24

611 43 1
                                    

CHAPTER 24 ^^

So kamusta na Edward? May girlfriend kana ba? Bungad na tanong ni Marco ng hapon na iyon.

Kasalukuyan silang nasa terrace ng mansyon nila Edward. Kadarating nya lang sa mansyon ng maabutan nya si Marco na nandoon.

Ok naman pero wala pa akong girlfriend. Pero plan ko ng magtapat sa girl. Hindi ko na kasi kayang ilihim pa. Mabilis nyang sagot sa kaibigan.

Well thats good para naman pagdating ni Tanner maipakilala mo na sa amin ang girl na yan. Maganda ba yan? Natutuwang tugon ni Marco.

Ofcourse, she's beautiful but thats not the reason why I love her. She's admirable, fantastic, simple and a precious one.

Wow naman talaga precious ha! I hope soon, I meet her.

Oo naman. Sana maging girlfriend ko nga eh. Ikaw unang makakakilala sa kanya. Anyway kailan nga pala ang uwi ni Tanner dito? Is that for good or on vacation?

Its for good and I think one month from now ang dating nya.

Ah ganun ba? Malapit na pala.

Lingid sa kanyang kaalaman na ang pagdating ng kaibigan nyang yun ay syang magiging malaking balakid sa kanyang kaligayahan sa babaing kanyang minamahal.

Gabi ng linggo bago matulog si Edward ay may plano na syang nabuo. Magtatapat na sya ng kanyang nararamdaman sa dalagang matagal na nyang iniibig ng palihim. Tanggapin o ndi man iyon ng dalaga ay tatanggapin nya ng maluwag sa kanyang sarili. Alam din nya na dapat nya rin ipagtapat ang tunay nyang pagkatao sa dalaga. Bahala na si superman bukas sa mangyayari. Alam nya pagdating ng bukas ay marami ng magbabago sa kanila ni Maymay. Tanging dasal na lamang nya ay ndi masira ang pagkakaibigan nila ng dalaga.

Pag uwi nya kinabukasan sa tinitirhang bahay sa squatters ay agad nyang pinuntahan si Fenech para sabihin dito ang kanyang gagawing pagtatapat sa kaibigan nito. Nang matapos nyang sabihin iyon ay laking tuwa nito at sinabi pang boto ito sa kanya para kay Maymay. Sa sobrang saya ay nasabi tuloy nito sa kanya na tulad nya ay inlove narin sa kanya si Maymay. Nang kanyang malaman iyon ay sobra nya itong ikinatuwa dahil mahal rin pala sya ni Maymay. Hindi narin sya masyadong mahihirapan na sabihin iyon. Kaya lang ndi pa nya alam kung papatok ba ang kanyang istilong gagawin para masabi ang kanyang nararamdaman kay Maymay. Talagang desidido na syang magtapat sa araw na iyon. Hindi na nya pwdeng ipagpabukas ang bagay na iyon. Pagkatapos nyang masabi kay Fenech ay pinuntahan din nya ang dalawang kapatid ni Maymay na sina Aizan at Yong sinabi nya rin sa mga ito ang kanyang gagawing pagtatapat sa ate nila at sinabi nya rin kung gaano nya kamahal si Maymay. Natuwa rin ang mga ito pero binantaan din sya na kung sasagutin sya ng kanilang kanilang ate ay wag na wag nyang sasaktan ang ate nila dahil ang mga ito raw ang kanyang makakalaban. Naintindihan naman nya ang mga ito. Sabi naman nya ay ndi nya sasaktan kailanman si Maymay.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon