CHAPTER 34 ^^
Dumating ang araw ng sabado halos lahat sa mansyon nila Edward ay abala sa paghahanda na gaganapin mamayang gabi. Ang kanyang Lola ang punong abala sa lahat. She make sure that everything is organize and complete. Excited narin itong makilala ang nobya ng kanyang pinakamamahal na apo. Nakausap na naman nila ito sa telepono lamang at nakita narin pero sa picture lamang. Dasal nilang mag asawa ay sana ito na nga ang babaing magmamahal sa kanilang apo ng wagas at totoo. Tanging hiling lang nila ay maging maligaya ang kanilang apo. Wala sa kanilang kaso kung malayo ang agwat ng buhay nito sa buhay nila ang importante sa kanila ay kapwa nagmamahalan ang mga ito.
Sa bahay naman nila Maymay ay kinakabahan na ito sa gaganapin mamayang gabi sa mansyon nila Edward. Iyon kasi ang kauna unahan niyang pagpunta doon at makikilala ng personal ang Lolo at Lola ng kasintahan. Idagdag pa na malaking okasyon iyon na dadaluhan ng mga kamag anak at mga kilalang tao. Para ngang gusto na nyang umatras dahil natatakot talaga sya.
Ngayon pa lang kasi sya makakapunta sa ganoon. Saka natatakot din sya na baka may magawa sya doon na ikapahiya ni Edward. Lalakasan na lang nya ang kanyang loob para kay Edward. Mahal na mahal nya ito.
Kung kabado naman si Maymay sa gaganaping party mamayang gabi ay ito namang si Edward ay excited na. Gusto na nga nyang hilahin ang oras para mag gabi na. Maipapakilala na nya si Maymay sa lahat. Ang babaing kanyang gusto ng makasama sa buhay nya. Kung maaari nga lang ay gusto nyang isigaw sa mga taong dadalo sa party ang kanyang pagmamahal at pagiging maswerte nya sa nobya. Mahal na mahal nya talaga si Maymay.
Bes Excited kana ba mamayang gabi? Biglang tanong ni Fenech sa nagbabasang si Maymay.
Hindi noh! Kinakabahan nga ako eh. Alamo namang ndi pa ako nakakapunta sa mga party ng mayayaman eh. Ngayon pa lang tapos para sa amin pa iyon ni Edward. Ang sagot ni Maymay ng maibaba ang binabasang magazine.
Kunsabagay nga bes. Kami naman nasa tabi lang kaya ndi kami kabado tulad mo. Kaya mo naman yan bes ikaw pa. Pagpapalakas ng loob nito sabay kindat at muling nagsalita..
Ako magmakeup sayo bes mamaya ha? Siguradong ikaw ang pinaka maganda mamayang gabi. Wika ni Fenech.
Salamat bes, sana nga. Tanging nasambit nya sa kaibigang si Fenech dahil talagang kabado na sya para mamayang gabi.
Nang sumapit na ang gabi ay unti unti ng nagsisidatingan ang mga bisita sa mansyon. Ngaun pa lang susunduin ni Edward sila Maymay. Excited na talaga sya. Hindi nya binisita si Maymay kanina kaya ngaun pa lang nya makikita ang nobya pagsundo nya sa mga ito. Excited na talaga sya. Finally maipapakilala narin nya sa wakas ang kanyang pinakamamahal na si Maymay sa lahat.
Tapos na Bessss!!!! Ang ganda ganda mo! Ang ndi napigilang sigaw ni Fenech ng matapos nyang makeupan si Maymay. Ang dalawang kapatid naman nito ay seryoso lang na nakatingin sa kanilang dalawa.
Ingay mo naman bes! Over ka! Nakangiting wika ni Maymay sa kaibigan.
Ang ganda mo ate Maymay. Nasambit naman ni Aizan.
Hindi lang maganda. Napakaganda. Wika naman ni Yong.
Mga kapatid ko talaga kayo at kaibigan. Pinagbobobola ninyo ako! Pagtataray nyang wika sa tatlo habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Simple lang naman ang kanyang suot. Long dress na kulay blue lang kanyang suot na nabili nya lang sa palengke. Tinernuhan nya ito ng kwintas, hikaw at 2 inch high heels. Gusto sana syang bilhan ni Edward kaso tinanggihan nya ito at sinabing kapag nagpilit pa ay ndi na sya pupunta sa party kaya hinayaan nlang sya ni Edward sa gusto nya. Pero ndi naman sya nagkamali dahil kahit simple at mura lang ang kanyang suot ay lumabas naman ang kanyang angking ganda at ndi mahahalatang mura lamang ang suot nya.
Ate maganda ka naman po talaga. Lalo pang gumanda dahil naayusan ka. Ang paliwanag ni Aizan.
Tama si Aizan wala ka talagang kasing ganda Maymaya. Hirit bigla ni Edward na ikinalingon ng lahat.
Andyan kana pala Kuya Edward. Ang gwapo gwapo mo po. Wika naman ni Yong.
Ikaw rin naman at ang Kuya Aizan mo gwapo at Ate Fenech nyo maganda rin pero mas maganda pa rin si Maymay. Sabay kindat sa nobya.
Mag cheesy na naman kayong dalawa diyan. Wika ni Fenech at niyaya ang dalawang kapatid ni Maymay na lumabas na ng silid para makapag usap ang dalawa. Nang sila nlang dalawa ay nag usap sila tungkol sa party.
Are you ready for tonight love? Tanong ni Edward dahil ramdam nito na kabado si Maymay.
Still nervous love pero alam ko namang ndi mo ako pababayaan mamaya eh. Kaya okay na ako. Nakangiting sagot ni Maymay.
Thats my girl. Ang ganda mo talaga Maymay. Mas gumaganda ka pa pala kapag naaayusan. Malambing na wika ni Edward at unti unting bumababa papalapit sa labi ng nobya. Nasa ganoong eksena sila ng biglang pumasok sa kwarto si Fenech. Gusto man nyang lumabas muli ay huli na.
Sorry! Hinging paumanhin nito na naka peace sign pa.
Fenech naman! Konting konti nalang eh. Bitin! Kakamot kamot ng ulong wika ni Edward.
Bes naman malapit na eh! Asar ding wika ni Maymay.
Sorry na nga eh. Mabagal lang talaga si Edward. Pang iinis pang lalo ni Fenech sabay tawa ng napakalakas.
Alis na nga tayo Love bago ko pa masakal ang napakabait kong bestfriend. Birong wika ni Maymay.
Mabuti pa nga. Sang ayon naman ni Edward. Tawa na lang ang sinagot ni Fenech doon.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...