CHAPTER 38 ^^
Makalipas ang dalawang linggo matapos ang party ay ndi na sina Edward at Maymay tinigilan nila Kisses at Tanner. Magkahiwalay sila nitong pinupuntahan. Si Tanner sa bahay nila Maymay at si Kisses sa opisina ni Edward.
Kinukulit silang dalawa ng mga ito kahit na pinapakita na nila ang pagkainis sa mga iyon. Lalo na si Kisses ginagawa ang lahat ng magagawa nya para lamang makuha nya ulit si Edward ngunit bigo sya kahit na nga inaakit na nya ito. Kaya naman buo na ang kanyang pasya na ilalabas na nya ang kanyang huling alas na sigurado syang ikakapanalo nya.
Si Tanner naman ay sobra ang pagpapaliwanag ng dahilan ng pag iwan kay Maymay noon na ndi nya talaga gustong gawin. Pinaniwalaan naman iyon ni Maymay pero sinabi na nya talaga kay Tanner na na ndi na pwedeng maging sila lalo na may minamahal na syang iba. Siguro kung nakabalik sya agad baka pwede pang maging sila kaso ndi na talaga pwede ngaun. Lalo pa pumayag na syang magpakasal kay Edward. Hindi naman sya nagsisisi dahil totong mahal nya si Edward at ito na ang gusto nyang makasama habambuhay.
Sure ka talaga Kisses na ipapakita mo iyan kay Edward? Diba nga nakita mo rin na ndi naman pala talaga nakayakap yang girl kay Tanner kundi si Tanner lang? Ang wika ng kaibigan nyang si Kristine.
Sure ako Kristine. Besides malalaman ba ni Edward kung ano talagang nangyayari dyan? Ako lang naman at ikaw ang totoong nakakaalam ng totoo. Ang importante kitang kita dyan sa picture at video ang pagyayakapan ng mahinhin nyang girlfriend at ni Tanner. Wika ni Kisses na talagang sigurado nasa nakikitang tagumpay sa pagkawasak ng relasyon ni Edward.
Youre so brilliant Kisses. For that cheers. Ang wika ni Kristine.
Ofcourse cheers! Tuwang tuwang sagot ni Kisses sa kaibigan.
Kahit kanina pa nagbabasa ng mga papeles si Edward ay wala namang pumapasok sa kanyang utak ni isa man sa mga detalyeng naroroon kaya naman sa kanyang pagkainis ay naitapon nya iyon at napabuntong hininga. Ganoong tagpo sya nakita ni Marco.
Anong problema mo Edward? Pati itong mga papel na walang kamalay malay ay dinadamay mo. Wika ni Marco habang pinupulot isa isa ang mga nagkalaglagang mga papel saka inayos isa isa at inilagay sa table ni Edward at naupo sa bakanteng upuan na naroroon.
Buwisit kasi eh! Tanging wika ni Edward.
Ano naman ang nakakabuwisit? Di ba nga nakapagclose ka na ng deal sa mga japanese businessmen. So dapat magcelebrate tayo pare. Wika ni Marco.
Its not that Marco. Its Kisses. Ginugulo nya ako. Ayaw pa nya akong totally pakawalan. Ang asar nyang sagot.
What do you mean totally pakawalan? Matagal na kayong hiwalay di ba? At ikaw pa nga ang nakipagbreak sa kanya.
Yes ako nga ang nakipagbreak but I forgot to tell you na ndi sya pumayag. Kaya iyon ang sinasabi nya sa akin ngaun. Sya parin daw ang legally girlfriend ko at hindi si Maymay.
Maldita pala talaga yang si Kisses eh. Sya pa may ganang magsabi nyan sayo. Kapal nya. So ano ng plano mo ngaun?
Hindi ko pa alam Marco. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Maymay.
Ito lang ang sasabihin ko Edward wag mo ng patagalin yan. You know Kisses. Yun lang ang sinabi ni Marco at lumabas na ito ng opisina nya.
Naiwan namang napapaisip si Edward. Tama si Marco na wag na nyang patagalin ang pag iisip dahil kailangan na nyang masabi ang lahat habang maaga pa. Pero hindi nya alam kung paano sasabihin iyon kay Maymay dahil natatakot siya sa maaaring isasagot nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
ONLY YOU ( MAYWARD)
Fanfiction❤❤ONLY YOU❤❤ ❤❤TEASER❤❤ Si Edward John Barber isang heredero. Naulila at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikila...