CHAPTER 17 ^^
Mula ng maging magkaibigan sina Edward at Maymay ang bawat araw na dumadaan at lumilipas ay nangangahulugan na lumalawak ang kanilang pagkakaibigan. Halos araw araw silang magkasama ni Maymay at laging siyang nasa bahay ng mga ito. Umuuwi lamang siya kapag oras na ng tulugan. Doon narin sya kumakain kina Maymay nagdadala siya ng ulam at kina Maymay na ang kanin. Araw araw ay ganun na ang kanilang set up. Kung ndi mo sila kilala ay mapagkakamalan mo silang magkasintahan o mag asawa. Naging malapit din si Edward sa dalawang kapatid ni Maymay. Tinutulungan nya ang mga ito sa mga assignment at kung walang pasok ang mga ito ay nagbabasket ball sila pagkatapos ng trabaho nya sa palengke. Masayang masaya sya sa company ng magkakapatid lalo kay Maymay dahil lalo nyang nakilala anp pagkatao nito na ndi nya inaakalang mangyayari.
Habang tumatagal tuloy ay lalo syang humahanga sa dalaga at may parte ng pagkatao nya ang unti unting umuusbong para sa dalaga ngunit ito ay hindi nya masyadong pinapansin, dahil sapat na para sa kanya ang anumang mayroon sa kanila ng dalaga.
Sa parte naman ni Maymay ay masaya rin naman sya na naging kaibigan nya si Edward kahit pa napilitan lang sya nung una. Saka napatunayan nyang ndi pala totoo ang akala nyang antipatiko at bastos ang binata dahil ang totoo ay napakabait, gentleman at maaalalahanin ito pero makulit parin kaya naman ndi pa rin nya maiwasang matarayan at maaway nya ito kapag umatake ang pagiging makulit nito. Isa rin sa nagustuhan nya kay Edward ay ang pagiging malapit nito sa kanyang dalawang kapatid. Naranasan tuloy ulit nilang magkaroon ng kuya sa katauhan nito. Dati kasi malapit ang mga ito sa dati nyang nobyo na si Tanyong. Halos lahat ginagawa ni Edward sa kanyang mga kapatid ay pareho rin ng ginagawa ni Tanyong noon. Ang pagkakaiba nga lang ay kasintahan nya si Tanyong samantalang si Edward ay kaibigan nya lamang. Madalas nga syang tuksuhin ni Fenech na baka ndi magtagal ay mahulog ang kanyang loob kay Edward dahil sa sobrang lapit nila sa isat isa simula ng maging magkaibigan sila nito.
Sabi ni Fenech mas lagi ngang magkasama sina Edward at Maymay kesa silang dalawa ni Maymay. Pero para sa kanya ay imposibleng magkagusto sya kay Edward ndi dahil sa mahirap itong mahalin kundi dahil sa may mahal pa syang iba. Ito ay ang dating kasintahan nya na hanggang ngaun ay mahal na mahal parin nya kaya naman hanggang ngaun ay ndi parin sya nagkakaroon ng boyfriend simula ng maghiwalay sila nito ng ndi maayos. Ngunit umaasam syang makalimutan ang pagmamahal nya para sa dating nobyo.
Sa palengke habang abala sa pag aayos ng kanilang paninda sina Maymay at Fenech katulong si Edward sa pagbubuhat ng banyera ng isda ay dumating si Nikko ang masugid na manliligaw ni Maymay.
Hello my babes! Kamusta ka na? Namiss mo ba ako? Ako kasi sobrang miss na kita kaya naman nandito na ako para masilayan ko ang ganda ng my babes ko. Bungad na wika ni Nikko na tulad dati ay pacute parin.
My babes ka dyan! Tigilan mo nga ako Nikko. Wag mo akong simulan ngaun umagang umaga pagsusungit ni Maymay.
Ang gwapo mo naman ngaun Nikko dyan sa ayos mo. Siguradong maraming mapapatingin sayo nyan. Wika ni Fenech mula sa likod.
Salamat Fenech mabuti ka pa napansin mo ang kagwapuhan ko ngaun. Talagang nagpagwapo ako para lang kay Maymay, my babes. Pacute na naman ni Nikko habang nakatitig sa dalagang iniibig.
Ewan ko sa inyong dalawa! Asar na wika ni Maymay sa dalawa.
Siya ba si Nikko, Fenech? Biglang tanong ni Edward buhat sa likod.
Oo Edward. Siya si Nikko masugid na manliligaw ni Maymay dati pa. Bagay na bagay sila diba? Ang nakakalokong sambit ni Fenech.
Ako nga pala si Edward. Pagpapakilala nya kay Nikko sabay lahad ng kamay.
Nikko pare! Ganting pagpapakilala rin nito sabay nakipagkamay din kay Edward.
Boyfriend nga pala ni Maymay. Wika ni Edward.
Sa sinabing iyon ni Edward ay pare parehong ndi nakapagsalita ang mga ito lalo nasi Maymay na ndi nagawang magreact. Pati si Nikko ay ndi rin nakapagsalita at makikita sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabing iyon ni Edward.
Gustuhin man bawiin ni Edward ang nasabi ay alam nyang huli na dahil kita nya sa mga mata ng mga ito ang pagkagulat. Pinanindigan nalang nya ang nasabi. Hanggang sa nagpaalam nasi Nikko na aalis na.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...