26

653 45 3
                                    

CHAPTER 26 ^^

Mahal din kita Edward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 26 ^^

Mahal din kita Edward. Mahal na mahal din kita. Wala na akong ibang mahal ngaun kundi ikaw at ang mga kapatid ko. Mabilis na sagot ni Maymay.

Anong sabi mo Maymay? Pwede mo bang ulitin?

Sabi ko po mahal kita.

Talaga? Kurutin mo nga ako baka panaghinip lang eto eh.

Imbes na kurot ang dapat gawin ni Maymay ay isang malakas na batok ang kanyang ginawa kay Edward.

Totoo nga hindi panaghinip. Ramdam ko ang sakit. Yes! Masayang wika nito.

Mahal mo rin talaga ako Maymay?

Oo Edward. Mahal na mahal kita. Nakangiting sambit ni Maymay.

Mas mahal kita Maymay. Pagkasabi ay niyakap nya  ng mahigpit si Maymay.

Pero liligawan mo parin ako Edward. Pahabol na wika ni Maymay.

Oo naman kahit segu-segundo, minu-minuto at oras-oras liligawan kita. Ang masayang masayang sabi ni Edward habang yakap yakap si Maymay.

Nang mga sandaling iyon ay sobrang maligaya ang dalawa. Magiging masaya pa sa mga susunod na araw, linggo at taon. Yan ang sabi nila sa kanilang sarili. Wala ng mas liligaya pa sa kanila ng mga sandaling iyon. Kapwa nilang nasabi sa isat isa ang pagmamahal sa bawat isa.

Tulad ng gusto niyang mangyari ay niligawan parin sya ni Edward kahit na sila ng dalawa nito. Mula ng maging sila nito ay lagi na masaya ang dalawa. Hindi na nga sila mapaghiwalay na dalawa. Kapag magkasama ang dalawa ay parang humihinto ang mundo ng mga ito. Makikita mo talaga sa mga itsura nito ang walang katapusang kaligayahan. Minsan nga ay naiirita na sa kanila si Fenech dahil sa pagiging sweet nila sa isat isa.

Maghanap kana rin kasi ng lovelife mo Fenech. Para may partner kana rin. Wika nya sa kaibigan.

Oo nga para hindi kana mainggit sa amin. Gusto mo ipapakilala kita sa kaibigan ko. Single din yun tulad mo. Tatawa tawang wika ni Edward.

Tse! Tigilan nyo akong dalawa! Masaya ako sa pagiging single ko. Wag lang kayong masyadong sweet sa harapan ko dahil naiirita na ako sa inyong dalawa. Pagtataray ni Fenech.

Sama ka nalang sa amin bukas. Kakain kami sa restaurant kasama sina Aizan at Yong. Isicelebrate namin ang pagiging mag-on naming dalawa ng my precious ko. Di ba my precious Malambing na wika ni Edward.

Sa bahay nalang kasi. Gagastos ka pa kung sa restaurant. Angal ni Maymay na ndi ata pansin ang pagtawag sa kanya ni Edward ng my precious.

Sweet naman. My precious talaga ha! Tudyo ni Fenech kay Edward.

Syempre naman Fenech she's my precious. And I really love her very much.

Sa restaurant na marami akong budget kaya wag kang mag alala Maymay.

Bahala ka nga basta sa mura lang ha?

Opo takot ka sigurong paghugasin ko kayo noh? Biro nya.

Nice one Edward. Talagang takot lang yang si Maymay. Sabay halakhak ni Fenech.

Imbes na sumagot ay isang irap lang ang binigay ni Maymay.

Tawa nalang din ang tinugon ni Edward. Baka kasi pati sya ay mairapan nito.

Dumating ang kinabukasan ng gabi tulad ng kanilang plano ay kumain nga sila sa restaurant. Sa isang high class restaurant nya dinala ang mga ito. Nagulat tuloy ang mga ito ng doon sila niyayang pumasok ni Edward. Kahit ayaw man ng mga itong pumasok sa loob ay napilit nya rin ang mga ito. Sinadya kasi niyang ndi talaga sabihin sa mga ito. Siya at ang kaibigan niyang si Marco ang may ari ng restaurant na iyon at bago sya nagpunta sa lugar na iyon ay kinausap na nya ang mga tauhan nya doon na wag syang ituring na boss nila kundi isa lang din simpleng customer.

Ang kanilang restaurant ay meron din stage kung saan may kumakanta rin na solo singer at mga banda. Ang kanyang plano ay kapag kumakain na sila ay kakanta sya pero ndi nya sasabihin sa mga ito. Susurpresahin nya ang mga ito na bigla nlang sya makikita ng mga ito sa stage para maghandog ng isang kanta para sa pinakamamahal nyang si Maymay..

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon