CHAPTER 45 ^^
Tanner ikaw ba yan? Takang tanong nya dito kahit na batid nyang ito nga iyon. Gusto nya lang makasigurado dahil sa nakayuko ito.
Nang marinig ng lalaki ang tinig nya ay unti unti itong nag angat ng ulo at tumingin sa kanya.
Ako nga Marydale. I mean Maymay pala. Sagot naman nito agad.
Anong ginagawa mo dito? Tanong ni Edward.
Don't worry I'm here to congratulate you and Maymay for your upcoming wedding. Tanggap ko na ang lahat na ndi talaga kami ni Maymay ang para sa isat isa. Pero sana ndi pa ako huli para maging kaibigan ka at si Maymay muli. Sinserong wika ni Tanner.
Sa narinig ay parehong nagulat ang dalawa sa sinabi ni Tanner. Kahit medyo may pag alinlangan ay pumayag narin sila. Baka nga seryoso talaga ito.
Thank you Tanner. Sabay na pasasalamat ng dalawang magkasintahan.
About sa friendship pare oo naman. Magkaibigan parin tayo. Kaibigan ka na namin ni Maymay. Salamat Tanner. Friends? Sabay lahat ng kamay ni Edward para makipagkamay kay Tanner.
Friends. Sabay abot ng kamay ni Edward at pagkatapos ay ang kamay naman ni Maymay. Sabay nya rin itong niyakap.
Kailan pala ang kasal ninyo? Matatagalan pa ba? Pag usisa ni Tanner.
Hindi naman. Actually next week na ang kasal namin. And you're invited. Sagot naman ni Edward sabay abot ng wedding invitation card.
Thank you. Pupunta ako. Gusto kong makita ang magaganap na masayang kasal ninyo. Sambit nito na nakangiti.
Bakit mo nga pala tinatanong kung kailan ang kasal namin? Tanong ni Maymay.
Kasi after two weeks babalik na ako ng ibang bansa. Kaya natanong ko na kung kailan kasal ninyo baka kasi ndi nako maka attend eh. Sagot naman ni Tanner.
Ganoon ba. Mabuti naman makakapunta ka pa. Masayang tugon naman nila Edward at Maymay.
Oo nga eh. Mabuti nalang talaga. So paano mauna na ako, may pupuntahan pa kasi ako eh. Salamat nga pala ulit. Pagpapaalam na wika ni Tanner.
Sige pare ingat ka. Sagot ni Edward.
Salamat kayo rin. Tugon ni Tanner at umalis na nga.
Love ang saya ko. Biglang wika ni Maymay.
Ako rin love. Wala na tayong problema kay Tanner. wika naman ni Edward.
Sana pati kay Kisses bago ang kasal natin maayos narin para talagang masaya na. Wika ni Maymay.
Oo nga eh. Sana nga talaga Love. Tugon ni Edward.
Matapos makipag ayos sa kanila ni Tanner ay ngaung araw naman magaganap ang pakikipag ayos ni Kisses kay Edward. Isang araw bago ang kasal.
I'm glad you're here Edward. Masayang wika ni Kisses ng makalapit sa mesa si Edward at hinalikan ito sa pisngi. Nasa bahay sila nito.
Anong pag uusapan natin Kisses? Direchong tanong ni Edward.
Masyado ka namang nagmamadali Edward. Kumain na muna tayo.
I have no time for this Kisses. Bukas na ang kasal ko. Ang sabi mo importante ang sasabihin mo kaya pumunta ako kahit gabi na.
Importante naman talaga Edward. Pinapalaya na kita. Mabilis na sagot ni Kisses.
Ta-talaga Kisses?
Yes, Edward. Ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa iyo. I just want you to be happy with the one you really love. Thats why I'm setting you free. Masayang wika nito na titig na titig sa mukha ni Edward.
Thank you Kisses. Thank you talaga. Ang tuwang tuwang wika ni Edward dahil sa kasiyahan ay ndi nito napigilang ndi yakapin si Kisses.
So lets eat na muna Edward. Gutom na ako eh. Wika nito sabay himas ng tiyan para halata talagang gutom siya.
Sure Kisses. Tanging tugon nya.
Pinagsaluhan na nga nila ang kaunting pagkain na inihanda ni Kisses ng gabing iyon. Habang kumakain sila ay nagkukuwentuhan pa sila at sinabi pa nga ni Edward na sobra na syang excited para sa kasal nila ni Maymay na gaganapin bukas ng umaga. Kaya naman nagpaalam na ito after one hour ay uuwi na sya para makapag pahinga dahil alas diyes ng umaga ang kasal nila kinabukasan. Pumayag naman si Kisses at nagsabi pa ngang pupunta sya para masaksihan ang kasal.
Ang sarap nitong hinanda mo Kisses, salamat ha?
Wala iyon. Parang goodbye party mo narin ito sa pagiging binata mo. Bukas kasal kana eh. Nakatali kana. Wika ni Kisses.
Oo nga eh. Pero okay lang kasi mahal na mahal ko naman si Maymay. Wika ni Edward sabay inom ng wine.
Yeah! Iyon naman ang importante mahal ninyo ang isat isa.
Uwi na ako Kisses. Parang medyo nahihilo na ako. Kailangan ko na nga talagang magpahinga. Salamat sa dinner. Wika nito habang hawak ang sentido.
Siguro ka bang kaya mong umuwi? Ipagdadrive nalang kita kasi masakit na pala yang ulo mo baka may mangyari pa sa iyo. Ikakasal kapa naman.
Dont worry kaya ko ito. Thank you nalang Kisses. Sambit naman ni Edward pero hindi pa man sya nakakalabas ng pinto ay nawalan na ito ng malay..
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...