15

713 48 4
                                    

CHAPTER 15 ^^

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Fenech sa sinabi ng kaibigan bago nagsalita pagkatapos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 15 ^^

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Fenech sa sinabi ng kaibigan bago nagsalita pagkatapos.

Kahit naman hindi ako nag-agree hindi ka parin titigilan ni Nikko kasi nga sobrang patay na patay yun sa beauty mo bes. Isang malakas na tawa ulit ang pinakawalan ni Fenech.

Natatawa kasi si Fenech sa mukha ng manliligaw ni Maymay nasi Nikko bungi kasi ito. Simula kasi ng makilala ni Nikko si Maymay ay ndi na ito tumigil sa panliligaw sa dalaga. Hindi na nga pinakikitunguhan ng maganda ni maymay minsan si nikko para tumigil na ito sa panliligaw pero sadya yata talagang makulit ito dahil patuloy parin ito sa panliligaw. Imbes na tumigil ay lalo pa raw syang nagkakagusto kay maymay.

Ewan ko sayo bes. Magtrabaho ka nga dyan kesa tumawa dyan. Baka kasi mapagkamalan kang baliw eh. Mataray na wika ni Maymay.

But infairness bes, bagay kayo ni Nikko hahahaha

Baliw! Tanging nasambit ni Maymay  at inayos ang kanilang panindang isda.

Kinahapunan matiyagang hinihintay ni Edward ang pag uwi ni Maymay. Pinaghandaan nya talaga ang araw na iyon para sa kanila ni Maymay dahil desidido na syang makipag ayos sa dalaga. Gusto na nyang maging magkaibigan sila nito at sawa narin sya sa  bangayan nilang dalawa. Gusto narin nyang makilala ang dalaga ng lubusan. Gagagwin na nyang lahat  maging magkaibigan lang sila nito. Halos isat kalahating oras na syang naghihintay kay Maymay ngunit ndi parin ito dumadaan sa lagi  nitong dinadaanan kapag uuwi na ito sa hapon. Alam nyang sa lugar na iyon tanging dumadaan ang dalaga dahil halos araw araw nyang nakikita ang dalaga dito. Basta ndi sya susuko dahil alam nyang dadaan din si Maymay doon. May ginawa lang siguro kaya wala pa. Habang naghihintay sya ay pasipul-sipol sya para malibang kahit papaano. Hindi naman nagtagal ay dumating narin ang kanyang hinihintay. Hindi na nya hinintay na makalapit ito sa kanya dahil agad nya itong sinalubong kaya naman nagulat ang dalaga pagkakita sa kanya.

Hi Maymay! Magandang hapon. Bulaklak nga pala para sayo. Pasensya kana kung yan lang nakayanan ko. Kinakabahang bungad niya sa naglalakad na si Maymay sabay abot ng bulalak dito.

Kanina maganda ang araw ko pero ngaung nasa harapao na kita at kausap nasira na ang araw ko. Pagtataray nya agad sa binata at nagsalitang muli. Bakit mo naman ako binibigyan ng bulaklak? Buhay pa ako para sabihin ko sa iyo. Gusto mo na yata akong mamatay kaya  binibigyan mo na ako ng bulaklak eh.

Grabe ka naman Maymay. Ikaw na nga itong binibigyan ng bulaklak ikaw pa itong galit. Tsaka hindi naman iyan bulaklak ng patay para pag isipan mo ako ng ganoong kasama. Seryosong  paliwanag ng binata.

So utang na loob ko pa pala sayo ngaun ang pagbibigay mo sa akin ng bulaklak? Ganun ba iyon? Mataray na sambit ni Maymay.

Hindi naman. Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayong dalawa. Halos lahat na kasi kaibigan ko na puwera lang ikaw. Kaya gusto ko sana maging magkaibigan na tayo. Wika ni Edward.

Marami na akong kaibigan kaya ndi ko na kailangan ng isa pa. Tama na iyong mga kaibigan ko na iyon. Ayoko ng dagdagan pa. Kaya maghanap ka nlang ulit ng pagbibigyan mo nitong bulaklak mo! Sabay soli ng bulaklak sa binata at naglakad ng mabilis para ndi na sya sundan pa ng binata.

Naman, Maymay! Nakikipagbati at nakikipagfriends na nga ako sayo tinatarayan mo pa ako. Ganyan ka ba talaga kataray sa mga lalaki? Wika ni Edward.

Hindi naman. Actually, sayo lang ako ganito dahil ndi kita feel maging kaibigan. Kaya sana maintindihan ng napakalawak mong taniman ng kamote ang sinabi ko. Kaya kung pwede lang wag mo na akong susundan pa kung ayaw mong masaktan. Mataray na wika ni Maymay.

Saktan mo na ako kung sasaktan mo ako pero susundan parin kita. Seryosong sambit ni Edward.

Halos lahat tuloy ng kanilang nakakasalubong ay napapatingin sa kanilang dalawa kasi naman para silang may relasyon na may LQ..

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon