CHAPTER 36 ^^
Sorry guys nawala kame sa sarili. May audience pala kami. Tatawa tawang paumanhin ni Edward.
Okay Lang Edward we're happy to both of you. Sabay sabay na wika ng mga nandoon at nagrequest pa ng isang kiss na kanila namang pinaunlakan. Pero lingid sa kanilang kaalaman ay may dalawang tao ang naroon na ndi nagugustuhan ang mga nagaganap. Ito ay sina Tanner at Kisses. Parehong galit sa nagaganap.
Hindi dapat matuloy ang kasal ninyo. Hindi ako makakapayag na mapunta sa kanya si Marydale. Wika sa sarili ni Tanner.
Akin ka lang Edward. Akin ka lang. Magiging akin ka Edward. Akin lang. Sabi ni Kisses sa sarili habang galit na galit na nakatingin sa dalawa.
Nang matapos ang anunsiyong iyon ni Edward ay sabay na silang bumaba sa stage at hinarap ang kanilang mga bisita. Kapwa masaya ang mga ito sa kanila at ang halos lahat nga ay nagsabing kunin silang ninong at ninang sa kasal nilang dalawa na tinanggap naman nila. Sobra rin ang sayang nadarama ng Lolo at Lola ni Edward batid ng mga ito na talagang nagmamahalan silang dalawa. Sabi pa nga ng mga ito ay bilisan na nila ang kasal kasi gusto na nila makita ang magiging apo nila sa kanilang dalawa. Sila rin ay lumapit sa kaibigan ni Fdward na sina Marco at Tanner.
Congrats to both of you. Salubong na wika ni Marco sa kanilang dalawa.
Thank you Marco. Wikang sabay nila Edward at Maymay.
Saka nga pala Maymay I Want you to meet my balikbayan friend Tanner. Pagpapakilala ni Edward sa kaibigan kay Maymay. Hindi kita ni Maymay ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya pero batid nito na kausap nila ito. Kaya naman laking gulat nya ng humarap ito.
Glad to meet and to see you Maymay. I'm Tanner. Makahulugang wika nito sa kanya sabay halik sa kanyang kamay nito at ndi agad binitawan ang kamay nya. Nakatitig lang ito sa kanya ng makahulugan. Hindi pa sana sya magsasalita at bibitiwan ni Tanner kung ndi lang nagsalita si Edward.
Something wrong? Tanong nito na ang tinig ay nag aalala.
Nothing Edward. Glad to meet you too Tan-Tanner kinakabahang sagot ni Maymay. Pero ndi kumbinsido si Edward sa sinagot sa kanya ni Maymay.
Parang meron syang dapat na malaman na ndi nya pa alam kung ano. Itatanong nalang nya iyon sa mga susunod na araw.
Sige guys mauna na muna kami ha! Mamaya nalang ulit. Paalam nalang nya sa mga ito. Ang kanyang kaibigan na si Fenech at ang dalawang kapatid ay masayang masaya rin sa kanilang dalawa ni Edward.
Kakasal kana bes. Im happy for you. Masayang wika ni Fenech na naiiyak iyak pa.
Over ka naman bes. May paiyak iyak effect ka pang nalalaman diyan. Pero thank you bes.
Over ka dyan! Masaya lang ako kasi nakita mo na ang iyong prince charming.
Kaya ikaw maghanap kana rin bes hahaha
Teka nasaan na ba si Edward? Para maaway ko ang lokong yon ndi sinabing yayayain ka ng magpakasal.
Ako rin kaya ndi sinabihan. Nagulat kaya ako. Para nga yata akong tanga doon sa stage kanina ndi ako nakasagot agad. Tatawa tawang litanya nya.
Oo nga bes para kang tanga. Mabuti nga ndi ka nagwalkout eh. Birong sambit nito.
Loka! Tanging tugon nya at pareho na silang tumawa.
Si Edward naman ay pumunta sa dalawang kapatid ni Maymay.
Okay lang ba kayo dito? Kain lang kayo ha! Wika ni Edward.
Oo naman po kuya. Congrats nga pala sa inyo ni Ate Maymay. Sabay na sagot ng dalawa.
Huwag mo pong lolokohin si Ate kundi kame makakalaban mo. Banta ni Yong kay Edward at tinikom ang dalawang kamao.
Katakot ka naman Kuya Yong Hehe siyempre ndi po. Love ko ate nyo eh. Paninigurado nyang sabi sa mga ito.
Alagaan at wag mo pong sasaktan si Ate ha? Kuya Edward sabi naman ni Aizan.
Talagang mahal ng dalawang ito ang kanilang ate. Sabi nya sa kanyang sarili bago sumagot kay Aizan.
Oo naman. Kahit ndi ninyo sabihin yan sa akin. Hinding hindi ko sasaktan ang ate ninyo. Lagi ko syang aalagaan at kahit kayo ay aalagaan ko. Hindi lang ate ninyo ang mahal ko kundi pati kayong dalawa. Seryosong wika ni Edward sa mga ito.
Aasahan namin at tatandaan yang sinabi mo kuya. Sagot ni Aizan.
Oo ba! Sige kain na muna kayo dyan. Puntahan ko lang mga kaibigan ko ha! Babalikan namin kayo dyan ng ate ninyo. Kain lang kayo diyan.
Nang makalapit na sya sa kanyang mga kaibigan ay masaya na naman syang binati ni Marco.
Congrats ulit pare. Ikakasal kana. Bati ni Marco sa kanya at niyakap pa sya.
Thank you pare. Kinabahan pa nga ako. Akala ko ndi sasagot si Maymay kanina. Mabuti talaga pumayag sya. Masayang sabi nya.
Huwag ka lang pakasiguro Edward. Malay mo bukas maghiwalay na kayo. Hirit naman ni Tanner sabay tawa.
Anong sabi mo Tanner? Ang pagpapaulit na tanong ni Edward sa sinabi ng kaibigan. Hindi nito nagustuhan ang sinabi nito. Ito naman ay napansin din ni Marco kaya naman pumagitna na ito sa dalawa.
Ooppss! Walang pikunan. Im sure Tanner is just joking. Awat ni Marco.
Just kidding pare. Hindi kana mabiro. Wika ni Tanner.
Hindi nakakatuwa ang biro mo pare. Pagkasabi nun ni Edward ay tumalikod na sya..
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...