CHAPTER 32 ^^
Kaya lang hindi na ako bagay sayo Edward. Malungkot na wika ni Maymay
Bakit naman? Dahil ba sa mayaman ako at mahirap ka lang?
Tungo lang ang kanyang naisagot doon na ndi parin tumitingin sa kausap.
Wala namang kaso iyon. Ang mahalaga mahal kita at mahal mo ako. Iyon ang importante. Saka alam ko minahal mo ako bilang ako. Wag mo ng isipin yun okay? Wika ni Edward.
Pero ndi ko parin maiwasan ang hin--- ndi na nya natapos ang kanyang sasabihin dahil pinigilan na sya ni Edward sa kanyang sasabihin.
Sssshhh.. Ssshhhh.. Wala ng pero pero. Ang isipin mo nlang mahal mahal kita.
Gusto man nyang tumutol ay wala na syang magawa. Kaya sumang ayon na lamang sya dito.
Saka ipapakilala na kita kina Lolo at Lola pati mga kapatid mo. Ipapakilala na kita sa family at friends ko. Tamang tama may darating akong kaibigan galing ibang bansa. For sure matutuwa iyon.
Nakakahiya naman Edward. Wag nalang. Natatakot ako.
Don't be scared love. Kasama mo ako at wala kang dapat na ikahiya dahil ako ndi kita ikakahiya at never kong gagawin iyon sa iyo. Wika ni Edward sabay halik nito sa noo ni Maymay.
Salamat Love. I love you. Tanging tugon nya dito.
I love you more Maymay.
Simula ng sinabi ni Edward ang kanyang pagpapanggap kay Maymay ay naging mas matatag pa ang kanilang relasyon. Sa mansyon na nila sya umuuwi kapag weekdays dahil bumalik na sya sa pag aasikaso ng kanilang negosyo na matagal tagal din nyang ndi naasikaso. Mabuti na lamang maaasahan nya ang kanyang pinsan at ang kanyang kaibigan na si Marco. Tuwing weekends naman ay doon sya tumutuloy sa dati nyang tinitirhan sa lugar nila Maymay. Para makasama naman si Maymay. Hindi pa nya naipapakilala si Maymay sa kanyang Lolo at Lola dahil narin sa kagustuhan ni Maymay na huwag muna kaya pinagbigyan nya ito kahit gustong gusto na ng kanyang Lolo at Lola na makilala ito. Isang linggo lamang ang kanyang binigay na palugit kay Maymay dahil sa gusto na nya talagang ipakilala ito sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga kakilala. Ipagmamalaki nyang nakita na nya ang babaing kanyang mamahalin at ang magmamahal sa kanya habambuhay bilang sya at ndi dahil sa kayamanan nya.
Samantala makalipas ang 3 araw. Sa NAIA naman lumapag na ang eroplanon nang galing sa ibang bansa. Sabay na dumating ng araw na iyon sina Kisses at Tanner na ang palayaw ay Tanyong. Ang dalawang naging parte ng buhay nila Edward at Maymay.
Its nice to be back. Ang masayang wika ni Tanner ng makalabas ng eroplano. Magkikita na tayo Marydale. Mahal na mahal parin kita.
See you soon Edward. I will win you back in my life. Seryosong wika ni Kisses sa sarili.
Sa saturday na ang special occassion for both of us love are you excited? Masayang tanong ni Edward ng dinalaw nya si Maymay. Tabi sila nitong nakaupo sa sala. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan noon.
Nope! I'm nervous. Big party iyon. Ndi ko pa nararanasan makapunta doon. Tapos sabi mo pa mga kilalang tao pa mga bisita kaya tlagang kinakabahan ako, baka mapahiya ka lang dahil sa akin.
Ano ka ba Love mga mababait sila at wag kang kabahan kasi ndi naman kita iiwan doon. Sasamahan kita lagi. Saka be yourself. Everything will be alright.
Basta kinakabahan padin ako.
Makikila mo rin sa party ang kaibigan kong galing ibang bansa. After ko nga dito magkikita kita kami nila Marco. Sabi nga nila isama kita kaso sbi ko sa party nlang. Mahirap na baka maagaw kapa nila sa akin. Ayoko nga!
Hindi naman ako magpapa agaw noh! Mag iingat ka dun love. Kung umalis kana kaya para mahaba haba ang kwentuhan nyo ng mga kaibigan mo?
Sige love tatawagan nlang kita mamaya. Goodnight. Pakisabi nalang kina Aizan at Yong. Wika nito at humalik sa pisngi ni Maymay.
Goodnight din. Ingat ka ha!
Tumango na lamang si Edward at Nag I love you sa kanya..
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...