CHAPTER 42: The Truth

2.8K 48 0
                                    

IVAN'S POV

Marami ng nangyare sa buhay ko

At si Sabrina ang pinakamagandang nangyare sa buhay ko


Noong araw na nakilala ko siya sa park, she's really something.

I know na magkikita pa kami ulit noon dahil yun ang nararamdaman ko.


Until, I met her.. Again..


She transferred at Blind Academy kung saan kami nag aaral ng mga kaibigan ko


That time Alam ko namang may gusto sakin si Sabrina dahil lagi siyang namumula pag nakikita niya ko at nauutal pag kinakausap ako.


I remember noong first day niya sa Blind Academy, nagulat pa siya ng makita ako, siya rin yong unang lumapit sakin at binabalik niya yong panyong binigay ko nong nakita ko siya sa park na umiiyak.


Pero hindi ko ito kinuha at sinabing hindi ako gumagamit ng gamit na ng iba. Alam kung nainis siya dun dahil sa itsura niya pero ang cute niya pa rin. Mas lalo lang siyang nagiging cute pag naiinis siya. Kaya naman lalo ko lang siyang iniinis, hahaha!


After non, Lagi ko na siyang inaasar at iniinis sa classroom man o sa labas, natutuwa din ako dahil napagseselos ko si Tarah.


Si Tarah yong girlfriend ko for almost 1 year. Mahal na Mahal ko siya at ganon din siya sakin, pero sa hindi malaman na dahilan eh, nakipag break siya sakin kaya broken hearted ako, mabuti nalang at nakilala ko si Sabrina, nakakalimutan ko tuloy si Tarah. Masaya ako pag naasar ko si Sabrina.


Pinakilala ko siya sa mga kaibigan ko at ang mga loko ba naman approve na approve Kay Sabrina.


Nainis nga ako noong nalaman Kong best friend na ni Sabrina si Vander pero hinayaan ko nalang dahil alam ko namang masaya si Sabrina.


Sa pagdating ni Sabrina sa buhay ko Ay unti unti ng nawawala ang sakit na dinulot sakin ni Tarah. Para bang unti unti akong nakaka move on, Pwede ko namang mahalin si Sabrina diba?


Si Sab, siya yong babaeng simple lang pero angat ang ganda, medyo nerdy, mahinhin, mabait, iyakin yan, pero wag ka, may pagka maldita yan. At kayang kaya niyang sabayan si Tarah sa Pagka Maldita.


Mas naging malapit ako Kay Sab, ganun din ang tropa ko sa kanya. At yun ang dahilan kung bakit galit na galit si Tarah sa kanya lalo na ng si Sabrina ang nanalo bilang Student President at Campus Princess at natalo siya.

Hindi ko Alam kung bakit siya naggalit na napapalapit ako Kay Sabrina, eh wala naman ng kami. Siya yong nakipag break ng walang dahilan tas magseselos siya?


Uwian na non, naiwan ako sa tambayan namin dahil may hinahanap pa ako ng dumating si Tarah.


"Uwian na ah, bakit nandito ka pa?" Tanong ko sa kanya.


"Namiss kita." Lumapit siya sakin at hahalikan sana ako.


"Ano ba Tarah, Umalis ka na nga!" Sigaw ko sa kanya.


"Why? Didn't you missed me babe?"


"Babe? Tch! Wala na tayo diba?"


"Alam ko namang mahal mo pa rin ako Ivan eh, kaya Alam Kong gagawin mo ang lahat para sakin."


"Ano bang pinagsasabi mo?"


"Makikipagbalikan ako sayo, in one condition." What the! Ano ako desperado?


My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon