CHAPTER 30 ^^
Hahalikan nya yata ako. Patay na! Hindi ako marunong. Bahala na! Ang wika ni Maymay sa sarili.
Konting konti nlang ang pagitan ng kanilang mga labi ng biglang..
May dumi ka sa mukha Love, tanggalin ko lang. Wika ni Edward.
Pagkarinig noon ay bigla syang nainis. Buong akala nya ay hahalikan na sya ni Edward. Yun pala hindi. Kasi naman kahit mag iisang buwan na ang relasyon nila ay ndi parin sila nagki-kiss ni Edward. Hindi nya talaga alam kung bakit ndi pa sya hinahalikan sa labi ni Edward. Kung nahihiya ba ito hindi nya alam. Hindi pa tuloy nya alam ang feeling ng mahalikan sa labi. Wala naman syang lakas ng loob na sya ang unang hahalik dahil babae sya at lalong ndi sya marunong humalik. Kasi kahit nagkaroon narin sya ng nobyo dati si Tanyong ng dalawang taon ay ndi parin sya nahahalikan nito sa labi.
Pero ang totoo ay hahalikan na nya sana si Maymay ngunit bigla nlang nagbago ang kanyang isip. Meron pa kasi syang ndi nasasabi sa nobya kaya ndi pa nya nagagawang halikan ito sa labi at gusto nya na maipakilala nya muna si Maymay sa kanyang Lolo at Lola na gustong gusto ng makilala ang nobya ng sabihin nyang may kasintahan na sya.
I love you Maymay. Mabilis na wika ni Edward pagkatapos tanggalin ang kunwaring dumi na sinabi nito kanina sa mukha nya.
I love you too Edward. Sabay ngumiti ito ng mapakla. Inis parin sya.
Makalipas ang isang linggo at sa matagal tagal na pag iisip ay napagpasyahan na ni Edward na sabihin kay Maymay ang lahat. Ang kanyang naging plano kung bakit sya nasa lugar na iyon at ang buo nyang pagkatao. Natatakot man sya sa mangyayari ay gagawin nya ang tama. Ayaw na nyang magsikreto pa kay Maymay. Mas maganda ng sa kanya na manggaling ang katotohanan kesa sa iba malaman ni Maymay ang totoo.
Sa kanyang pagpunta sa bahay nila Maymay ay naabutan nyang nag iisa lamang ito.
Love pwede ba tayong mag usap? Kinakabahang wika ni Edward.
Oo naman tungkol saan ba? May problema ba Edward? Usisang wika ni Maymay.
Yeah! Its about us. Seryosong sagot ni Edward.
What about us?
Love may ipagtatapat ako sa iyo. Bago ka sana magalit sa sasabihin ko sayo makinig ka munang mabuti. Seryoso paring wika ni Edward.
Okay simulan mo na, makikinig ako sayo.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...