4

938 67 7
                                    

CHAPTER 4 ✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 4 ✨

Kinagabihan ay hindi dalawin ng antok si Edward kahit matagal na siyang nakahiga kaya napagpasyahan niyang magpahangin muna sa labas baka sakaling antukin siya.

Hindi pa siya nakakaupo sa bangko ng biglang may narinig siyang babaeng humihingi ng saklolo. Hindi na siya nagdalawang isip pa na itoy tulungan.

Nang nakarating na siya sa lugar na iyon ay nakita niya ang babae na hawak hawak ng dalawang lalakeng lasing.

Hoy kayong dalawa! Bitiwan niyo siya! Kung ayaw ninyong samai sa akin. Ang matapang na pananakot niya sa dalawang lasing.

Bitiwan niyo ako!! Ang nagpupumiglas na wika ng babae sa lasing na may hawak sa kanya.

Bagamat hindi pa niya masyadong maaninag ang mukha ng babae sigurado siyang maganda ito.

Huwag kang makialam dito lalake! Away magsyota ito, kaya umuwi kana! Ang sabi ng isang lasing.

Kayo syota ng magandang babaing yan? Nagpapatawa yata kayo! Tingnan niyo nga muna yang mga itsura niyo! Ang sabi niya.

Loko pala ito eh. Tingnan natin ang tapang mo! Sabay sugod ng isang lasing para suntukin siya. Ngunit bago pa man makalapit ang lasing sa kanya ay mabilis niyang nasuntok sa mukha ang lasing na agad nitong ikinabagsak. Pero sa pagsugod ng kasama nito ay hindi niya naiwasan ang suntok kaya natamaan siya nito ngunit agad naman siyang nakabawi.

Sige suntukin mo yang lasing na yan! Bastos yan! Ang sabi ng babae.

Kitang kita ng babae kung paano niya bugbugin ang dalawang lasing na lalaki at hindi nagtagal ay kapwang hindi na makabangon sa sakit ng katawan. Nang kanyang matitigan ang babaing kanyang iniligtas sa kamay ng dalawang lasing ay ito rin ang babaing kumuha ng atensyon niya kanina.

Salamat nga pala ha? Buti dumating ka dahil kung hindi baka may nangyari ng hindi maganda sa akin. Pagpapasalamat ng babae sa kanya.

Alamo palang baka may mangyari sa iyong masama pero bakit lumalabas ka pa ng dis oras ng gabi? Ang pagsusungit na sabi ni Edward.

May pinuntahan kasi ako kaya ginabi na ako. Ang wika ng babae .

Kahit na ba. Sana nagpasama ka para kahit gabihin ka may kasama ka. Para hindi ka nakakaistorbo ng ibang tao. Pagsusungit ulit nito sabay salita ulit. Baka naman may iba ka pang ginagawa kaya kahit dis oras na ng gabi nandito ka parin sa labas?

Sa narinig ng babae ay nagpantig na ang kanyang tenga. Bakit ginusto ba niyang gabihin siya? At kung hindi naman pala bukal sa loob ng lalake ang pagtulong sana hindi nalang siya tinulungan nito  at hinayaan nalang siya nito sa kamay ng dalawang lalaking bastos. At mukhang napagkamalan pa siya nitong nagbebenta ng laman. Gwapo sana kaso antipatiko!

Hoy bakulaw! Sinabi ko bang tulungan mo ako? Atsaka hindi ko gusto ang mabastos at kahit kailan hindi ko gugustuhing mabastos ako! Ang inis na sabi niya sa lalaki.

Masama ang loob niya na nilisan ang lugar na iyon. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang lalaki na magsalitang muli. Agad na niya itong tinalikuran. Wala na siyang pakialam kung may gusto pa itong sabihin sa kanya sapat na ang nasabi niya rito ang kanyang saloobin.

Pagkatapos ng mga nangyari..

Habang nakahiga na si Edward ay hindi mawala sa isip niya ang namagitan sa kanila ng babaing kanyang tinulungan. Hindi naman niya talaga nais na sungitan at pagsalitaan ng ganun ang babae dahil nabigla lang talaga siya. Nais man niyang bawiin ang kanyang mga nasabi ay alam niyang huli na. Sana lang talaga ay mabigyan siya ng pagkakataong makitang muli ang babae para makahingi siya ng tawad dito. Sana rin kahit malabo ay mabigyan siya ng pagkakataong maging kaibigan ito.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon