41

628 41 6
                                    

CHAPTER 41 ^^
You mean hindi ka makikipaghiwalay sa akin?
Hindi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 41 ^^

You mean hindi ka makikipaghiwalay sa akin?

Hindi. Bakit naman ako makikipaghiwalay sayo Edward?

Dahil kay Tanyong. Di ba sabi mo nga dati mahal na mahal mo sya.

Like you said dati hindi na ngayon. Ikaw yata ang nakikipaghiwalay na ngaun eh.

Hindi ah! Mahal na mahal kaya kita Maymay!

So ano na?

Eh di tayo parin, saka hindi ako galit Maymay. Nagtatampo lang kasi hindi mo sinabi sa akin agad. Paano kung may ginawa sayo si Tanner? Wala akong kaalam alam sa nangyari.

Sorry na talaga love. Saka ndi naman siguro magagawa iyon ni Tanyong sa akin.

Kahit na ba. Kailangan mo parin mag ingat. Sa makalawa kakausapin ko si Tanner para masabi ko na alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa.

Sige Edward para tigilan narin nya ako.

May iba ka pa bang sasabihin sa akin love bukod sa sinabi mo na sa akin?

Wala na. Iyon lang naman bakit?

Eh kasi nagugutom na ako love. Kain tayo ha!

Oo sige nagugutom narin ako eh.

Ang kaninang seryosong pag uusap nila ay nauwi nasa tawanan. Dahil sa gabi na masyado ay sa jollibee sila nakakain. Umorder sila ng tig isang meal.

Love gabi na oh! Biglang sabi ni Edward habang nasa sasakyan na sila.

Oo nga. Kaya nga iuuwi mo na ako sa bahay diba?

Love sa condo ko nalang tayo matulog ngaung gabi. Gusto lang kitang makasama ng matagal eh. Ang paglalambing ni Edward.

Hindi puwede love. Hindi ako nakapagpaalam sa mga kapatid ko.

Naipagpaalam na kita. Tinawagan ko na sila kanina bago pa tayo nagkita sa park.

So it means pinlano mo na itong gabi.

Oo love. Papilyong sagot ni Edward then he smiled naughtily.

Sige na nga. Pero behave ka ha! Kundi lagot ka sa akin. Pagbabanta ni Maymay sa nobyo.

Yes promise love behave lang ako. Wika ni Edward.

-

Ano na kayang ginagawa nila Edward at Marydale ngaun? Ano sa tingin mo Kisses? Walang sabi sabing naitanong ni Tanner habang nasa condo unit nya sila ni Kisses ng gabing iyon.

Eh di ano pa eh di nag aaway na ang mga iyon at siguradong maghihiwalay na ang mga iyon ngaung gabi. Tatawa tawang sagot naman ni Kisses habang nagsasalin ng manok sa pinggan na ipampupulutan nila ni Tannner.

Sana nga. Sana nga talaga magdilang anghel ka sana Kisses.

-

Pagkapasok nila Maymay sa condo ni Edward ay namangha sya sa ganda nito. Halata mong lalaki ang nakatira doon dahil sa kasimplehan nito at wala masyadong design na makikita.

Shower lang ako love ha! Ikaw na bahala muna dito. Kung gusto mong manood ng tv or ng dvd iopen mo lang yang tv at dvd player.

Okay love ako ng bahala. Sagot naman ni Maymay at patuloy parin tinitingnan ang kabuuang ng condo unit ng nobyo.

Namangha rin sya sa laki ng tv na nakikita nya sa sala na akala mo nasa sinehan ka. Halos kumpleto lahat ng gamit nito sa sala. Pagkatapos nya sa sala ay sunod naman nyang pinuntahan ang kitchen. Tulad sa sala ay namangha rin sya sa ganda noon. Kulay blue naman ang mga kulay niyon at kumpleto rin ng mga gamit. Binuksan nya ang fridge nito halos puno pa ang laman niyon para ngang hindi pa nabawasan eh.. Habang nasa terrace sya ay hindi nagtagal ay dumating narin si Edward na bagong paligo..

ONLY YOU ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon