21

650 44 2
                                    

CHAPTER 21 ^^

Malapit na tayong magkita Marydale

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 21 ^^

Malapit na tayong magkita Marydale. Mahal na mahal parin kita. Wala ng makakapaghiwalay sa ating dalawa. Ang usal sa sarili ni Tanner habang titig na titig sa litrato ng dating nobya na hanggang  ngaun ay mahal na mahal parin nya.

Kahit ilang taon na silang hiwalay nito ay ndi kailanman nawala ang dalaga sa kanyang isip lalong lalo nasa  kanyang puso. Marami man syang naging ibang nobya ay wala ni isa man sa mga ito ang pumalit sa puso nya. Sinubukan nyang magmahal ng iba ngunit ndi sya nagtagumpay na magmahal ng iba. Tanging ang dating nobya niyang si Marydale ang nasa puso nya. Hindi nya talaga nais hiwalayan ang dating nobya kung ndi lang inatake sa puso ang kanyang Mama noon. Mula ng maghiwalay sila ng dating nobya ay para narin syang namatay dahil ang nobya lang ang  kanyang buhay. Sobra nyang mahal ito. Desidido na syang balikan muli ang dating nobya kahit magalit pa ang kanyang mga magulang na hanggang ngaun ay ndi pa rin gusto ang dalaga. Gagawin nya ang lahat para lamang magkabalikan sila nito. Ito lamang ang tanging babae na gusto nyang makasama habang buhay. Mahalin man sya nitong muli o hindi ay okay lang sa kanya basta ang importante ay makasama nya ito habang buhay. Wala ng sinuman ang makapaghihiwalay sa kanila.

Abala sa paglilinis ng kanilang bahay si Maymay ng biglang may nahulog na litrato sa kabinet na kanyang  nililinisan. Agad nya itong dinampot at bigla nlang nagbalik ang alaala sa kanya noong kasama pa nya ang taong nasa litrato. Wala rin syang kaalam alam na isang buwan nalang ay muli ng magbabalik sa pilipinas ang dati nyang nobyo na si Tanyöng.

Ikadalawang taon na anibersaryo nila noon ni Tanyong. Nagcelebrate sila nito sa Baguio. Ang araw na iyon na ang pinakamasayang anibersaryo nila dahil kahit na maraming pagsubok sa kanilang relasyon ay umabot pa sila ng 2 taon. Hindi kasi sya gusto ng mga magulang nito dahil mahirap lamang sya samantalang ang pamilya ng nobyo nya ay isa sa mga mayayamang tao sa pilipinas. Pilit silang pinaglalayo ng mga ito pero talagang pinaglalaban sya ng nobyo dahil mahal na mahal sya nito tulad ng pagmamahal nya dito.

Happy 2nd Anniversary mahal ko. Masayang  bati ni Tanyong sa nobya. Sabay abot ng mga roses at chocolate.

Kasalukuyang inihahanda ng nobya ang kanilang baön na pagkain na kanilang kakainin ng tanghali na iyon. Picnic style ang kanilang ayos. Dahil pareho nilang naisip iyon. Ang kanilang baon ay ang mga paborito nilang pagkain. Masaya na sila kapag magkasama silang dalawa.

Thank you mahal happy 2nd anniversary rin. Ganting bati nito sabay yakap sa nobyo.

I love you very much Marydale. Youre the most important person in my life now and forever. Malambing na sambit ng nobyo habang titig na titig sa magandang mukha ng nobya.

Mahal na mahal din kita. Tugong rin nya.

Always remember that whatever happens I love you and I always will Marydale. Saad nya sabay halik sa noo ni Marydale.

Yes I will remember that Tanyong Ikaw lang ang mamahalin kong lalaki at wala ng iba pa.

Laking pagtataka ni Maymay sa sarili kung bakit sa pagkaalala nya ng pangyayaring iyon ay bakit ndi na sya nakakaramdam ng panghihinayang at lungkot. Dati naman kapag naiisip nya iyon ay sobra pa syang nasasaktan at umiiyak. Pero bakit ngaun ndi na? Di ba nga dinadrama drama pa nya iyon dati sa kanyang kaibigan nasi Fenech. Hindi nya talaga maintindihan.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon