CHAPTER 49 ^^
Bago pa man makapagsalita ang nobyo ay agad na siyang nakatalikod para makalabas ngunit narinig nya parin ang pagtawag nito ng pangalan nya. Para syang pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakitang tagpo na iyon. Napakasakit. Sobrang sakit. Wala sabi sabing nilisan nya ang lugar na iyon ng ndi alam kung saan sya pupunta. Basta ang importante makaalis sya sa lugar na iyon.
Maymay. Tanging nasambit nya dahil sa pagkagulat habang papalit palit ng tingin sa tatlo maliban kay Maymay na bigla ng umalis ng makita sya. At hindi rin nagtagal ay sinundan ito ni Tanner. Gustuhin man niyang sundan si Maymay ay hindi na nya ginawa dahil narin sa ayos nya. Kitang kita nya sa mga nito ang sakit na nadarama nito ngaun. Sakit na sya ang nagbigay.
Tulad niya ay nagulat din ang mga ito. Kitang kita sa mga reaksyon ng mga ito ngayon. Habang si Kisses ay tahimik lang na nakatingin din sa kanila.
What's this Edward? Tanging tanong ni Marco.
I can explain. Mabilis na sagot nito.
Dress up Edward. At iniwan na nila Marco at Fenech sila Kisses at Edward.
Damn! Tanging nasambit ni Edward pagkaalis ng mga ito at isa isa ng isinuot ang mga damit na kanyang pinulot isa isa.
I hope your very happy now Kisses. Tanging nasabi nyj sa babae at padabog nyang isinara ang pintuan ng kwarto pagkalabas niya.
Nang makalabas si Tanner sa kwarto ay nakita niya ang unti unting pagkabagsak ni Maymay. Dahil doon ay dali dali siyang napatakbo upang saluhin sana ang dalaga sa pagkabagsak ngunit bago pa man sya nakalapit ay bumagsak na ang wala ng malay na si Maymay sa sahig. Hindi na sya nagdalawang isip pa agad nya itong binuhat para dalhin sa hospital. Pababa na sya ng hagdanan ng maabutan sila nila Marco at Fenech.
Tanner anong nangyare kay Maymay? Nag aalalang tanong nila Marco at Fenech.
Nakita ko nalang sya kanina na unti unting bumabagsak sa sahig.
Nasa may pinto na si Edward ng makita nya si Tanner na buhat buhat si Maymay habang si Fenech ay binuksan ang pinto ng kotse upang maipasok ni Tanner sa loob si Maymay. Samantalang si Marco ay pumasok nasa driver seat. At pinaandar na nga ang sasakyan.
Bakit buhat buhat ni Tanner si Maymay? Bakit parang walang malay si Maymay? Anong nangyare? Sunod sunod niyang tanong sa kanyang sarili at mabilis na sumakay ng kotse at sinundan ang sasakyan ni Marco.
Sa ospital habang naghihintay sila sa may lobby ay biglang bumukas ang pintuan kung saan naroroon si Maymay.
Kamusta na po sya doktora? Halos sabay sabay nilang tanong dito.
Ok na naman sya. Medyo napagod lang kaya sya nawalan ng malay at ndi hindi pa man tapos magsalita ang doktora ay sumabat na ulit si Tanner.
At ano po doktora? Sabat na tanong ni Tanner.
Ikaw ba ang asawa ng pasyente? Ang tanong ng doktora kay Tanner. Sasagot na sana sya ng biglang may sumagot na iba mula sa likuran na kanilang ikinagulat. Kaya naman sabay sabay silang napalingon dito.
Ako po ang asawa niya doktora. Ang biglang sagot ni Edward.
Ah ganun ba. I want to congratulate you. Your wife is 3 weeks pregnant. Pwede na kayong pumasok sa loob. Pagkasabi niyon ay umalis na ang doktora at naiwan silang apat sa lobby.
Thank you doktora. Tanging nasabi nya.
Nang mga oras na iyon ay pare pareho silang nagulat sa sinabi ng doktora lalong lalo na sya kaya halos hindi na sya nakapagsalita. Syempre sobrang masaya sya dahil magkakaanak na sila pero ndi lubos dahil may problema pa syang dapat lutasin. Ayaw niyang mawala sa kanya ang tanging babaing minahal nya ng higit pa sa buhay nya.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang apat bago basagin iyon ni Tanner.
May mukha ka pa talagang magpakita dito Edward pagktapos ng ginawa mo kay Maymay? Ang galit na galit na pigil ni Tanner sa sarili na masuntok ito.
Umalis kana Edward. Sigurado naman kaming kapag nagkamalay si Maymay ay ayaw ka niyang makita eh. Ang wika ni Fenech.
Gusto kong makita si Maymay. Hayaan nyo akong makapasok. Please naman oh. Pagmamakaawa ni Edward sa mga ito.
Wala ka ng karapatan Edward. Kaya umalis ka na. Marco ikaw na ang bahalang mapaalis kay Edward. Pasok na tayo sa loob Tanner. Ang pagalit na wika ni Fenech at pumasok na nga ang dalawa sa loob ng kwarto at naiwan sa labas sina Marco at Edward.
Gusto ko lang naman makita si Maymay pare. Masama ba yun? Ang maiyak iyak na wika ni Edward habang nakaupo nasa sahig.
Huwag na muna Edward. Hindi makakabuti kay Maymay. Isipin mo nalang ang baby nyo. Umuwi kana muna pare baka maabutan ka pa ng mga kapatid ni Maymay at magkagulo pa. Ang pagpapaliwanag na wika ni Marco sa kaibigan.
Pagkauwi naman ni Edward sa kanilang mansyon ay agad syang sinalubong ng kanyang Lolo at Lola. Sya ay niyakap ng mga ito. Basta niyakap na lamang sya ng mga ito ng mahigpit. Dama nya ang pagmamahal ng mga ito at nalulungkot sa nangyare. Hanggang sa ikinuwento nya ang tunay na nangyare. Lahat ng detalye ay ikinuwento nya sa mga ito at kapwa nagalit sa ginawa ni Kisses. Nalungkot din ang mga ito sa nangyare sa kanilang dalawa ni Maymay. Sa kabilang banda natuwa rin ang mga ito ng sinabi niyang magkakaanak na sila ni Maymay dahil 3weeks pregnant na si Maymay. Gusto na kasi ng mga ito ang magkaapo sa kanya pero batid ng mga ito ang problema. Nagpasya ang mga ito na dalawin sana ng araw na iyon si Maymay sa ospital ngunit pinigilan nya ang mga ito bagkus ay sinabi niyang bukas na lamang para makapagpahinga ng lubusan si Maymay at maging ang kanyang Lolo at Lola ay pinagpahinga narin nya.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...