11

963 50 18
                                    

CHAPTER 11 ✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 11 ✨

Tama na naman! Masakit na talaga! Ang angal ni Edward.

Nang makita ni Fenech na maraming tao sa kanilang pwesto ay nagmamadali siyang pumunta dahil akala niya ay mga mamimili ang mga iyon. Kaya naman laking gulat niya ng makita ang kanyang kaibigan na si Maymay na may lalaking hinahampas ng isda.

Bess tama na yan! Tigilan mo na yan! Wika ni Fenech sa kaibigan at pilit niyang kinukuha ang hawak hawak nitong isda.

Wag mo akong pigilan bess, masyado ang lalaking yan eh! Galit na wika ni Maymay.

Ito namang si Edward ay parang basang sisiw sa kanyang itsura, ikaw ba naman ang hampasin ng pauli ulit ng isda siguradong ganoon din ang magiging itsura mo.

Ilayo mo na nga iyan sakin Fenech. Grabe ang ginawa sa akin oh! Wika ni Edward.

Bagay lang yan sayo! Sigaw ni Maymay.

Ano bang ginawa ko sayo? Wala naman akong ginawa ah! Sambit ni Edward habang pinupunasan ang sarili.

Tumigil na nga kaying dalawa. Tama na ha! Awat ni Fenech at pinaalis na ang mga taong nakapalibot sa kanila sa palengke.

Kayong dalawa ano bang problema niyo? Daig nyo pa ang bata sa inasal nyo kanina ha? Hindi na kayo nahiya! Talak ni Fenech sa dalawa.

Ewan ko ba sa babaing yan. Bigla nalang akong inaway at hinampas ng isda. Wika ni Edward.

Ewan mo ha? Kapal ng mukha mo! Bastos! Sigaw muli ni Maymay at nagtatangkang sugurin muli si Edward, buti nalang naharangan agad siya ni Fenech.

Naku Edward, umalis kana muna kasi galit na galit ang bestfriend ko. Mag usap nalang tayo sa susunod. Wika ni Fenech.

Mabuti pa nga! Daig pa ng kaibigan mo ang isang dragon eh. Wika ni Edward na pangisi-ngisi na nakatingin kay Maymay.

Pang asar talaga! Wika nalang ni Maymay sa sarili. Tanging matalas na irap nalang ang tinugon niya kay Edward. Kung nakamamatay lang ang binigay na irap ni Maymay kay Edward siguradong patay na ito sa kinatatayuan nito ngayon.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Simula ng magkrus muli ang landas nila Edward at Maymay ay walang tigil na ang bangayan ng dalawa. Hindi matatapos ang araw na hindi sila nagbabangayan. Dinadaan nalang ni Edward sa pang aasar ang pagkausap kay Maymay. Gustuhin man niyang kausapin ng maayos ang dalaga ay pagtataray naman ang isasagot nito sa kanya. Kaya naman napagpasyahan na lang niyang pikunin at asarin nalang ito. Hindi na siguro darating ang araw na magiging magkaibigan sila nito. Gayunpaman hindi rin natatapos ang araw na hindi niya pinuri ang kagandahan nito. Tulad ngayon kahit mukhanmg pagod na pagod na ang itsura nito ay gandang ganda pa rin siya rito. Lihim niyang tinitingnan ang dalaga sa malayo. Iyon ang kanyang gawain kapag nagkakaroon siya ng oras. Hinding hindi niya pagsasawaang titigan ang maamo at magandang mukha ng dalaga.

Haaayyy! Ang ganda talaga niya! Ang wala sa sariling nasabi ni Edward. Lingid sa kanyang kaalaman ay narinig pala ito ng kaibigan niyang kargador din sa palengke.

Narinig ko yun pre! Tingin ko si Maymay ang sinasabi mong maganda, hindi ba? Wika ng kasamahan niya.

Wala ah! Wala akong sinasabi rito! Tsaka bakit naman ako magagandahan sa dragon na iyon? Sobra kayang taray nun! Kung makakabuga  nga lang siya ng apoy siguradong nabugahan na niya ako at matagal nakong natusta! Wika ni Edward na ang tono ay kunwaring inis.

Pero aminin mo pare maganda talaga si Maymay kahit saang anggulo mo siya tingnan. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong mapansin ni Maymay talagang liligawan ko siya. Wika ng lalaki.

Eh di ligawan mo pare, para mapansin ka niya talaga. Sabi naman ni Edward.

Loko ka Edward! Tingnan mo naman ang itsura ko sa itsura ni Maymay, masyado siyang maganda para sa akin. Pero kung may isang tao na bagay kay Maymay isa lang ang nasa isip ko, match na match talaga silang dalawa nun pare.

Sino naman yun? Tanong ni Edward.

Gusto mo talagang malaman kung sino yun?

Oo para makausap ko na kung may plano syang ligawan si Maymay, huwag na niyang ituloy. Sagot ni Edward.

Bakit naman Edward?

Dahil malas niya kapag naging girlfriend niya si dragon. Baka awayin lang sya araw araw. Sagot ni Edward.

Palagay ko hindi pare kundi swerte kapag naging girlfriend si Maymay.

Bakit mo naman nasabing swerte? If i know wala pang naging boyfriend yan kahit isa. Bakit ngayon walang boyfriend si dragon? Tanong ni Edward.

....itutuloy...

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon