CHAPTER 25 ^^
Nang sumapit ang gabi ay kabadong kabado na si Edward sa kanyang gagawing pagtatapat. Hindi nya alam kung paano magsisimula. Matatapos na ang gabi ay ndi pa sya nakakapagtapat sa dalaga. Kanina pa sya gitara ng gitara sa labas ng bahay nila Maymay pero ndi naman nya maibuka ang kanyang bibig.
Kanina pa nag aalala si Maymay kay Edward dahil sa kakaibang ikinikilos nito. Hindi sya masyadong kinakausap nito na di tulad dati ay super kinukulit sya. Kaya naman nilapitan nya ito sa labas ng kanilang bakuran na nag-gigitara.
May problema ka ba Edward? Tanong nya dito ng makalapit sa binata.
Wala naman, kinakabahan lang. Sagot naman nito na nakangiti.
Kinakabahan saan?
Wala. Request ka ng kanta tapos kakantahin ko. Kantahin nating dalawa. Pacute na wika ni Edward at kinindatan pa si Maymay.
Wala akong maisip eh. Ikaw nlang kaya muna.
Sige crazy for you. Sagot nya at sinabayan nya ng kanta ang kanyang pag-gigitara.
Habang kumakanta si Edward ay titig na titig sya kay Maymay. Lahat ng salita ng kanta ay nasa puso nya dahil totoo ang pagmamahal nya para dito.
Lingid sa kaalaman nya ay kinikilig na ng lihim ang dalaga sa kanyang mga kinakanta. Halos lahat kasi ay paborito nya. Nangangarap tuloy syang hinaharana sya ni Edward. Titig na titig din sya kay Edward.
Nakalimang kanta na sya ng ipasya nyang kantahin ito..
"All my life
I prayed for someone like you
And I thank God
That I finally found you
And all my life
I prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too,
Yes I pray that you, do love me too.."
Para sa akin ba yang kanta na yan Edward? Kinikilig nako talaga! Ang gwapo nya talaga. Wag mo na akong titigan Edward baka mahalikan na kita. Wika ni Maymay sa kanyang sarili.
Nang matapos ng kumanta si Edward ay binalingan nya ang nakatulalang dalaga. Parang nawala ito sa sarili.
Maymay okay ka lang?
O-oo naman. Okay lang ako. May naisip lang ako. Pagpapalusot ni Maymay.
Ah okay.
Uuwi ka na ba Fdward?
Hindi pa naman. May sasabihin ako eh.
At ano naman yun?
Mahal kita Maymay, simula palang ng makita kita alam kong minahal na kita, lalo pa ng mas nakilala kita. Lalo kitang minahal. Masaya ako kapag kasama kita. Sa totoo lang takot akong magmahal muli dahil sa mga minahal kong babae noon na niloko lang ako. Pero handa akong masaktan muli atleast nasabi ko sayo ang pagmamahal ko. Wika ni Edward na paalis na sana ng biglang sumagot si Maymay.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...