SABRINA'S POV
Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon. Grabe, Siya yong nag Utos non? Narinig niya kaya yong mga pinagsasabi ko? Huhu! Nakakahiya.. Peste talaga kayo Gwen!
"Ikaw? Bakit ikaw?" Ay! Ano ba namang klaseng tanong yun.
"Kasi ako!" Pilosopo.
"Tsk! I mean, bakit mo ginawa yun?"
"Gusto ko lang malaman kung totoo ngang mahal mo ako." Nakangite niyang sabi. Gwapoeh mo Dude!
"Aba, eh sino bang nagsabing mahal kita?"
"Ikaw."
"Ako? Anong ako? Asa ka dude!" Sige Sab, deny pa more.
"So, hindi ikaw to." Sabi niya at binigay niya sakin yong phone niya.
"Anong gagawin ko dito?"
"Panoorin mo, Tsk. Slow.." Sabi ko nga. In open ko yong Video, at..
Anak ng limang pating na mukhang unggoy! Saang Planeta niya to nakuha? Paano siya nagkaroon nito?
"EARL IVAN RODRIGUEZ!! MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITANG G*GO KA!"
"Hindi ikaw yan huh?" Sabay ngise ng loko.
"Saan mo to nakuha?"
"Pinasa lang sakin ni Renz." Anak ng! Si Renz? Natatandaan ko na, noong araw na yun yong sinundan pala nila ako sa bahay tas narinig at nakita nila yong mga sinabi at pinaggagawa ko. Hindi ko Alam na vinideo pala nila ako?
"Hindi na sana ako babalik eh, kaso naawa ako sayo!"
"G*go! Edi bumalik ka dun! Buset to!"
"Ahahaha! Siyempre joke lang yun. Tara?"
"Huh? Saan?"
"Sa Simbahan, Magpapakasal na talaga ako."
"Edi pumunta ka mag isa mo! Sasama mo pa ako sa kabaliwan mo! Che! Bahala ka sa buhay mo!"
"To naman, bakit, ayaw mo bang magpakasal na tayo?" Ano daw? Namumula na tuloy ako. Huhu! I can't breath!
"Uy, kinilig siya.."
"Hindi noh"
"Haha! Tara na nga.. Namiss kita eh!" Ayiee.. Namiss niya daw ako oh! Pero teka nga?
"Ivan, Mahal mo ba talaga ako?"
"Tch! Ano bang klaseng tanong yan Sabrina, Uuwi ba ako agad agad kung hindi kita mahal? Isusugal ko ba yong buhay ko para sayo kung hindi kita Mahal? Hindi lang kita Mahal Sabrina, Mahal na Mahal Kita, higit pa sa buhay ko." Ako naman Ay kinilig.
"Corny mo po!"
"Walang corny corny, pagdating sa taong Mahal mo! Cornik pwede pa, piso isa.. Gusto mo?" Napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Bumalik na naman siya sa pagka abnormal.
"Thanks, but no Thanks."
"Sorry ah." Ivan.
"Saan?"
"Sa lahat ng kag*guhang nagawa ko sayo. Pangako, hinding hindi na mauulit yun."
"Okay na nga diba? Napatawad na kita Ivan."
"Sabrina, Can we start Again?" Ngumite lang ako at tumango.
"I love you Sabrina!"
"I love you too." Sagot ko at hinalikan niya ako sa noo. Ang saga saya ko ngayon dahil kasama ko na ulit siya, ang lalaking nag mamay ari ng puso ko. Sana lang kami na talaga ni Ivan hanggang sa huli. Dahil kung hindi, hindi ko na Alam kung kaya ko pang mabuhay ng wala siya.
Ngayon ko lang narealize, kapag Mahal mo pala ang isang tao, kahit gaano pa karaming pagsubok ang dumating sa buhay niyo, hindi ka basta basta susuko. At kung sumuko ka man handa ka pa ring tatanggapin siya sa huli. Dahil ang tunay na nagmamahal, lumalaban sa salitang Pag-Ibig.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Teen FictionSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...