SABRINA'S POV
"Sab bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Aleah.
"Wala to.. Okay lang ako.. Wag mo na Kong pansinin." Ayoko kasing makisabay pa sa problema niya.
"Sab naman.. Best friend mo ko, pwede mo Kong pagsabihan ng problema mo. Tungkol ba yan Kay Ivan?" Pangungulit niya sakin.
"Hayyst.. Ano na naman bang nagyare sa inyo..? Hindi ka ba binilhan ng chocolates? Hindi ka ba binati kaninang umaga? O baka naman di ka pinapansin?? Ah Alam ko na! Hindi ka niya nilibre ng lunch no? Tama ako diba?"
"Kung sana nga ganon lang yun Aleah.."
"Haha! Iba ka talaga Ethan!" Nagulat kami ng pumasok dito sa tambayan sina Ivan, Ethan, Renz at Vander.
"Wag ka ng magtaka Ivan. Haha!" Vander. Ano bang pinag-uusapan nila at tawa sila ng tawa.
"Sabagay.. Mana ka talaga sakin Ethan." Sabi ni Ivan at tumawa pa na parang hindi niya ko nakikitang nakaupo sa harap niya.
"Tumahimik nga kayo! Ano bang pinagtatawanan niyong apat ha?!" Singit ng masungit na si Aleah kaya napatingin samin yong apat. Pero yong isa hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Eto kasing si Ethan pinahiya lang naman niya yong malanding Babae Kanina sa harap ng mga ibang estudyante." Sagot ni Ivan na hanggang ngayon parang hangin lang ako sa harap niya.
"At tinatawanan niyo pa yang mga kalokohan niyo?" Umiiling iling na saad ni Aleah.
"Oo nga pala! Anong oras na?" Si Ivan.
"4:30 na bro, bakit?" Renz.
"May lakad kasi ako.. Sige guys mauna na ko. Pakisabi nalang Kay Gwen, Tin at Agatha na nauna na ko." Sabi niya at lumabas na ng tambayan.. Hindi man lang ako pinansin. Dahil ba may mahal na siyang iba? Kung ipagpapalit niya ko.. Bakit sa babaeng yun pa?
"Huh?" Nagtataka ang itsura nong tatlo. Titingin sila sa pintuan tapos sakin, tapos tingin ulit sa pintuan, tapos sakin ulit.
"Anyare sa inyo? Bakit hindi kayo nagpapansinan?" Sa wakas nagsalita na rin si Renz.
"Siya lang naman ang hindi namamansin eh.." Paano pa niya ko papansinin eh may fiance na siya diba?
"What do you mean CM?" Ethan.
"Minsan kasi ang magkaibigan may mga araw din na hindi nagpapansinan. At isa pa, may mga tao kasing mas espesyal kesa sa kaibigan."
"Hoy Sabrina Park! Ano ba yang pinagsasabi mo ha?" Aleah.
"Omg! Sab! Sab! Tingnan mo to!" Napatingin kami Kay Tin na kakapasok ng tambayan kasama si Gwen at Eya na hindi maipinta ang muka.
"Ang ingay mo Tin, ano ba yan?" Lumapit si Renz at kinuha yong papel na hawak ni Tin.
"T*ngin*! Kanino galing to?" Ano ba yun? Bakit ganon yong reaksyon ni Renz.?
"Ano ba yan patingin nga?" Lumapit si Ethan pati na rin si Vander at katulad ng reaksyon ni Renz napamura din yong dalawa. Si Aleah naman lumapit kina Tin at may binubulong yong tatlo sa kanya.
"Sab?/CM?"
"Ba-kit?" Teka.. May kinalaman ba ko sa papel na hawak nila?
"CM wag kang mabibigla.. May sasabihin kami sayo." Vander. Ano ba yun? Napapraning na ata mga kaibigan ko. Umupo nalang ako ulit sa couch at kinuha yong mangkok sa mesa na may lamang chichirya. Pinanlakihan naman ako ni Aleah dahil pagkain niya pala to pero dinilaan ko lang siya.
"CM, si Ivan." Ah. Tungkol pala sa kanya.. I think Alam ko na kung ano yong hawak nila na labis nilang kinabigla.
"What about him?" I said seriously at sumubo ulit ng chichirya.
"Ivan is engage to Nicole Yu. At ikakasal na sila after graduation next month." Tin.
"And?"
"Anong and and ka dyan Sab? Hello? Sabrina Park! Hindi ka man lang ba magtatanong ng ganto.."
"What? Nagpapatawa ba kayo?"
"Pano nangyare yun? Sabi niya mahal niya ko diba?"
"Haha! Hindi mangyayare yun, niloloko niyo lang ako."
"Diba dapat ganon yong reaksyon mo?" Aleah na umakting akting pa.
"Why would I? There's nothing on us. Were just friends, nothing more.. Nothing less. I believe that a real friend supports her friends no matter what." Sabay subo ulit ng chichirya.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...