GWEN'S POV
"Miss, magkano po lahat?" Tanong ko sa cashier.
"450 po lahat Ma'am." Sabi niya kaya hinanap ko agad yong wallet ko, kaso bakit wala? Kinapkap ko pa yong bulsa ko pero wala talaga.
Asan na yun? Maygadd, naiiyak na ko! Pinag ipunan ko pa naman yun ng ilang araw. Isinakripisyo ko ang pagkain para lang dun, huhuhu.... Ang malas malas ko naman. Pano na yan?
Hindi pwedeng hindi ko mabili yong book ng the four badboys and me, matagal ko ng pangarap makabili ng books nun. Pati narin yong book 2 at book 3 niya na Good Girls Revenge at The badboys Love. Huhu.. Pano na yan.. Ang ganda ganda kasi nun eee. Sa totoo lang nabasa ko na yun hanggang book 3 pero gusto ko kasing magkaroon ng sarili Kong book.
( A/N: Wattpad addict din pala tong si Gwen? Pareho pa kami ng favorite story ee! Haha.. )
"Ma'am kukunin niyo pa ba?" Tanong ni Miss Cashier. Next time nalsng siguro, babalik nalang ako.. Nakakapanghinayang lang, saan ko ba kasi nawala yong wallet ko?
"Ahmm.. Next-" Naputol yong sasabihin ko ng may lalaking sumingit. Aba! Bastos to ah! Wala ba siyang manners? Kitang hindi pa ako natatapos magsalita tapos sisingit siya? Di niya ba Alam ang salitang pila?
"Miss, I'll pay this one.. Pati na rin yong sa kanya." Sabay turo sakin. Wait! Tama ba narinig ko? Babayaran niya raw yong books ko? Sino ba tong lalaking to?
"Ah OK Sir.. Bale 825 po lahat." Hahla, nakakahiya.. Mas mahal pa yong akin kesa yong sa kanya.
"Here.. Keep the change." Nakangite niyang sabi at kinindatan pa si Ateng Cashier. Babaero! Tsk.
"Here." Inabot niya sakin yong books na binili ko- niya pala.
"Ahm.. Salamat ah.." Saad ko, habang nakasunod sa kanya palabas ng bookstore.
"Wag kang magpasalamat dahil may bayad yun." Seryoso niyang sabi.
"Wag kang mag alala babayaran din kita bukas."
"Nope.. I don't accept money.." Umiiling iling niyang saad.
"What do you mean?"
"Samahan mo ako buong araw bilang kabayaran." Ano daw? Seryoso ba siya?
"Pwedeng iba nalang?" Baka kasi mapagalitan ako eh, ang paalam ko pa naman kina Aleah eh saglit lang ako.
"Nope.."
"Hindi kasi ako pwede eee."
"Okay, maghahanap nalng ako ng ibang kasama."
"Hey Miss! Pwede ka bang makasama buong araw?" Hinigit niya yong babaeng sobrang kapal ng make up, tumango naman agad yong babae.
"Sure babe.." Malanding saad nito at sinukbit agad ang braso niya Kay Ethan.
"Sandali lang Ethan." Tawag ko Kay Ethan bago sila makaalis nung malanding babae.
"Hmm?" Tumingin siya sakin ng seryoso. Bahala na kung mapagalitan ako nung tatlo.
"Ah payag nakong samahan ka." Nahihiya kong saad. Nakita ko siyang napangite sa sinabi ko habang yong babaeng malandi naman ee mukha ng papatay sa tingin. Bwahaha! Nakakatawa yong itsura niya.
"Babe sino siya, tsaka anong sinasabi niyang sasamahan ka niya?"
"I change my mind.. Ayaw na pala kitang kasama dahil may kasama nako."
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Fiksi RemajaSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...