42

595 45 8
                                    

CHAPTER 42 ^^

Anong ginagawa mo diyan love? Pasok ka kaya dito. Malamok diyan. Wika ni Edward.

Napasilip lang ako. Tapos kana palang maligo.

Oo fast shower lang naman ang ginawa ko eh. Gusto mo na bang matulog love?

Ikaw love kung inaantok kana ba eh. Saan ba ako matutulog love? Wika ni Maymay.

Eh di sa kuwarto ko love. Nakangising wika ni Edward.

Ano? Ayoko nga noh! Uuwi nalang ako kung sa kuwarto mo ako matutulog noh! Todo ayaw na wika ni Maymay.

Behave naman ako love. Tinatamad na akong magdrive at nakaligo na ako eh.

Eh di mag taxi nalang ako.

Love naman. Promise behave ako. Tabi lang tayo matulog. Baka nga ako pa ang rapein mo eh.

Mukha mo. Rapein ka dyan! Hmp! Behave ka lang talaga?

Opo promise.

Hindi nga nagtagal ay magkatabi na silang nakahiga sa kama ngunit magkatalikod ang dalawa at may unan pang nakaharang sa gitna nilang dalawa. Mabuti nalang king size ang kama ni Edward kaya hindi masikip kahit may nakaharang pang unan sa kanila.

Love sigurado ka bang dapat pang may harang na unan? Reklamo ni Edward habang nakaharap na sya sa nakatalikod na si Maymay.

Oo noh! Para siguradong limit ka. Sagot naman ni Maymay.

Tanggalin nalang natin. Gusto kitang yakapin eh. Pangungulit parin ni Edward.

Eh di yang unan ang yakapin mo. Isipin mo nalang ako yan. Wika ni Maymay.

Ayoko nga. Gusto ko ikaw Love. Pamimilit ni Edward.

Hay naku! Tumigil ka diyan Edward! Tulog na tayo good night.  pagtatapos ni Maymay ng usapan nila.

Kainis naman. Good night na nga rin. Inis na suko ni Edward.

Hindi nga nagtagal ay nakatulog narin silang dalawa na magkatalikod at may nakaharang na unan sa gitna nila habang si Edward ay yakap yakap ang isa pang unan. Matagal na silang nakatulog ng biglang nagising ang dalawa sa lakas ng ulan na may kasamang kulog at kidlat.

Anong oras na ba love? Ang lakas naman ng ulan. Wala namang bagyo di ba? Tanong ni Maymay.

Alastres na ng madaling araw love. Lakas nga ng ulan. Kagabi naman maganda pa ang panahon tapos biglang umulan ngaun.

Paano sila Yong at Aizan? Nag aalalang nasambit ni Maymay.

Don't worry love, malalaki na sila kaya alam na nila ang gagawin. Saka titigil din naman yan maya maya eh. Tulog na tayo. Wika ni Edward.

Kahit na Edward, nag aalala parin ako.

Titigil din yang ulan. Hindi naman siguro kayo babahain eh. Huwag ka ng mag alala ha! Malambing na wika ni Edward.

Sana nga.. tanging nasabi ni Maymay

Thank you love ha?

Para saan love?

Sa pagmamahal mo sa akin dahil ako na talaga ang mahal mo. Wika ni Edward na titig na titig kay Maymay.

Ano ka ba love wala iyon. Mahal mo rin naman ako eh. Kaya mahal na mahal din kita. Sagot naman ni Maymay.

Kasunod noon ay unti unting naglapat ang kanilang mga labi. Una ay simpleng halik lamang iyon pero ng nagtagal ay nagiging mapusok at mapaghanap na ang mga iyon. Hanggang sa may mangyari na nga sa kanilang dalawa. They are one now and will become one forever.

Mahal na mahal kita my precious Maymay. I will love you until our next life. Wika ni Edward.

I love you too love. Youre the only guy I'll love for the rest of my life. Sagot naman ni Maymay.

Hindi rin nagtagal ay sabay silang nakatulog ng magkayakap na may ngiti sa mga labi. Pareho silang masaya at hindi nagsisisi sa namagitan sa kanila kahit na hindi nila natupad ang pangakong walang mangyayari sa kanila hanggat hindi pa sila kasal.

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon