6

922 51 7
                                    

CHAPTER 6 ✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 6 ✨

Sige sa makalawa sama ka sa akin. Pero ngayon ubusin na muna natin itong paninda natin para makauwi na tayo. Tugon ni Maymay

Pero bago iyan, bess may itatanong muna ako sa iyo ha! Paano kung magkita kayo ng bakulaw na tagapagligtas mo? Ano ang gagawin mo? Tanong ni Fenech.

Bakit mo naman naitanong yan bess?

Just answer my question bess.

English iyon ah? Simple lang sasampalin ko lang naman siya ng mag asawang sampal. Nakalimutan ko kasing gawin iyon kagabi sa inis ko sa kanya eh. Mabuti nalang naitanong mo yan. Kaya kung ako sa kanya huwag na huwag na siyang magpapakita sa akin. Sagot ni Maymay.

Katakot ka bess kawawa naman pala si bakulaw pag nagkita kayo. Sabay tawa ng malakas ni Fenech.

Kawawa talaga at pati ikaw magiging kawawa kapag hindi ka pa tumigil diyan. Pananakot niya.

Opo, Ms. Marydale Entrata tatahimik na po. Katakot naman. Huling salita nito at inayos nalang ang kanilang natitirang panindang gulay.

Pero ang totoo ay hindi pa niya talaga alam ang kanyang gagawin kapag nakita niyang muli ang bakulaw na iyon. Sa totoo ay inis na inis pa rin siya rito at ayaw niya munang makita ito. Dalangin niya ay sana hindi na sila magkita pang muli nito.

Kaya lang sadyang mapagbiro ang tadhana. Talagang mangyayari sa hindi mo inaasahan ang ayaw mong mangyari sana. Kainis na buhay talaga!

Araw at linggo ang lumipas ay hindi parin nakikitang muli ni Edward ang dalagang kanyang tinulungan. Kaya naman nalulungkot at nawawalan na siya ng pag asang magkikita silang muli nito. Siguro hindi talaga sila ang nakalaan para sa isat isa but in the back of his mind, he is hoping that the girl is the one for him. Unang kita niya palang sa dalagang iyon ay matindi na ang kanyang nararamdaman para dito. Kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman sa kahit sinong babae.

Kung si Edward ay nalulungkot sa hindi niya pagkakakita kay Maymay, ang dalaga namang iyon ay sobrang natutuwa sa hindi nila pagkrus ng landas. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kung pagbibintangan kang nagbebenta ng laman di ba? Sobrang natutuwa talaga siya sa mga lumilipas na araw at linggo dahil hindi na niya nakita pang muli ang lalaki. Sana talaga forever na raw talaga silang hindi magkita ng lalaki talagang ikaliligaya niya ito ng lubusan.

Edward pare, kamusta na? Mabuti at napadalaw ka dito. Masayang salubong ni Marco sa kaibigang si Edward.

Napadaan lang naman ako. Papunta ako kina Lolo at Lola para dalawin sila. Baka magalit na kasi sila sa akin kung hindi pa ako dumalaw sa kanila. Sa tanong mo naman kung kamusta na ako, not so good pare. Hindi ko pa kasi nakikilala ang babaeng iibigin ako ng totoo. Wika ni Edward sabay napabuntong hininga.

Wew! Lalim nun ah! Miss na miss kana ng Lolo at Lola mo Edward. Pumunta kasi ako doon kahapon sa mansyon niyo para papirmahan ang papeles sa Lolo mo kailangan kasi sa opisina. Nagtatanong na nga sa akin kung bakit hindi ka padaw dumadalaw sa kanila. Almost a week ka na raw kasing nakalipat pero hindi pa sila nadadalaw. Sinabi ko nalang marami kang ginagawa na importante kaya hindi ka pa makadalaw sa kanila. Pero once na matapos ka dadalaw kana. Kaya mabuti talaga dadalawin mo na sila ngayon. Mahabang wika ni Marco.

Mabuti naman at pinagtakpan mo ako sa kanila. Naging busy lang talaga ako, kasi may inaabangan ako tuwing umaga at gabi na babae na makita ko ulit. Kaso weeks na akong nag iintay hindi ko parin siya makita. Ang sabi ni Edward.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon