CHAPTER 25: His Side

3.1K 62 0
                                    

IVAN'S POV

Hindi ako pumasok ngayon dahil parang wala ako sa mood. Nandito lang ako sa kwarto ko dito sa bahay at nagmumuni muni. Tinext ko cla Vander kanina na hindi ako makakapasok ngayon.

Nasasaktan pa rin kasi ako sa mga sinabi ni Sabrina kahapon. Tanggap ko naman na hindi niya na ako mahal tulad ng dati pero masakit eh, ang tanga tanga ko kasi! Sana mamatay nalang ako! Wala na run namang saysay ang buhay ko..

Ang tanga tanga ko dahil niloko ko si Sabrina. Siguro tama lang na pagdusahan ko lahat ng pagkakamali ko. Tanda ko pa yong araw na nakikiusap siya na siya nalang ang piliin ko pero si Tarah ang pinili ko.

Hindi ko gusting saktan siya noon dahil naging kaibigan ko narin siya pero nagpabulag ako sa pagmamahal ko Kay Tarah. Maniwala man kau o hindi, Simula ng umalis si Sabrina Hindi na ako naging masaya. Hindi na ako muling nagmahal dahil hindi matanggap ng puso ko na sinaktan ko yong taong mahal ko. Yong taong labis akong minahal.

Alam ko ring nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon kami parin ni Tarah. Sa totoo lang hindi ko na talaga mahal si Tarah pero hindi ko pa siya pwedeng hiwalayan dahil sa Fiance ko.

Oo may fiance ako pero di ko kilala. Ilang buwan na ang nakalipas ng malaman kong may fiance na pala ako at kailangan ko siyang pakasalan para maisave ang company namin. Bumabagsak na kasi ang kompanya namin kaya kailangan naming makipag partnership sa pamilya ng fiance ko. At mangyayari lang ton kapag nakapag isa na ang  pamilya namin at pamilya ng fiance ko. Sa pagkakaalam ko kaibigan ni Daddy yong dad ng fiance ko daw.

At dahil ayaw Kong magpakasal soon sa fiance ko kaya hindi pa run ako nakikipag break Kay Tarah, baka kasi makumbinsi ko si Dad na Mahal ko si Tarah ng sa ganon hindi niya na ituloy yong kasal. Sana..

Kung magpapakasal man ako...

Si Sabrina Park lang ang gusto Kong maging bride.

Tok.. Tok..

"Sir, gusto daw po kayo makausap ng Daddy niyo." Sabi ni Manang Karen sa labas ng kwarto ko.

"Susunod nalang po ako." Sagot ko.

Pagkababa ko ng hagdan, naabutan ko si Dad sa couch habang nagbabasa ng magazine.

"What is it Dad?" Napatigil siya sa pagbabasa at tumingin siya saakin ng seryoso.

"I just want to inform you that you will meet your fiance next week at Black Hotel.. 7 pm Sharp.. So you need to prepare yourself Son!" Next week na?

"But Dad! May girlfriend ako at hindi ko siya pwedeng iwan dahil mahal ko siya.

"I know son, but my decision is final! Kaya habang maaga pa makipaghiwalay ka na sa girlfriend mo." Takte naman talaga oo! Hindi pa nga kami nagkakaayos ni Sabrina eh! Hindi ko na ba talaga maipaglalaban yong pagmamahal ko Kay Sabrina?

"But!"

"No buts son! By the way, your fiance transferred at Blind Academy last week and she's your classmate. So, I guess may clue ka na kung sino siya? Okay I need to go!" Ano daw? Teka! May apat akong new classmates diba?

May chance ba na si Sabrina yong fiance ko?

O baka naman isa sa mga kaibigan niya?


No! Sana si Sabrina nalang. Kapag nagkataon ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo! Pero kailangan ko pa ring makasiguro.. Ang Alam ko lang isa sa grupo ni Sabrina ang fiance ko.



Tinawagan ko si Ethan..



["Hello Ivan! Watzzup dude?"]


"Tsk.Deretso kayo dito mamaya sa bahay may sasabihin ako."




["Eee ano bang sasabihin mo? Bakit hindi mo nalang sabihin ngayon."]



"Basta pumunta nalang kayo. Its all about my fiance."




["Fian-"] toot..toot..toot..





Binaba ko na yong phone ko dahil for sure di na naman yon titigil.

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon