CHAPTER 46: Itigil ang Kasal!

2.7K 51 1
                                    

SABRINA'S POV


"Aissh, asan na yong mga yun?" Sabi kasi nila mag kita kita daw kami dito sa Park, may kanya kanya kasi silang date ngayon. Sinasama nga ako ni Aleah pero hindi ako pumayag, baka makaabala pa ako sa date nila ni Vander. Kaso wala pa sila, mukang naenjoy na nila yong mga date nila at nakalimutan na nila ako. Tch!





Sarili ko nalang ide date ko.





"Ate, may nagpapabigay po." May lumapit saaking bata na may dalang 3 red roses at inabot sakin.





"Huh?" Kinuha ko ito dahil nakakahiya naman kung iisnabin ko yong bata kahit di ko Alam kung sinong nagpapabigay.





"Sige po ate ganda." Paalam nito sakin at tumakbo na.





Napatingin ako dun sa bulaklak. Sino naman kaya ang nagpapabigay nito?





Bzzt.. Bzzzt..





Kinuha ko yong Cellphone ko at sinagot yong tawag.





"Hello Gwen?"


["Sab, ano kasi- ah."]


"Anong ano? Asan na kayo? Kanina pa ako naghihintay dito!"

["Sab, si ano kasi, si Ivan ikakasal na siya."]

"What the! Ano bang pinagsasabi mo dyan bruha? Wala naman dito si Ivan ah."


["No Sab, Dumating na siya kahapon at ngayon ang kasal niya, nagulat nga kami eh, pinipigilan namin siya pero parang wala siyang pakialam samin."]

"Saang simbahan?"

["Sa St. Agustin---"] toot..tooot..





Agad akong tumakbo at nag para ng taxi. Mabuti nalang at nakasakay ako agad.





Nak ng Pating naman oh! Anong bang nakain ni Ivan at magpapakasal siya sa kung sino sino lang? Sana hindi pa huli ang lahat! Huhu! Mapapatay talaga kita Rodriguez, masyado kang paasa!





Bumaba agad ako ng taxi ng makarating kami sa tapat ng simbahan. Agad akong tumakbo ng mabilis. May napansin pa akong anim na tao sa labas ng simbahan pero diko na pinansin dahil nagmamadali ako.





Iniisip ko palang na ikakasal siya sa iba, nadudurog na ang puso ko. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang maikasal ang lalaking mahal ko sa iba!





Pumasok ako sa Simbahan at sumigaw..





"Itigil ang kasal!!" Napahinto silang lahat at napatingin sakin pati si Father.





"Iha, hindi ito kasal, Binyag to." Sabi ni father at lumapit sakin. Nakita ko ngang may bata sa harapan na mukang bibinyagan na pero di natuloy dahil sa sigaw ko. Nakatingin pa rin silang lahat sakin na mukhang nagtataka.





"Ah, hihi.. Sorry Father.. Sige po, hihi.." Nahihiya Kong sabi, nag peace sign pa ako na parang bata at nagmamadaling umalis sa sobrang kahihiyan.





Walanjo! Akala ko ba ikakasal na si Ivan? Napahiya pa ako! St. Agustin naman to ah! Nakuu.. Baka naman pinag titripan lang ako ng mga yun. Humanda ka sakin Gwen!





"Bwahahahahahahaha!!! Grabe, ang Epic talaga nun! Hahahaha!" Powtek! Sinasabi ko na nga ba!





"So, hindi totoo?" Inis Kong tanong.





"Syempre hindi, Haha. Iba ka talaga CM!" Vander.





"Itigil ang kasal!" Renz na ginaya pa yong boses ko.





"Iha, hindi ito kasal, Binyag to." Ginaya pa ni Ethan yong Boses ni Father.





"Hahahahahahahah!" Tawanan nila ulit.





"Ewan ko sa inyo! Anong bang trip niyo ha?"





"Ikaw? Bwahahaha!"





"Sige tawa pa kayo! Humanda kayo sakin! Walang uuwi ng bahay KO, Wala nang manliligaw sa mga kaibigan ko! Bahala kayo sa buhay niyo!" Inis Kong sabi at aalis na sana pero pinigilan nila ako.





"Uy CM, Wag namang ganyan. Biro lang naman yun eh."




"Biro? Pwes, hindi nakakatuwa! Alam niyo bang halos mamatay na ko sa takot na baka nagpakasal na nga si Ivan sa ibang babae ng wala man lang akong nagawa?"





"Sorry na Bessy, napag utusan lang naman kami eh!" Tin.





"At sino namang Ponsyo Pilatong Kumag ang nag utos sa inyo hah?" Galit Kong sigaw.





"AKO, BAKIT?" Siya? Yong Boses na yun? Bakit? Paanong?





"Ah, Eh.. Hihi.. Una na kami ah.. Enjoy.." Sabi ni Aleah.





"Sige Bro, Goodluck." At ayun umalis na sila.

---------------------------------


Ayieee.. Sino kaya ang nag utos kila Gwen?


Abangan..



Vote, Comment naman po kayo.. Please.. Tsaka pa follow na rin po. Salamat

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon