43

606 38 1
                                    

CHAPTER 43 ^^
Tulad nga ng sinabi ni Edward kay Maymay ay makalipas nga ang dalawang araw ay kakausapin nya si Tanner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 43 ^^

Tulad nga ng sinabi ni Edward kay Maymay ay makalipas nga ang dalawang araw ay kakausapin nya si Tanner. Papunta na sya sa restaurant na sinabi nyang pagkitaan nila. Pagdating nya sa restaurant ay wala pa si Tanner pero makalipas ang ilang minuto ay dumating narin ito.

Anong pag uusapan natin Edward, pare?

Order na muna tayo Tanner. I mean Tanyong.

Pagkarinig nya ng tawag sa kanya ni Edward ay natigilan sya at kinabahan. Pero sana ndi pa nito alam.

Huwag na Edward. Busog pa naman ako. Siguro beer nalang ang akin. Pagkasabi nyon ay tinawag na ni Tanner ang waiter at nag order na dito.

Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Tanner?

Ano bang sinabi mo? Pagkukunwari nyang wala syang narinig kanina.

You know what I mean Tanner. Alam ko na ang lahat. Inis na wika ni Edward.

Alamo na naman pala lahat eh, bakit mo pa tinatanong sa akin? Pamimilosopong sagot ni Tanner.

Tigilan mo na ang pangugulo kay Maymay. She already told you that she dont love you anymore.

Hindi ko basta basta isusuko ang pagmamahal ko kay Marydale. Una syang naging akin bago naging sayo Edward.

Wala akong pakialam kung una syang naging iyo. Ang mahalaga ngaun ako na ang mahal at mamahalin nya habambuhay. Saka ikakasal na kami. Tanggapin mo nalang.

Ito lang ang sasabihin ko sayo Edward, babawiin ko ang matagal ng akin. Gagawin ko ang lahat makuha lang si Marydale sayo. Dahil alam kong ako talaga ang mahal nya at hindi ikaw. Galit na pagtatapos ni Tanner ng usapan nila.

Bago lumisan si Tanner ay nag iwan na ito ng bayad sa kanilang inorder na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin si Edward na galit na galit sa naging uusap nila.

Sunod namang pinuntahan ni Edward si Kisses dala ang box na pinaglalagyan nito ng nakuhanan nitong video nila Tanner at Maymay na magkayakap. Kahapon nya lamang ito nakita ng papauwi na sya at ipinakita nya rin iyon kay Maymay.

Pagkakita nya kay Kisses sa garden ng bahay nito ay patapon nyang inihagis sa table ang box.

Isosoli ko lang yan sayo Kisses. And please tigilan mo na ako. Alam ko na ang totoong nangyare dyan sa pinadala mong video sa akin. Salamat nalang sa concern mo. Galit na wika ni Edward.

Naniwala ka naman sa sinabi ng santa santita mong nobya ha Edward?

Oo. Mas hamak namang paniniwalaan ko sya kesa sa iyo. Kaya puwede ba tigilan mo na ako. Kahit kailan hindi na puwedeng maging tayo dahil hindi na kita mahal Kisses. Pagkatapos nun ay tinalikuran na ni Edward si Kisses. At hindi na hinintay na makapagsalita pa. Pero bago pa man makalabas ng gate si Edward ay narinig pa nya ang pagsigaw nito.

Hindi pa tayo tapos Edward. Hindi pa ako sumusuko. Tandaan mo yan! Sigaw na pagbabanta ni Kisses. Alam nya na narinig pa iyon ni Edward kahit na malayo na ito sa kanya.

Pagkatapos nyang makipagkita kina Tanner at Kisses ay dumirecho naman sya sa bahay ng kaibigang si Marco para sabihin dito ang kanyang ginawang pakikipag usap kina Tanner at Kisses.

So sa tingin mo tapos na ang problema ninyo sa kanilang dalawa?

Ako tinapos ko na ang problema ko sa kanila. Kaya sana tumigil narin sila. Nextweek aayusin ko na ang kasal namin ni Maymay. Para two months from now na ang kasal namin.

Sana nga tapos na yang problema mo para happy ending na kayo ni Maymay. Pupunta ka ba kina Maymay ngayon?

Sana nga. Bukas pa ako pupunta kina Maymay bakit mo naitanong?

Gusto ko lang sumama.

Sus! Ang sabihin mo gusto mong makita si Fenech kaya gusto mong sumama. Panunukso ni Edward sa kaibigang si Marco.

Ganda nya eh! Tatawa tawang sambit ni Marco.

Kinabukasan nga ay pumunta sya kina Maymay na kasama si Marco. Naabutan nila ang mga itong nasa bahay at nagkukuwentuhan, habang ang dalawang kapatid naman ni Maymay ay nasa court naglalaro ng basketball.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon