CHAPTER 31 ^^
Hindi ako totoong mahirap. Nagpapanggap lang akong mahirap. Pero wag mong isiping niloloko lang kita. May rason ako kung bakit ko nagawa itong magpanggap. May mga naging girlfriends ako dati. Minahal ko silang lahat pero ako ndi nila ako minahal kundi ang pera ko at kayamanan ko lang . Akala ko iyong huling naging girlfriend ko sya na ang magmamahal sa akin ng totoo pero nagkamali rin ako kasi tulad din sya ng iba. Kaya naman nagplano akong magpanggap bilang mahirap nagbabakasakali na may makilala akong magmamahal talaga sa akin ng ako talaga ang mamahalin at ndi ang kayamanan na meron ako. Natuwa ako ng makilala kita. Unang kita ko palang sayo noon may naramdaman na agad ako. Natuwa pa talaga ako ng mas nakilala kita at nalaman ko rin na mahal mo ako. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ng sabihin mong mahal mo rin ako hanggang ngayon masaya ako dahil ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin. Kaya heto nagtatapat na ako sa iyo ngaun kahit alam kong baka mawala ka sa akin dahil sa ginawa kong pagpapanggap na mahirap. Isa lang sasabihin ko ang pagpapanggap ko lang ang kasalanan ko sa iyo. Ang pagmamahal ko sa iyo at sa mga kapatid mo totoo iyon. Tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon mo. Gusto ko lang din malaman mo na ndi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil kung ndi ko iyon ginawa ndi ko mararanasan na makilala kita at ndi ko rin mararanasan kung paano mahalin ng tulad mo. Alam ko minahal mo ako ng totoo. Mahal na mahal din kita Maymay. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Hindi na napigilang umiyak ni Edward. Dahil alam na nya ang susunod na mangyayari. Maghihiwalay na sila ng kauna unahang babae na nagmahal sa kanya ng totoo. Mahirap at masakit man tatanggapin nya ang magiging desisyon nito pagkatapos ng lahat ng kanyang sinabi. Pero umaasam parin sya na ndi magagalit si Maymay.
Si Maymay naman ay seryoso lang sa pakikinig kay Edward at minsan ay napapaluha narin. Hindi sya naaawa kay Edward kundi nagagalit sya sa dating minahal nito na ang ipinalit lang sa pagmamahal ng binata ay panloloko. Wala rin syang naramdaman sa puso nya na galit sa pinagtapat nito kundi lalo pa syang humanga sa binata dahil nagtapat parin ito sa kanya kahit batid nito ang pwedeng mangyari sa kanila pagkatapos. Matagal sya bago nagsalita. Nakatingin lang sya sa nakayukong si Edward.
Gusto ko lang sabihin sa iyo na galit ako. Galit na galit ako Edward. Napalakas na wika ni Maymay.
So is t-this g-goodbye M-maymay? Kandautal utal na wika ni Edward.
Let me finish first okay? Medyo mataray nyang litanya dito.
Okay go on!
Hindi ako sayo nagagalit kundi doon sa mga babaing minahal mo ng totoo pero niloko ka lang. Ang laki nilang tanga dahil ndi nila totoong minahal ang tulad mo. Nasilaw sila sa yamang meron ka. Ndi nila nakita ang totoong ikaw. Ako kahit bago lang tayong nagkakilala at ndi pa gaano katagal na nagmamahalan ramdam ko na ang tunay mong pagmamahal sa akin at sa pagmamahal mo lang mayaman na ako. Nalulungkot ako sa nangyari sayo. Salamat din sa pagmamahal mo sa akin. Tinuruan mo ulit akong magmahal. Mahal na mahal din kita Edward.
Sa narinig ni Edward ay ndi nya napigilang yakapin ang dalaga. Akala nya katapusan na ng kanilang relasyon pero ndi pa pala. Unang bumitiw sa yakap si Maymay bago muling nagsalita..
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...