CHAPTER 5 ✨
Pagkauwi naman ni Maymay sa kanila ay naabutan niyang gising pa ang kanyang dalawang kapatid. Sigurado siyang hinintay na naman siya ng mga ito.
Oh kayong dalawa bakit gising pa kayo? Maaga ang pasok nyo bukas diba?
Siyempre hinintay ka namin Ate, alamo naman hindi kami makakatulog nito hanggang wala ka dito sa bahay ei? Mabilis na sagot ni Aizan.
Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang napansing malaking pasa sa braso ng kanyang ate. Agad niya itong nilapitan at sinuri.
Anong nangyari dito ate? Puna nito sa pasang nasa braso niya habang hawak ang kanyang braso. Naging pasa pala agad ang naging mahigpit na hawak bg dalawang lasing sa kanyang braso.
Ah eto ba? Naku wala ito Aizan! Nabangga lang ako sa may pinto kanina kaya nagkapasa ako.
Saang pinto naman ate? Tanong ng bunsi niyang kapatid na si Yong.
Ei di itong pinto natin. Maagap na sagot niya sabay turo sa pinto nila.
Sana ate nag iingat ka para hindi ka nagkakapasa ng ganyan.
Okay lang naman ito! Kayang kaya ito ni Ate! Mabilis na sagot niya!
Nextym mag iingat kana ate ha? Sabi ni Aizan..
Hay salamat naniwala rin sila sa akin. Wika niya sa kanyang sarili.
Pero ang totoo ay hindi naniniwala sa kanyang sinabi ang kanyang kapatid na si Aizan. Dahil alam nitong hindi lang basta nabangga sa pintuan ang kanyang ate kaya ito nagkapasa.
Oh mga kuya ko, tulog na tayo ha? Antok na ako ei? Ang pagtatapos niya sa kanilang usapan.
Good night Ate Maymay, wikang sabay ng kanyang dalawang kapatid at humalik sa kanyang magkabilang pisngi.
Good night din sa inyong dalawa..
Kinabukasan..
Oyy bess kanina ko pa nahahalatang sambakol yang maganda mong face ha! Mabuti nalang mabenta parin itong tinda natin, dahil kung hindi ikaw talaga ang may kasalanan. May problema ka ba bess? Ang wika ni Fenech. Dahil kanina niya pa nahahalata ang kaibigan. Hindi kasi ito ganun katahimik. Si Fenech ang matalik na kaibigan ni Maymay. Halos lahat ng problema ay alam nito.
Loka! Wala akong problema no! Pagod lang ako! Ang sagot ni Maymay.
Alamo Miss Marydale Entrata hindi mo ako maloloko. Deny deny ka pa diyan. Ano nga problema mo? Malay mo makatulong ako! Pangungulit ng bestfriend niyang si Fenech.
Alam na alam niyang hindi siya nito tatantanan sa pangungulit hanggang hindi siya magsasabi dito.
Hay naku! Talagang sinabi mo pa ang full name ko! Hindi naman ito problema bess! Naiinis lang ako sa isang lalake kagabi. Sobrang naiinis talaga ako sa kanya! Kapal ng mukha niya! Gigil na gigil na wika niya.
Sinong lalake naman yan bess? Gwapo ba? Pakilala mo naman ako! Sambit ni Fenech.
Hindi ko kilala ang mukhang bakulaw na iyon. Sana hindi ko na siya makita pang muli. Baka kung ano pa magawa ko sa kaniya.
Ano mukhang bakulaw ba kamo? Iyong iyo na siya bess! Ano bang ginawa sayo ng bakulaw na iyon bess? At inis na inis ka?
Sasabihin ko sayo bess pero secret lang ha? Huwag na huwag mong sasabihin lalo nasa mga kapatid ko. Mangako ka bess.. wika ni Maymay.
Over ka bess ha! Kailangan ko pa talaga mangako? Oh siya, sige na! Pangako secret lang natin ito at hindi ko sasabihin lalo sa mga kapatid mo!
Ganito kasi yun bess, kagabi muntik ng may mangyari sa akin. Habang pauwi ako sa amin may biglang humarang sa akin na dalawang lasing tapos kinaladkad nila ako sa madilim na lugar. Siyempre nagpupumiglas ako at humingi ng tulong ng may biglang dumating na lalake para tulungan ako. Tapos ayun pinagbubugbog niya iyong dalawang lasing na iyon. Grabe talaga yung suntukan nila.
Hala bess muntik kana pala marape kagabi? Mabuti pala natulungan ka nung guy. Nasan na pala yung guy na iyon? Kaya ka pala tahimik diyan dahil sa mga nangyari sa iyo kagabi.
Hindi lang doon sa muntik na akong marape dahil narin doon sa guy na tumulong sa akin. Gigil na gigil ako sa inis sa bakulaw na iyon. Sabi ni Maymay.
Bakit ka naman gigil na gigil sa inis dun bess? Di ba dapat matuwa ka sa kanya? Utang mo sa kanya ang buhay mo. Sambit ni Fenech.
Bess paano ako matutuwa sa bakulaw na yun bess, pinagsalitaan ako ng masama nun! Tsaka hindi naman pala bukal sa loob niya ang pagtulong sa akin at isa raw akong istorbo. AT heto pa ang matindi na sobrang ikinainis ko sa kanya baka raw may iba pa akong ginagawa kaya kahit dis oras ng gabi nasa labas pa ako. Nabuhay na naman ang pagkainis niya sa lalaking tumulong sa kanya.
Talaga bess sinabihan ka niya ng ganun? Pero teka nga ano ba kasi ang ginagawa mo sa labas sa dis oras ng gabi? Tanong ni Fenech dahil maging siya ay nagulat bakit nasa labas pa ang kaibigan niya. Kaya naman tiningnan niya ito ng may ibig sabihin.
Bruha ka bess! Huwag mo akong tingnan ng ganyan! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin iyon at kahit kailan hindi ko magagawa iyon. Nagtitinda ako ng balot, penoy at chicharon kagabi kaya ako ginabi ng uwi. Nag sideline ako kay Mang Jessy sayang din naman kasi ang kikitain ko doon. Paliwanag ni Maymay.
Ikaw talaga bess basta raket ang daming alam. Sana man lang sinabihan mo ako para join force tayong dalawa. Sambit ni Fenech.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...