19

751 56 6
                                    

CHAPTER 19 ^^

Habang nakaupo sa labas ng bahay nila si Maymay ay ndi nito namalayan ang paglapit ni Edward

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 19 ^^

Habang nakaupo sa labas ng bahay nila si Maymay ay ndi nito namalayan ang paglapit ni Edward. Galing naman ito sa loob ng bahay at nakikipaglaro sa kanyang dalawang kapatid ng kanyang iwan ang mga ito para magpahangin sa labas ng kanilang bahay.

Lalim naman ng iniisip natin dyan. Pwede ko bang malaman? Bungad ni Edward na ikinagulat ni Maymay. Hindi kasi nya naramdaman ang paglapit ni Edward.

Nakakagulat ka naman Edward. Loko ka talaga. Wala naman akong iniisip. Tanging wika nya.

Kung wala bakit ka nagulat? Tanong nito dahil ndi sya kumbinsido sa sinabi ng dalaga.

May naalala lang. Tipid na sagot nito.

Ano naman? Pwede mo bang ishare saken? Pangungulit ni Edward.

Naalala ko lang sina Inay at Itay. Sana nandito pa sila kasama namin. Sobrang miss ko na sila. Malungkot na wika nya at mababakas mo sa tinig at mga mata nito ang lungkot na nararamdaman nito.

Alamo pareho tayo. Miss ko narin ang Mama at Papa ko. Kahit ndi ko na matandaan ang mga ginagawa namin noong buhay pa sila. I was seven when they left me forever. Pero iniisip ko nalang na masaya na sila kung nasan man sila ngaun kasama si Papa Jesus. Kaya sana ikaw din. Sabi ni Edward na titig na titig kay Maymay.

Oo naman. Kaso nga lang ndi ko talaga maiwasang ndi ko sila mamiss. Wika naman ni Maymay.

Kunsabagay pero ako alam ko proud na proud sila sayo. Kasi kahit wala na sila naging maayos ang buhay mo at ng mga kapatid mo. Talagang kumakayod ka para sa inyo ng mga kapatid mo at napag-aaral mo pa sila. Kung tutuusin nga pwede mo namang ndi gawin yun kung iba ka, diba?

Edward naman eh! Pinapaiyak mo ako. Salamat sa mga sinabi mo ha? Talagang kakayod ako ng kakayod para sa mga kapatid ko kahit minsan nahihirapan na ako. Kasi naman kahit anong kayod ko ndi parin sumasapat sa amin ng mga kapatid ko. Lagi parin kaming kapos. Hindi ko nga mapakain ng masarap ang mga kapatid ko. Wika ni Maymay sabay punas ng luha sa mga mata. Masyado kasi siyang natouch sa mga sinabi ni Edward sa kanya.

Hayaan mo tutulungan kita kung may maitutulöng ako at kung problema mo lang din ang di mo mapakain ng  masasarap ang mga kapatid mo ako ng bahala doon bukas. Bibili ako ng masasarap na ulam na kakainin natin. Ako ang sagot dun kaya wag ka ng umiyak dyan ha? Pakuwelang sambit ni Edward sabay hawak sa ilong ni Maymay.

Loko mo talaga Edward. Drama moment ko na nga sinira mo pa. Pagtataray kunwari ni Maymay.

Ayaw ko lang kasing malungkot ka at ayaw kong umiiyak ka kasi panget kana nga lalo ka pa pumapanget at tulo pa uhog mo. Wika ni Edward sabay halakhak nito na malakas.

Loko ka! Late na Edward umuwi kana sa inyo. Maaga pa tayo bukas. Pagtataboy nito sa binata.

Ouch naman! Tinataboy mo na ako? Huhuhuhu arte nitong sagot kay Maymay at nagkunwaring umiiyak.

Umarte kana naman. Hindi naman ganun yun eh. Ikaw talaga. Inaantok narin kase ako kaya tulog kana rin.

Ganun ba? Sige uuwi nako. Pahinga kana ha? Huwag ka ng malungkot. Sige good night. Sarado mong mabuti yang pinto nyo. Good night and sweetdreams. Malambing na wika ni Edward kay Maymay with matching smile pa.

Opo kulit! Yung pinto mo rin sarado mong mabuti. Ingat ka sa daan. Malambing ding tugon ni Maymay.

Opo dragon ilolock kong mabuti. Sige babye. Pamamaalam nito at ng nakatalikod na si Edward para umuwi ay tinawag muli sya ni Maymay.

Edward sandali lang.

Bakit?

Thank you and Goodnight. Wika ni Maymay sabay halik sa pisngi ni Edward. At mabilis ng pumasok ng bahay si Maymay.

Kaya naman ndi na nito nakita ang pagkatulala ni Edward sa bigla nyang paghalik sa binata. Nang gabing iyon ay parehong nakatulog ng may mga ngiti sa labi ang dalawa.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon