CHAPTER 2 ✨
Ate Maymay sabi nga po pala ng teacher namin sa katapusan daw po ng buwan may babayaran daw po kami na 250 pesos pati rin daw po sila Yong. Ang wika ng pangalawa niyang kapatid na si Aizan.
Hala sa katapusan na ba yun? Wala pa akong pera, bale 500 ang babayaran niyong dalawa. Sige pag iipunan ko. At kung magkulang uutang na lamang ako kay Aling Thuy.
Ayaw mo pa kase kami hayaan na tulungan ka ate magtrabaho. Reklamo ng kapatid nyang si Aizan dahil awang awa na ito sa kanilang ate na simula namatay ang kanilang mga magulang ay ito na ang nagtatrabaho upang mabuhay silang magkakapatid.
Oo nga ate kahit magtinda lang kami ng diyaryo at pandesal sa umaga bago po kami pumasok sa eskwelahan para matulungan ka po namin kahit paano sa mga gastusin. Ang sabi ng bunsong si Yong.
Nasa high school na si Aizan at elementary naman si Yong.
Hay naku tumigil kayong dalawa diyan. Ang gusto kong gawin niyo ay mag aral ng mabuti para kahit mahirap lang tayo nakapagtapos kayo. Gagawin ko ang lahat makapagtapos lang kayong dalawa. Lalo kayo mga lalake kayo. Magiging padre de pamilya kayo balang araw kaya talagang kailangan niyong makapagtapos para magkaroon kayo ng magandang trabaho. Ang mahabang wika niya sa mga kapatid, dahil sa totoo lang gusto niya talagang mapagtapos sa pag aaral ang kanyang dalawang kapatid hanggang kolehiyo. Ayaw niyang matulad ito sa kanya na nahihirapang makahanap ng magandang trabaho dahil sa hanggang 3rdyear high school lang ang natapos niya. Kaya hanggang sa pagtitinda nalang ng gulay sa palengke ang kanyang trabaho.
Opo Ate, mag aaral kaming mabuti ni Kuya Aizan para naman masuklian namin ang paghihirap mo. Kaso po, pwede na po ba tayong kumain? Kasi nagugutom na po ang dinosaur sa tiyan ko, ang kwelang sambit ng bunsong si Yong.
Samantala..
Edward apo, ako ito. Totoo ba ang sinabi sa amin ni Marco na lilipat ka naraw at talagang itutuloy mo ang plano mo? Tanong ng kanyang lola.
Opo lola sa makalawa na po ang lipat ko doon.
Hindi na ba namin mababago ng lola mo iyang plano mo apo? Alamo naman kung gaano kami kasanay na nandito ka. Ang wika naman ng lolo niya.
Sigurado na po ako lolo at lola. Wag po kayong mag alala, dadalaw parin naman po ako dito sa inyo. Tulad nyo po mamimiss ko rin po kayo. Tsaka malay nyo po pagbalik ko ulit dito may kasama na ako. Ang pabirong wika ni Edward.
Bueno apo kung saan ka masaya, susuportahan ka namin ng lola mo. At siguraduhin mo lang na dadalawin mo kami rito.
Dahil kung hindi, pupuntahan ka namin sa tinitirhan mo. Ang sabi ng kanyang lola.
Nakakatakot naman si lola, siyempre po pupuntahan ko parin po kayo dito. I love you Lola at Lolo. Seryosong wika niya sabay halik sa mga noo nito.
Kung hindi lang talaga kailangan na umalis siya pansamantala sa kanilang mansiyon ay hindi niya iiwan ang kanyang lolo at lola dahil minsan ay hindi pa siya nahiwalay sa mga ito. Mahal na mahal niya ang mga ito, kaso nga lang kailangan niyang patunayan sa kanyang sarili na may magmamahal sa kanya bilang siya at hindi lang dahil sa kayamanang meron siya. Hindi man siya sigurado kung may magandang mangyayari sa kanyang plano pero handa siyang tumaya pangit man ang maging resulta nito.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fiksi Penggemar❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...