8

884 43 5
                                    

CHAPTER 8 ✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 8 ✨

Bessssssss!!! Tili ni Fenech na ikinagulat ni Maymay ng gabing iyon. Nagluluto pa naman siya.

Ay kabayo!! Pasigaw na nasabi niya dahil sa pagkakagulat. Kaya naman napaso ang kanyang dila. Kasalukuyan pa naman niyang tinitikman ang kanyang niluluto para sa kanilang hapunan ng kanyang mga kapatid ng dumating ito. Nasa konsentrasyon siya kaya hindi niya namalayan ang pagsulpot ng kaibigan.

Over ka namang magulat bess! Sabay tawa nito dahil sa naging reaksyon ng kaibigan.

Over ka diyan! Paanong hindi ako magugulat biglang sulpot ka diyan at kung makatili daig pa ang sirena ng bumbero sa lakas. Bakit ka nga pala nandito? Pagsusungit ni Maymay sa kaibigan.

Sungit mo naman bess! May sasabihin lang naman ako sayo. Wika ni Fenech

Paanong hindi ako magsusungit sa iyo napaso ang dila ko. Tingnan mo pa oh! Paliwanag niya sabay labas ng dila niya para ipakita sa kanyang bestfriend.

Namumula nga ito.

Ikaw kaya ang mapaso ewan ko lang kung hindi ka magsusungit.

Sinong tanga bess? Tanga ka lang talaga kaya ka napaso ng ganyan. Pang aasae ni Fenech at sinabayan pa ng nakakalokong ngiti.

Sa narinig niya tuloy sa sinabi ng kanyang kaibigan ay talaga namang nainis siya pero sanay naman siya sa bruha niyang bestfriend.

Tanga pala ha! Eh kung itapon ko kaya sayo itong kumukulong niluluto ko!

Loka ka! Bess wag naman! Ayokong malapnos ang maganda kong balat ah! Kung gusto mo ako nalang ang magbubuhos sayo bess! Tutal ideya mo naman yan eh! Pang aasar na naman ni Fenech sabay halakhak at lapit sa kaldero para kunin.

Hay naku! Kahit kailan talaga ang baliw mo bess! Suko nako talaga sa iyo. Wika ni Maymay.

Pareho lang tayong baliw nuh! Pero ikaw ang mas baliw kasi napili mo akong maging bestfriend! Sambit ni Fenech habang tumatawa.

Whatever bess!! Ano nga ba ang sasabihin mo kaya ka pumunta dito? Tanong niya.

Aaaaaayyyyyiiiiieeee!!!! Tanging nasabi nito na halatang namimilipit sa kilig!

Aaayyiiiiieeee!! Lang ang sasabihin mo sa akin pagkatapos mo akong gulatin? Muling nabuhay ang pagsusungit niya sa kaibigan.

Loka hindi naman nuh! Kinikilig lang ako dahil sa isasagot ko sa tanong mo. Paliwanag ni Fenech.

Ano bang isasagot mo sa tinatanong ko para kiligin ka ng ganyan ha? Tanong niya pero sa totoo lang hindi siya talaga masyadong interesado sa isasagot nito sa kanya.

May nakilala akong gwapo bess. Aaayyyiiieee!! Panalo talaga sa pagkagwapo to the highest level. Sobra talaga ang kagwapuhan. Kinikilig na sabi ni Fenech.

Sino namang gwapo iyon? Gwapo ba talaga ha? Tanong ni Maymay.

Oo bess, sobra talaga ang kagwapuhan niya. Ang pangalan nga niya Edward. Ang gwapo talaga at ang macho bess! Siya yung bagong lipat sa paupahan ni Mang Jerome. Sobrang gwapo talaga niya bess. Sambit ni Fenech habang kinikilig parin.

Hay naku! Porke gwapo kinikilig kana ng ganyan Fenech. Mahiya ka nga diyan bess. Sobra ka pang kiligin diyan! Pagsusungit niya.

Kahit kailan ka talaga Marydale Entrata ang KJ mo! Eh sa kinikilig ako eh! I'm sure pag nakita mo siya mas kikiligin ka pa kesa sa pagkakakilig ko ngayon. Sabay halakhak ni Fenech.

Malaking NEVER nuh! Tsaka hindi ako interesadong makita siya at wala akong panahon sa kanya.

Talaga lang ha? Tingnan natin bess baka mainlove ka pa nga sa kanya eh, sabay tawa ng malakas ni Fenech.

Ewan ko sayo bess! Ang kulit mo! Kahit kailan hindi ka talaga magpapatalo. Ito lang ang sasabihin ko hindi ako maiinlove o kikiligin sa lalaking kinakikiligan mo! Pagtatapos ni Maymay sa pag uusap nila. Ayaw na niya kasing humaba ang diskusyon nila sa lalaking iyon kasi wala talaga siyang pakialam kung sino man yun. Wala pa siyang oras sa pakikipagrelasyon sa panahon ngayon dahil ang kanyang priority ay ang kanyang mga kapatid. Sapat ng naranasan niya noon ang umibig at masaktan. Pinangako niya sa sarili na iibig lang siyang muli kapag napagtapos na niya ng pag aaral ang kanyang dalawang kapatid sa kolehiyo.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Mabuti naman apo nadalaw mo na kami ng lola mo. Sobrang nag aalala na kami sa iyo. Wikang salubong kay Edward ng kanyang Lolo Joe sabay yakap sa apo.

Oo nga apo dahil kung hindi mo pa kami dinalaw ngayong week na ito kame na ng Lolo mo ang dadalaw sa iyo. Sobrang miss kana namin. Nagtatampong wika ng kanyang Lola Ludy.

Mababakas mo talaga sa mga tinig nila ang pagkamiss sa kanya at pag aalala ng mga ito. Ngayon lang kasi siya nawalay sa mga ito kaya talagang mamimiss siya ng mga ito.

Sobrang busy lang po talaga ako nitong mga nakaraang araw, Lolo at Lola kaya ngayon lang po ako nakadalaw. Pero ngayon po hindi na po ako masyadong busy kaya madadalaw ko na po kayo ng madalas dito. Kapag weekend dito ako matutulog kung okay lang po yun sa inyo. Sobrang namiss ko po kayo. Wika ni Edward sabay yakap ulit sa kanyang Lolo at Lola.

Siyempre naman ayos na ayos sa amin yun apo. Dadalawin mo na kami ng madalas ha? Wika ng kanyang Lola.

Opo promise!

Kumain kana ba apo? May niluto akong caldereta na paborito mo at nagbake din ako ng cake. Kainin mong lahat yun apo. Wika ng Lola niya.

..itutuloy....

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon