CHAPTER 51 ^^
Mag iisang linggo na siyang nakakauwi sa kanilang bahay galing sa ospital ay hindi pumapalya sa pagpunta sa kanilang bahay si Edward na may mga dala dalang mga prutas at iba pang mga pagkain kahit na hindi nila ito kinakausap at pinapapasok. Nasa labas lamang ito habang nagmamakaawang kausapin niya ito pero ni isa man sa pakiusap nya ay hindi nya pinagbigyan hanggang sa napipilitan na silang matulog ng maaga para lamang umuwi narin ito.
Ngunit isang araw ay nakakuha ito ng tiyempo ng papauwi pa lamang sya sa kanilang bahay. Ito ay nakaabang nasa kanya sa harap ng bahay nila. Nang makita sya nito ay lumapit na ito sa kanya.
Please Maymay kausapin mo ako. Magalit ka sa akin. Suntukin mo ako o sampalin mo ako. Basta kausapin mo lang ako. Ilabas mo ang galit mo sa akin. Matatanggap ko lahat iyon. Kausapin mo ako Maymay. Ang pagsusumamong wika ni Edward na umiiyak habang nakayukong hawak hawak ang isang kamay ni Maymay.
Wala na tayong dapat pag usapan Edward. Tapos na tayo. At ayoko ng mag aksaya ng panahon sa iyo. Ang wika nya dito na pinipigil ang totoong nararamdaman at pilit na kinukuha ang kamay mula sa pagkakahawak ni Edward ngunit hindi pa rin binibitiwan ng binata.
Marami tayong dapat pag usapan pa Maymay. Marami pa. Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nag uusap. Pangungulit na wika ni Edward habang titig na titig sa babaing mahal na mahal pa rin niya.
Gusto mo talagang mag usap tayo ha! Sige mag uusap tayo. Gusto mong malaman kung anong nararamdaman ng puso ko? Ang galit na wika ni Maymay at kinuha ang isang kamay ni Edward upang dalhin sa tapat ng puso nya bago nagsalitang muli.
Ang sakit sakit Edward eh. Minahal kita eh. Mahal na mahal kita. Alamo bang gustong gusto kitang sampalin at pagsusuntukin ng paulit ulit para maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko. Pero alam kong kahit gawin ko iyon sayo kulang ang saktan kita sa pamamagitan ng mga iyon sa nararamdaman kong sakit ngayon Edward. Hindi sapat Edward. Ang umiiyak ng si Maymay habang pinagsusuntok si Edward sa ibat ibang parte ng katawan nito na kanyang matamaan.
Alam kong kahit magpaliwanag ako sa iyo hindi mo ako paniniwalaan dahil anong laban ng paliwanag ko sa nakita ng dalawa mong mata kahit hindi iyon ang talagang totoong nangyayare. Ano ng pwede kong gawin para mabawasan man lang yang nararamdaman mong sakit ngaun? Gagawin ko.
Umalis ka ng tuluyan sa buhay ko Edward. Ayoko ng makita pa yang mukha mo kahit kailan. Yun ang tanging hiling ko Edward.
Pero paano ang magiging baby natin Maymay?
Huwag kang mag alala papalakihin at bubuhayin ko siyang mag isa. Hindi ka namin kakailanganin at hindi kana kailangan pang kilalanin ng magiging anak natin Edward. Diin nyang wika kay Edward. Pero ang totoo ay ayaw nya talagang sabihin iyon ngunit kailangan para talagang mawala na ito sa buhay nya. Para makalimutan na niyang mahal niya ito.
Ganyan ba katindi ang galit mo sa akin Maymay? Talagang aalisin mo ang karapatan ko sa magiging anak natin? Kung tutuusin wala naman talaga akong ginawa. Kung magiging bukas ka lang sa paliwanag ko. Ang nasasaktang wika nito at nakipagsukatan ng tingin kay Maymay.
Ikaw naman ang nagsabing gagawin mo eh. Sana pala hindi ka nagsabi kung hindi mo pala mapapanindigan.
Sige kahit masakit gagawin ko para man lang mabawasan ang sakit na naidulot ko sayo. Kahit sobra sobra na yang gusto mong gawin ko. Pero sana dumating ang araw maipakilala mo ako sa magiging anak natin.
Salamat Edward. Tanging sambit nya.
Pero sana kahit sa huling saglit hayaan mong gawin ko ito sa iyo. Pagkasabi niyon ay bigla niyang hinalikan sa labi si Maymay. Noong una ay simpleng halik lamang hanggang sa naging maalab na ito. Nang tumagal ay siya narin ang kusang tumigil sa paghalik dito at muling nagsalita. Mahal na mahal kita Maymay at ang magiging anak natin. Pagkasabi niyon ay iniwan na niyang mag isa ang napatulalang si Maymay.
Kahit halik ng pamamaalam iyon ay natuwa parin si Edward dahil tinugon ni Maymay ang kanyang mga halik. Kahit papaano pala ay mahal parin sya nito. Panghahawakan niya iyon kahit hindi sya sigurado.
Makalipas ang dalawang linggong pag iisip at pagkalap ng impormasyon ni Tanner tungkol sa ginawa ni Kisses ay sasabihin na nya ang lahat ng kanyang nalalaman kay Maymay. Sana hindi pa huli ang lahat para lumigaya sina Maymay at Edward. Nang nakipag ayos sya sa dalawa ay totoo at tapat iyon. Hindi narin sya nakipagsabwatan pa kay Kisses. Napag isip isip nya kasi na kung mahal nya talaga si Maymay ay hahayaan niya itong lumigaya sa piling ng taong mahal nito na alam naman niyang mahal na mahal din ito. Darating din naman ang araw para sya naman ang lumigaya.
Maymay may sasabihin ako sayo. Ang totoong nangyare kina Kisses at Edward. Bungad nyang panimula dito.
Hindi ako interesado Tanyong. Kaya wag mo ng sabihin pa. Ang suway nito.
Kahit sabihin kong inosente talaga si Edward sa lahat at gusto lang talaga ni Kisses na magkahiwalay kayong dalawa?
Anong ibig mong sabihin Tanyong?
Inosente si Edward. Lahat ng nangyare ay planadong lahat ni Kisses. Isinalaysay nga nya dito ang lahat ng kanyang nalaman at pati ang pakikipagsabwatan nya dito ng una hanggang sa pag ayaw na nyang makipagsabwatan dito sinabi nya lahat.
Sa mga nalaman niya buhat dito ay sising sisi sya sa ginawa kay Edward at galit na galit sya kay Kisses. Pinaglaruan sila nito at higit sa lahat ay ang pagsira ni Kisses sa pagkakaroon ng magandang pamilya sana ng batang nasa kanyang sinapupunan. Pero mabuti nalang ay nalaman nya agad ang mga iyon. Gagawa sya ng paraan para magkabalikan sila ni Edward at lalo ang mapatawad sya nito. Sana ndi pa huli ang lahat para sa kanila.
Salamat sa mga sinabi mo Tanyong. Kaya lang hindi ko alam kung paano magsisimula kay Edward. Sobra ko syang sinaktan at pinagbintangan sa bagay na hindi naman pala nya ginawa. Kung sana pinakinggan ko lang ang paliwanag nya. Mangiyak ngiyak na wika ni Maymay.
Sshhh, Don't cry Maymay. Its not your fault. Everything will be alright. Edward loves you.
Sana nga Tanyon. Sana mahal pa ako ni Edward. Tanging wika nito kahit umiiyak pa rin.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...