CHAPTER 46 ^^
Araw na ng kasal. Sa simbahan ay unti unti ng nagsisidatingan ang mga bisita at sa hotel naman ay inaayusan narin si Maymay. Simple lamang ang make up ni Maymay at maging ang kanyang wedding gown pero hindi mo mahahalatang simple lamang iyon dahil ng maisuot na iyon ni Maymay ay aakalain mong isa iyong mamahalin at lumabas pa ang kagandahang tinatago nito.
Habang inaayusan sya ng kinuhang make up artist ni Edward para sa kasal nila ay pinapanood sya ng kanyang dalawang kapatid at ng kanyang bestfriend nasi Fenech. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan.
I'm happy for you bes. Maya maya lang hindi ka na single kundi Mrs. Barber's kana. Ayiiieeii! Kinikilig na sambit ni Fenech sa kaibigan na inaayusan ng make up artist.
Oo nga bes eh. Parang kahapon lang pareho tayong walang boyfriend tapos ngaun ikakasal na ako. At sa lalaking mahal ko pa. Mahal na mahal ko si Edward bes sobrang mahal. Masayang tugon ni Maymay.
Natatandaan ko pa nga dati galit na galit ka kay Edward bes. Bakulaw pa nga tawag mo sa kanya. Sabi mo pa nga hinding hindi ka magkakagusto sa bakulaw na iyon kahit kailan pero tingnan mo naman ngayon. Pagbabalik tanaw ni Fenech.
The more you hate, the more you love. Iyon ang tawag sa love story nila. Sabat ng bading na make up artist
May part na ganun ate pero naging magkaibigan naman sila na naging magka-ibigan. Bagay na bagay sila diba? Wika ni Fenech.
Bagay na bagay talaga. Super duper bagay talaga silang dalawa. Ang kagandahan ni Maymay ay nababagay lamang sa kaguwapuhan ni Edward. Pang sang ayon ng bading at biglang nag apiran ang dalawa.
Sigurado ako excited na si Edward na masilayan ang kagandahan mo bes. I'm sure matutulala iyon pagkakita sa iyo sa simbahan. Wika ni Fenech.
Matutulala talaga sya kay Maymay. Sya ang pinakamaganda doon. Ayan patapos na. Ikaw talaga ang pinakamaganda sa lahat ng namakeupan ko na ikakasal. Kahit simple lang mga napili mong kulay bagay talaga sa iyo at lumabas talaga ang kagandahan mo. Talagang pagtitinginan ka mamaya sa simbahan lalo ng mga lalaki at maraming maiinggit sa iyong babae. Mahabang litanya ng make up artist na bading.
Sinabi mo pa ate. Ayan puwede na nating ilagay itong belo mo para makapunta na tayo sa simbahan. 9:25am na pala. Sige bes tawagin ko lang ang photographer at ang dalawa mong kapatid para makapagpicture na kayo ulit. Wika ni Fenech at lumabas na nga.
Sige bes thank you! Tugon naman ni Maymay. At tiningnan ang sarili sa salamin.
Kinakabahan man sya ay excited narin sya sa magaganap mamaya sa simbahan. Hindi rin sya makapaniwala na mamaya ay magiging Mrs. Barber na sya at makakasama na nya habambuhay ang lalaking mahal na mahal nya. Pero may kakaibang kaba syang nararamdaman simula pag gising nya na ndi nya batid kung ano at para saan. Siguro naman walang mangyayari sa kanilang kasal ni Edward.
Lahat handa na maging ang kanilang bisita. Kakatawag lang sa kanila ni Marco para sabihing unti unti ng nagsisidatingan ang mga bisita at halos puno na ng ibat ibang klaseng kotse ang kalsada. Nakalimutan nga lang nya kamustahin si Edward dito pero sigurado naman syang pareho sila ng nararamdaman ng mga oras na iyon. Maya maya ay magkikita narin sila nito. Sya na talaga ang pinaka masayang babae sa buong mundo ng araw na iyon dahil ikakasal na sya sa lalaking mahal na mahal nya.
Sa simbahan naman ay lahat na ng mga bisita at abay ay nandoon na maliban sa groom at bride na talaga namang nahuhuli sa pagdating kapag kasal. May excited at masasaya rin ang lahat sa magaganap na kasal maya maya lamang. Si Tanner nga ay nandoon narin kausap si Marco na sobra ang excitement at sobrang kinakabahan na animoy ito ang ikakasal.
Relax lang Marco. Kanina kapa lakad ng lakad dyan. Nahihilo na ako sayo pare. Pagpapakalma ni Tanner sa kaibigan.
Si Edward kasi eh.
Anong nangyari kay Edward?
Tanner hindi ko sya makontak. Cannot be reach ang number nya.
OA mo naman Marco. Malay mo naman sinadya nya talaga iyon para mas exciting diba?
Pero hindi iyon gawain ni Edward eh. Wika nito at bumuntong hininga.
Darating na iyon. Tingnan mo maya maya nandito na iyon. Kaya huwag ka ng kabahan dyan. Baka mamaya nyan dalhin pa kita sa hospital dahil sa hindi kana makahinga dyan. Relax Marco.
Sana nga Tanner. Kailangang sya na muna ang mauna dito bago si Maymay. Pero alam ko on the way na sila Maymay ngayon eh. wika ni Marco..
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfic❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...