CHAPTER 44 ^^
Knock, knock. Sabay katok ni Edward sa pintuan nila Maymay kahit na nakabukas naman ito.
Love! Buti napadalaw ka. Miss na miss kita. Halos patakbong salubong nya sa nobyo na yumakap at humalik ng mabilis sa labi nito
Ooyy! Ang O.A mo Marydale ha! May pakiss kiss ka pang nalalaman dyan! Hindi kana nahiya! Nandito kaya ako oh? Wika ni Fenech.
Pagpasensyahan mo na Fenech. Masyado lang ako namiss ng love ko. Kasama ko nga pala si Marco. Tatawa tawang sambit ni Edward.
Kung gusto mo Fenech kiss mo rin ako para hindi kana mainggit kay Maymay. Hirit naman ni Marco na inilapit ang mukha kay Fenech.
Oo nga Fenech. Kiss mo narin si Marco para ndi kana mainis sa akin bes, sabay tawa ng malakas ni Maymay.
Ewan ko sa inyo! Pasupladang wika ni Fenech sabay irap sa tatlo na ikinatawa nila.
Kumain na ba kayo Edward at Marco? Tanong ni Maymay sa dalawa habang nakaupo na ang mga ito.
Hindi pa. Eto nga pala pasaluböng namin cake at pizza meryenda natin. Sagot naman ni Marco.
Nag abala pa kayo. Salamat dito ha! Sambit naman ni Maymay.
Oy panget samahan mo ko bumili ng softdrinks para ipartner dyan sa pasalubong nyo.. Utos na wika ni Fenech kay Marco na agad namang tumayo para samahan ang dalaga.
Nang dalawa nalang sina Edward at Maymay ay agad lumapi si Edward sa nobya at marahan itong hinalikan sa labi na agad namang tinugon nito.
I love you my precious. Wika ni Edward.
I love you too. Wika naman ni Maymay.
Nakausap ko na pala sina Tanner at Kisses kahapon tinapos ko na ang anumang problema sa kanila at sinabi ko narin na layuan kana ni Tanner. Galit silang pareho pero sana kapag nahimasmasan sila matanggap na nila. After all wala na naman silang magagawa para paghiwalayin tayong dalawa eh. Pagkukuwento ni Edward.
Oo naman love. Hinding hindi na nila tayo mapaghihiwalay na dalawa. Forever na tayong dalawa. Sagot ni Maymay.
Yup! Nextweek aayusin na natin ang kasal natin para talagang wala na silang habol sa atin. And I want you to become Mrs. Barber two months from now. wika ni Edward sabay buhat kay Maymay na para silang bagong kasal at nagpaikot ikot pa si Edward habang buhat buhat ang nobya. Nasa ganoon silang ayos ng maabutan sila nila Fenech, Marco at ang dalawang kapatid ni Maymay.
Cheeezzzyyyy! Halos sabay sabay na wika ng apat ng makita ang tagpong iyon.
Tanging tawa nalang ang sinagot nila Edward at Maymay. Pagkatapos nun ay pinagsaluhan na nila ang dala dalang pang meryenda nila Edward.
Sa mga sumunod na araw ay inasikaso na nga nila ang mga dapat ayusin sa kanilang nalalapit na kasal. Sabay nilang inayos ang mga papel na kakailanganin nila sa kanilang kasal. Nang matapos sila doon ay ang sumunod naman nilang inayos ay ang simbahan na kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Sa manila cathedral nila pinagpasyahan na ikasal at sa isang sikat na hotel naman ang kanilang reception. Nakapili narin sila ng kanilang isusuot sa kasal at maging isusuot ng kanilang mga abay.
Kakauwi palang galing rehearsal ng kanilang kasal ng maabutan nila Edward at Maymay si Tanner sa labas ng bahay nila Maymay. Isang linggo nalang ay kasal na nila.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...