22

734 47 0
                                    

CHAPTER 22 ^^
Talaga bes? Thats good news, matagal na kayong hiwalay ni Tanyong kaya  dapat lang talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 22 ^^

Talaga bes? Thats good news, matagal na kayong hiwalay ni Tanyong kaya  dapat lang talaga. Masayang wika ni Fenech kay Maymay sa sinabi nitong ang naramdaman nya ng maalala nya ang dating nobyo.

Kaya lang bes talagang ndi ko alam kung bkt ganun eh? Kasi alam ko mahal ko parin si Tanyong hanggang ngaun. Naguguluhang wika ni Maymay.

Alamo maaaring inlove ka nalang talaga sa memories ninyo at ndi na kay Tanyong mismo. Gets mo ba ako bes? Wika ni Fenech.

Hindi ko talaga alam bes.

Or maybe your inlove with someone else bes. Nakakalokong wika ni Fenech sa kaibigan habang ngingiti ngiting  nakatitig sa kaibigan.

Inlove? Nagpapatawa ka ba? Kanino naman ako maiinlove? Wala naman akong ini-entertain na manliligaw kaya paano naman ako maiinlove? Nakataas na kilay na wika ni Maymay.

Kanino raw oh?! Hindi naman dapat nanliligaw ang isang tao para mainlove ka eh? Makahulugang wika ni Fenech.

Huh? Anong pinagsasabi mo dyan bes? Di kita maintindihan. Naguguluhang tanong nya.

Umandar na naman ang pagkashunga mo Marydale Entrata. I mean is your inlove already. Youre inlove with Edward. Diretsa nyang sabi sa kaibigan at ndi na tlaga nagpaliguy ligoy pa.

Ewan ko sayo Fenech. Im not inlove with him. Were just friends. Thats it. Uuwi na nga ako. Gulo mong kausap. Wika ni Maymay sabay walkout.

Gasgas na yang linya mo bes. Pwede mong itanggi yan sa akin pero sa sarili mo hindi. Aamin ka rin. Sigaw ni Fenech sa papaalis na kaibigan at tatawa tawa pa.

Sigurado talaga syang inlove na ang kanyang kaibigan kay Edward. Dahil nakita narin nya ang ganung ekspresyon dati ng inlove ito kay Tanyöng. Pero alam nya na mas matindi ngaun ang pagkainlove ng bestfriend nya dahil sa kakaibang ganda at sigla nito kumpara noon.

Pagdating ni Maymay sa kanilang bahay galing kina Fenech ay dire direcho na sya sa kanyang kwarto. Hindi na nga nya namalayan ang pagtawag sa kanya ng kanyang dalawang kapatid na nasa salas nila.

Nang nasa kuwarto na sya ay inilock nya ang kanyang kwarto at biglang pabagsak na humiga sa kanyang kama. Mabuti nlang malambot iyon kaya ndi sya nasaktan. Habang nakahiga na ay nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga. Hindi parin nya nakakalimutan ang napag usapan nila ni Fenech kanina. Tama nga kaya ang sinabi ng kanyang kaibigan sa kanya. Inlove na nga ba sya kay Edward? Paano nga kung inlove na talaga sya kay Edward? Paano na si Tanyong? Handa ba syang kalimutan ang lahat ng  nangyari sa kanilang dalawa para lamang sa bagong pag-ibig kung sakali na ndi naman nya alam kung may katugunan?

Naguguluhan talaga sya. Hindi nya talaga alam nangyayari sa kanyang sarili. Nagpasya nalang sya na itulog nalang iyon bago pa sya mabaliw sa pag-iisip.

Nang magising sya ng gabi ay ang gwapong mukha ni Edward ang kanyang nabungaran sa kanilang kusina. Pagbangon nya kasi ay agad syang nagpunta sa kusina. Dahil baka ndi pa nakakapagluto ang dalawa nyang kapatid. Nagulat pa tuloy sya ng makita sa kusina si Edward na may niluluto.

Nakakagulat ka naman Edward. Anong ginagawa mo dito? Tanong nya agad sa binata at naupo sa upuan.

Hi Maymay! Gising kana pala, heto nagluluto ng ulam natin. Tikman mo nga kung ok ang timpla ko. Nakangiting sagot ng binata.

Ano ba yang niluluto mo? Ikaw nalang kaya ang tumikim nyan. Masungit na sabi nya dito pero lumapit naman kay Edward.

Chicken Pork Adobo ala Edward. Sabihin mo kung tama lang ang pagkakatimpla ko ha? Malambing na wika ni Edward at unti unting inilalapit kay Maymay ang kutsara na may sabaw para ipatikim sa dalaga.

Hmmm masarap sya Edward. Tamang tama lang ang lasa. Sambit naman ni Maymay pagkatapos matikman ang adobong niluluto ni Edward.

Pag angat ng kanyang ulo ay nagsalubong ang kanilaog mga mata ni Edward. Nakatitig pala ang binata sa kanya. Matagal ang kanilang naging titigan. Walang gustong magpatalo.

Edward naman wag mo akong titigan ng ganyan, baka matunaw ako. Ang gwapo mo pala lalo kung tinititigan ka. Sabi nya sa sarili.

Ang ganda mo talaga Maymay. Walang kasing ganda. Youre the most beautiful girl i've ever met in my entire life. I really love you. Wika naman ni Edward sa sarili.

Bago pa man matuksong halikan ni Edward si Maymay ay una na itong nagbitiw ng tingin sa dalaga. Inasar nalang nya ng inasar si Maymay.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon