin ay nagsalita na si Maymay.
Ano kasi bes? Sabihin mo. Medyo irita nang wika ni Maymay.
Hindi pa dumarating si Edward. Tinatawagan ko na sya pero ndi ko makontak laging cannot be reached ang cellphone nya. Direchong pag amin ni Marco.
Ako rin tinatawagan ko sya pero wala parin talaga .sambit ni Tanner.
Sa narinig ay hindi agad sya nakapagsalita dahil sa pagkagulat pero ndi naman pumasok sa kanyang isip na ndi sya sisiputin ni Edward kundi baka may masamang nangyare dito kaya hanggang ngayon ay wala pa ito. Alam nyang ndi magagawa ni Edward ang ndi sya siputin sa kanilang kasal dahil nakausap pa nya ito kahapon ng hapon at excited pa nga ito para ngayong araw. Kaya tingin nya baka may masamang nangyare lamang dito.
Hindi ba kayo magkasama ni Edward kagabi Marco? Baka may alam ka pang pinupuntahan ni Edward. Baka may nakaaway kayo at ginawan sya ng masama. Halos pag aalalang wika nito.
Wala kaming kaaway Maymay lalo na si Edward. Napakabait nya. Sagot ni Marco.
Nasaan na si Edward? nasaan na sya? Halos maiyak iyak nyang tanong sa mga ito.
Calm down hija. Calm down. Papapakalma ng Lola ni Edward kay Maymay.
Dalhin nyo muna sya sa loob ng kotse baka ano pang mangyare sa kanya. Marco sabihan mo muna ang mga tao na madedelay lang ng kaunti ang kasal dahil sa nagkaroon lang kamo ng konting problema. Humingi ka ng paumanhin. Ma-awtoridad na wika ng Lolo ni Edward.
Iyon na nga ang ginawa ni Marco humingi sya ng paumanhin at konting pasensya dahil sa nagaganap na problema na naintindihan naman ng iba at ang iba naman ay nagalit dahil sa may iba pa silang gagawin pagkatapos ng kasal. Habang si Tanner naman ay binuhat na si Mamay papuntang kotse para makapag pahinga.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...