CHAPTER 1: The BEE4

7.4K 128 0
                                    

SABRINA'S POV

Bzzt... Bzzzt... Bzzzt...

"Ano ba naman yan natutulog pa ang DYOSANG SI AKO eee! Tsk.. Istorbo." Pinindot ko ang Answer Button ng nakapikit kaya Hindi ko Alam Kong sinong tumatawag. Inaantok pa kasi ako ee.

"Hu u??" Maikling tanong ko sa kung sino mang tumatawag.

"Grabee ka talaga! Wala man lang bang Hello Jan? Saka bakit ganyan ang boses mo? Don't tell me kagigising mo lang?" Alam naman pala nagtatanong pa! Syunga lang?

"Tsk.. Ano bang sasabihin mo ha? Inistorbo mo pa ako sa pagtulog!" Ayan nawala na tuloy ang antok ko.

"Hihi... Sorry Sab! Nagyayaya kasi si Tin, gala daw tayo sa Mall" Sagot nito.

"Okay!" Tutal nawala narin naman yung antok ko. Magsasalita pa sana siya pero pinatayan ko na ng phone.

Tumayo na ako at inayos ang aking kama. Pagkatapos ay naligo, nagtoothbrush then isinuot ko na yung black na dress na gift sakin ni Mamita. Mamita means Lola. Alam na alam talaga ni Mamita ang fashion ko. Nagsuklay lang ako at naglagay ng kunting powder sa mukha at ready to go nako. Di naman kasi ako maarte ee. Certified Maldita with a HEART lang.

Bumaba na ako sa pagkahaba habang stairs ng bahay namin. Pagbaba ko si Manang Adelle lang ang nakita ko. Siguro may business meeting na naman si Dad at si Mommy naman, malamang sa alamang nasa second family niya. Doon na siya nakatira ee. Hayysss.. Wag na nga natin pag usapan.

"Manang aalis lang po ako saglit, babay po!" Pagpapaalam ko. Tumango naman siya habang naglilinis. Close kasi kami ni manang, Nanay na nga Turing ko sa kanya eee.

Nagmamadali akong lumabas ng gate habang nakasakay sa aking baby Porsche na color black. Siyempre pinagbuksan ako ng guard no!

Nang makalabas ako ay tuluyan ko ng pinaharurut ang kotse ko. Ganito kasi ako mag drive eee, sobrang bilis, mas mabilis pa sa hangin.

Siya nga pala, kanina pa ako Dada ng dada dito ee di niyo pa ko kilala.. So! Mag papakilala muna ako habang nag mamaneho.

I'm Sabrina Park, 19 years old, taking up Bachelor of Science in Business Administration Major in Management, Maganda, Matalino, Mayaman, Dyosa, Sexy, Mabait sa Mabait, Daddy's girl, Maingay, Masungit, at higit sa lahat Certified Maldita. I have my 3 best friends, they are Gwen, Tin, and my cousin Aleah. Yan na lang muna dahil nandito nako.

Pinark ko muna yung car ko then bumaba, and as usual pinagtitinginan naman si ako! Haha! Dyosa ko kase eee..

Tinext ko yung tatlo at nasa loob na daw sila. Abah! Di man lang hinintay ang beauty ko. Humanda kayo sakin!

Nang makita ko sila dito sa loob, abah! Mga nakangiti pa talaga.

"Hay Salamat naman at nandito kana! Kanina pa kami naghihintay sayo." Sabi ni Tin.

"Talaga? Bakit kasi kanina niyo lang ako tinawagan? Edi sana kanina pa tayo magkakasama. Diba kanina pa kayo dito?" Tanong ko sa kanila with matching taas kilay pa. Akala siguro nila hindi ko alam.

"Paano mo nalaman?" Tanong ni Aleah.

"Siyempre MATALINO AKO eee..." Tsk. Akala siguro nila hindi ko naririnig yung Boses nila kanina sa phone noong tumawag saakin si Aleah.. Mga kinikilig na Ewan. Siguro nag boy hunting na naman sila.

"Hihi.. Alam naman kasi namin na hindi ka nanaman sasama kaya di ka na namin in inform." Pagpapaliwanag ni Gwen.

"Kaya nga." Dagdag naman nung dalawa.

"Tss..Tara na nga, gala na tayo." Pag aaya ko kaya sumunod naman sila.

Naglibot libot lang kami at siyempre nag shopping na naman kami ng mga damit, bag, sapatos at dress namin. Grabee nag eenjoy talaga ako kapag nag sho shopping kaming apat, Nakakawala ng stress.

--------------------------------------


Vote, Comment and be a fan!



My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon