CHAPTER 48 ^^
Samantala sa bahay naman nila Kisses ay tahimik lamang syang nakatingin sa lalaking katabi nya sa kama na tulad nya ay wala rin ni isa man suot sa katawan. Tanging kumot lamang ang nakatabing sa kanila.
Mamumuti na ang mga mata nila sa paghihintay sa iyo Edward pero walang darating na Edward sa simbahan. Tatawa tawang mahinang wika ni Kisses sa sarili.
Muli niyang binalikan ang nangyari noong nakaraang gabi. Ang dahilan kung bakit niya kasama ngaun ang binatang dapat na ikakasal ng mga oras na iyon. Planado nyang lahat ang pangyayari na iyon. Habang abala sina Edward at Maymay sa kanilang paghahanda sa kasal ay sya rin ay abala sa pagpaplano kung paano nya masisira ang pinaghandaan ng mga ito sa araw mismo ng kasal ng mga ito. Nang dumating na nga ang nakatakdang araw nya sa kanyang plano na isang araw bago ang kasal ng mga ito ay tinawagan nya si Edward para papuntahin sa bahay nya upang may sabihin na importanteng bagay.
Ito naman ay pinaniwalaan ni Edward kaya sobra nya itong ikinatuwa. Halos lahat ng hinanda nyang pagkain ay nilagyan nya ng pampatulog bago pa man dumating si Edward. Kaya wala syang kahirap hirap sa nangyare kay Edward kagabi. Bago pa man ito makalabas ng kanyang bahay ay tumalab na ang nilagay nyang gamot. Kaya naman tagumpay na sya at para lubos na ang kanyang tagumpay ay papapuntahin nya sa kanyang bahay si Maymay upang makita nito kung bakit ndi nakapunta sa kasal si Edward. Sigurado kapag nakita sila nito sa kanilang ayos ngaun ay isusumpa na nito si Edward. Isipin palang iyon ay natutuwa na sya.
Magiging kanya pa si Edward. Nasa pag iisip sya noon ng biglang tumunog ang cellphone ni Edward na kakabukas nya pa lamang. Hindi nya alam kung sasagutin ba nya ang tumatawag o hindi pero ng makita nya na si Maymay ang nasa kabilang linya ay kanya itong sinagot.
Guys nagriring na ang cellphone nya. Tuwang tuwang wika ni Marco. Kaya lang nawala ang kanyang ngiti ng boses ng isang babae ang sumagot sa kabilang linya na parang bagong gising lamang. Pero ang totoo ay sinadya iyong gawin ni Kisses na magkunwaring bagong gising lamang.
Hello who's this?
Ikaw ang sino ka? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Edward?
Ako lang naman ang girlfriend ni Edward. Natutulog pa kasi sya kaya ako na ang sumagot ng tawag mo. Napagod kasi sa ginawa namin magdamag eh. Ang pang iinis na sagot ni Kisses.
No! Hindi ako naniniwala sa sinasabi mong iyan. Hindi yan magagawa sa akin ni Edward. Wika ni Maymay.
Nagawa na nga eh. Besides hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin eh. Pero kung gusto mong malaman talaga na nagsasabi ako ng totoo puwede kang pumunta dito sa bahay ko para makito mo si Edward at ako.
Nagsisinungaling ka lang. Hindi magagawa sa akin ni Edward yan. Ang galit na sigaw ni Maymay.
Hindi ako nagsisinungaling. Kaya nga pinapapunta kita dito sa bahay ko ngayon para malaman mo kung nagsisinungaling ako o hindi eh. Alamo sobra akong nag enjoy sa ginawa namin ni Edward. Itetxt ko ang address ko. Hihintayin kita ha? Pagtatapos nya ng usapan nila at pagkatapos ay tinext nga nya ang address ng bahay nya.
Nang matapos na ang pakikipag usap ni Maymay.sa kausap ay sunod sunod na ang pagtatanong nila Fenech sa kanya kung sino ang kanyang kausap.
Si Edward ba ang nakausap mo? Kamusta na sya? Papunta na ba sya dito? Iyan ang halos mga naririnig nyang tanong sa kanya pero kung sino man ang nagtatanong noon ay ndi nya alam dahil masyado syang nasaktan sa mga sinabi ng kanyang kausap na babae na girlfriend daw ni Edward. Magagawa ba iyon ni Edward sa kanya? Binigay nya na rin naman ang kanyang sarili kay Edward ah? Pero bakit nagawa pa rin iyon ni Edward kung nagsasabi ba talaga ng totoo ang babae. Ang alam lang nya ay ang sakit sakit.
Marco samahan mo ako please sa address na ito. Wika nya kay Marco. Dalangin nya na ndi totoo ang sinabi sa kanya ng babae at ndi nya matatagpuan doon si Edward. Sana sana..
Ako rin sasama, halos magkasabay na wika nila Fenech at Tanner at pumasok nasa kotse habang ang Lolo At Lola at kapatid ni Maymay ay naiwan.
Halos gusto ng paliparin ni Maymay kay Marco ang kotseng sinasakyan ng mga ito para lang makarating agad sa address na sinabi ng babae sa kanya.
Ano bang nangyayare Maymay? Bakit tayo pupunta sa address na iyan? Nagtatakang tanong ni Marco sa dalaga.
Matatagpuan daw natin dyan si Edward sabi ng kausap ko na girlfriend daw sya ni Edward. Ang pigil nyang pag iyak na sagot kay Marco.
Imposible yang sinasabi mo Maymay na may ibang girlfriend si Edward. Ang hindi makapaniwalang wika ni Marco.
Marco is right. Hindi magagawa iyon ni Edward sa iyo Maymay dahil mahal ka niya. Sang ayon naman ni Tanner.
Sana nga tama kayong dalawa sa sinasabi ninyo sa kaibigan ninyo. Pero ndi rin ako naniniwalang magagawa iyon ni Edward. Wika ni Fenech.
Hindi ko alam guys. Ayoko rin isipin. Tanging tugon ni Maymay habang tumulo na ang luhang pinipigilang bumagsak.
Habang titig na titig si Kisses sa natutulog pa rin na si Edward ay hindi nya napigilan ang sarili na hindi halikan ito sa mga labi. Paulit ulit niyang hinahalikan ito ng biglang magising ang binata sa ginagawa nyang paghalik. Nagulat pa nga ang binata ng mabungaran sya nito. At kanya itong naitulak.
Anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Anong ginawa mo sa akin Kisses? Sunod sunod na tanong ni Edward.
Relax Edward. Nandito tayo sa bahay ko. Sa kuwarto ko. Hindi mo na ba natatandaan ang ginawa natin kagabi at ang paulit ulit mong ginawa sa akin?
You're crazy Kisses. Alam mong walang nangyare sa ating dalawa. Ang alam ko lang ngayon may inilagay ka sa pagkain kaya ako nahilo kagabi. Ang galit na sagot ni Edward kay Kisses na ang tingin ay galit na galit talaga.
May nangyare sa atin kagabi kaya nga ganito ang ayos natin. Ikaw pa nga ang biglang humalik sa akin. Tumanggi ako pero nagpumilit ka. Pagsisinungaling nito.
Sinunaling ka. Hindi sana ako nagtiwala sa isang katulad mo. Wika nito na masama parin ang tingin kay Kisses.
Hindi ako nagsisinungaling at papatunayan ko sa iyong mahal mo parin ako. Sambit ni Kisses at biglang hinalikan si Edward.
Nasa ganoong tagpo sila ng biglang bumukas ang pinto. Laking gulat nya ng makita kung sino ang mga iyon.
Ed-Edward.. Gulat na wika ni Maymay ng makita ang tagpong iyon.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...