CHAPTER 7 ✨
Sino naman ang babaing yun Edward? Ganun ba siya kaimportante sayo? Tanong ni Marco pero may ibang kahulugan ang tinig nito.
Hindi naman kaso may kasalanan kasi ako sa babae na yun kaya gusto ko talagang makita siyang muli. Lastweek kasi may babae akong tinulungan muntik na siyang gawan ng hindi maganda ng dalawang lasing. Mabuti nalang narinig ko ang paghingi nya ng saklolo kaya tinulungan ko. Mabilis na sagot ni Edward.
Wow! Naging Knight in shining armour ka pala, sabi ni Marco.
Loko! Hindi naman! Nagkataon lang yun! Kaya ko siya gustong makita ulit kasi gusto kong makahingi ng sorry sa kanya dahil nasabihan ko siya ng hindi maganda. Hindi ko naman sinasadya iyon. Sobrang nabigla lang ako sa nasabi kong yun Marco.
Ano ba kasing nasabi mo sa babaing yun at talagang gusto mo pang magkita kayong muli? Tanong ni Marco.
Nasabi ko kasing may iba pa siyang ginagawa kaya kahit dis oras na ng gabi nasa labas pa siya. Sabi ni Edward.
Nasabi mo iyon sa kanya? You really need to apologize pare! Hindi maganda ang nasabi mo sa girl. I'm sure nasampal ka niya pagkarinig sa sinabi mo.
Hindi naman niya ako nasamapal Marco pero sobrang galit na galit siya sa akin. Ni hindi nga niya ako hinayaang makapagsalita tapos tinalikuran na niya ako. Kaya kahit gusto kong mag apology sa kanya hindi ko na nagawa. Hinanda ko na nga ang sarili ko sa kanya dahil panigurado pag nakita niya ako sasampalin na niya ako. Ang wika ni Edward.
Dapat nga lang talaga na humanda ka kasi panigurado kating kati na ang kamay nun na masampal ka. Ano bang itsura ng babae maganda ba?
Hindi siya maganda. Sa katunayan kamukha niya si zoraida at ang mata niya ay banlag. Kaya siguradong hindi mo siya magugustuhan. Pagsisinungaling niya. Talagang sinadya niyang hindi sabihin ang totoong itsura ng babae dahil baka magkainteres pa ang kaibigan niya sa babaing bumihag na ng puso niya simula pa lamang. Kilala kasi sa pagiging chickboy ang kaibigan niyang si Marco.
Iyo nalang siya pare, malayong malayo siya sa gusto kong girl. Ang sabi ni Marco.
Okay lang kung siya naman pala ang magmamahal sa akin ng totoo eh. Kahit ganun ang itsura niya ayos lang sa akin. Sambit ni Edward.
Sana nga pare makita mo siya para may girlfriend kana!
Sige mauna nako. Gusto ko na kasi makita sila Lola. Kapag may time ka punta ka nalang ulit sa bahay ha? Paalam ni Edward habang naglalakad sila.
Sige pare punta nalang ako ulit doon. Ingat ka. Sambit ni Marco habang nakatingin sa papalayong taxi na sinasakyan ng kaibigan.
Sa kanyang pagpasok sa bahay ay nakita niyang naiwanan ni Edward ang sumbrero nito. Napagpasyahan nalang niyang puntahan nalang ito sa bahay nito para isauli ang sumbrerong naiwan ng kaibigan sa mga susunod na mga araw.
...itutuloy...
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...