CHAPTER 10 ✨
Miss Marydale Entrata, ang ganda yata ng mga ngiti natin dyan ah? Wika ni Fenech sa kaibigang si Maymay, kanina pa niya kasi ito nakikitang nakangiti.
Siyempre bess, feeling ko maganda na naman ang magiging araw ko ngayon at makakaubos na naman tayo ng paninda natin. Mabilis na sambit ni Maymay na may ngiti parin sa mga labi.
Maganda kasi talaga ang gising niya kahit alas tres ng madaling araw siya lagi nagigising para mamakyaw ng kanilang ititinda sa palengke. Idagdag pang hindi na niya muling nakita ang lalaking kinaiinisan niya ng sobra.
Eh di maganda bess para malaki na naman kikitain nating tatlo nila Tita at matutuwa na naman iyon sa ating dalawa. Nakangiting sabi ni Fenech.
Makikita mo talaga sa itsura ni Maymay ang saya lalo sa kanyang mga mata. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na ang araw din na iyon ang sisira sa maganda niyang araw dahil sa isang taong kanyang makikita.
Dito nalang hijo, salamat dito sa pagtulong dito sa mga pinamili ko. Sabi ng isang Ginang na tinulungan ni Edward sabay abot sa kanya ng fifty pesos.
Naku wala po iyon, ayos lang po trabaho ko naman po ito. Sige po ingat po kayo. Wika ni Edward sa Ginang ng kanyang maihatid sa tricycle.
Halos dalawang linggo narin siyang nagtatrabaho bilang kargador sa palengke. Nahihirapan man siya sa trabaho ay masaya naman ang pakiramdam niya dahil nakakatulong siya sa bawat taong kanyang natutulungan kahit ang kapalit ay kaumting halaga. Hindi niya rin akalain nasa pagkakargador niya makikita ang kanyang matagal ng gustong makita. Kapag kasi pumunta siya sa pwesto nila Fenech ay hindi niya naaabutan si Maymay pero ngayong araw na iyon ay magkikita na sila.
Hi miss saan pala ilalagay itong banyera ng isda? May binili lang kasi si Fenech kaya nauna na ako dito. Magalang na bungad ni Edward sa kausap pero hindi niya naaaninag ang itsura ng kausap dahil ito ay nakayuko na parang may inaayos na hindi niya alam.
Pakilagay nalang po diyan sa gilid. Mabilis na sagot ni Maymay na nakayuko parin kaya hindi niya nakikita kung sino ang kausap niya.
Dito po ba? Muling tanong ni Edward.
Sige po diyan nalang po. Ayusin ko nalang po mamaya, pagkatapos ko dito. Medyo inis na sabi ni Maymay.
Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kasi kung dito ko ilalagay nakaharang sa daan eh. Bakit kasi hindi ka humarap sa kausap mo at iwan mo muna yang ginagawa mo para magkaintindihan tayo. Pagsusungit ni Edward. Hindi yun nakaligtas sa pandinig ni Maymay kaya asar niyang hinarap ang lalaki. Sa kanyang pagharap dito at hindi niya inaasahan ang kanyang makikita at maging ang lalaki ay ganun din kaya naman pareho sila ng nasabi sa pagkabigla.
I-K-A-W?? Sabay nilang sambit sa pagkakabigla.
Anong ginagawa mo ditong lalaki ka ha? Kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin. Nang gagalaiting wika ni Maymay ng makitang muli ang lalaking kinaiinisan.
Hindi makapal ang mukha ko ah! Super gwapo lang na magpapa ibig sa iyo Miss Dragon! Sabay kindat ni Edward kay Maymay.
Hindi lang pala makapal ang mukha mo kundi ambisyoso pa! As if namang iibig ako sa mukhang bakulaw na tulad mo! Kung ikaw lang din ang lalaking mamahalin ko, huwag nalang oyy! Inis na inis na sambit ni Maymay.
Hindi ah! I'm just telling the truth, Miss Dragon! I'm one hundred percent sure that you will fall in love with me more than I expected. Paninigurado ni Edward, sarap na sarap siyang inisin ang babaeng kausap kasi naman lalong gumaganda ito sa paningin niya kapag naaasar.
Abat may pa english english pa ang bakulaw na ito. Wika ni Maymay.
I assure you bakulaw, I will never fall in love with you because you are the one who will fall in love with me. Sabay irap na wika ni Maymay.
Wew! Ang feeling mo pala Miss Dragon hahaha me will fall in love with you? I won't allow it to happen. Pang iinis ni Edward sa dalaga.
Whatever! Pwede bang umalis kana dito bago pa kita masaktan. Pagtataboy ni Maymay kay Edward dahil asar na asar na talaga sya sa lalaki.
Ano yun Miss Dragon? Masaktan o Mahalikan? Hahaha pagtutuwid ni Edward sa sinabi ni Maymay
Imbes na magalit si Maymay sa narinig ay may kalokohan siyang naisip ng mahagip ng kanyang mata ang banyera.
Oo naman gusto kitang halikan, sandali lang ha! Malambing na wika ni Maymay kay Edward at dahan dahan siyang lumapit sa banyera ng isda para kumuha ng isabg malaking isda. Walang kaalam alam ang binata sa binabalak ni Maymay. Nakatalikod pa naman si Edward dahil may tumawag sa kanya na kargador din sa palengke kaya hindi niya nakita ang ginagawa ni Maymay na paglapit at pagkuha ng isda sa banyera.
Ready ka na ba sa halik mo bakulaw? Malambing na tanong ni Maymay.
Sige ba! Nakangiting harap niya sa dalaga. Sa kanyang pagharap ay biglang duldol sa kanya ng isda.
Itong halikan mong bakulaw ka! Inis na wika ni Maymay sabay duldol ng isda sa labi ni Edward.
Aray! Ano ba! Masakit ha! Angal ni Edward.
Bagay lang yan sa tulad mong bakulaw. Eto pa halikan mo pa. Kapal ng mukha mo! Wika ni Maymay na hindi parin tumitigil sa ginagawa niya.
... Itutuloy...
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...