CHAPTER 32: Confirmed!

3.1K 75 0
                                    

SABRINA'S POV

Habang nag didiscuss yong teacher namin sa harapan, napansin Kong may nakatitig sakin kanina pa, pero di ko nalang pinansin. Sino pa ba? Edi yong katabi Kong demonyo.




Yong katabi niya namang Impokrita ayun nakakapit sa braso ni hudas, akala mo batang nawawala.




"Okay class dismissed!" Sabi ni Ma'am kaya nagsitayuan na kami.




"Bess Tara na!" Sabay hila sakin ni Gwen. Sabay Sabay kaming lumabas at napansin Kong hindi sa Canteen ang patutunguhan namin kundi sa Rooftop.




"Bakit tayo nandito?" Pagtataka ko ng makarating kami dito sa rooftop. Kami lang ang nandito kaya tahimik.




"Wala lang, tahimik kasi dito." Sagot ni Aleah at lumapit sa railings saka dumungaw.




"Yeah, and infairness huh.. Ansarap ng hangin dito. Nakakawala ng stress." Ginaya niya si Aleah at pumikit habang dinadama ang malamyos na hanging dumadapo sa kanyang mukha.




Lumapit na din kami ni Gwen at dumungaw sa baba. Kitang kita mo dito sa taas ang mga studyanteng may kanya kanyang ginagawa.




"Tama nga sila, ang peace ng lugar na to." Pabulong na sabi ni Gwen.




Napatingin ako sa mga kaibigan Kong dinadamdam ang malamyos na hangin habang nakapikit at nakakapit sa railings. Nakikita ko sakanila ang kasiyahan. Yong tipong wala silang pinoproblema, Yong tipong masaya sila sa kung ano at sino sila.




Bigla akong napaisip..

Ako ba masaya?

Masaya na ba talaga ako sa kung ano at sino ako?

Masaya na ba ako sa buhay ko?




Marami ng pagsubok at problemang naranasan ko pero ni minsan hindi ko naisipang sumuko. At dahil yon sa nga taong nagmamahal sakin ng totoo.





I wish lang na sana walang magbabago sa mga taong nagpapahalaga saakin, dahil kung isa pa sakanila ang mawala... Baka di ko na kaya..




Wag naman Sana...





"Sab okay ka lang?" Hindi ko namalayang nakatingin na pala silang tatlo sakin.





"Oo naman.. May naalala lang ako.." Malungkot Kong wika at tumingin sa kawalan.





"About ba to dun sa fiance mo?" Seryosong tanong ni Tin.





"Sab, meron pa namang time para magback out ka eee.." Wika ni Gwen.





"Kung pwede lang Gwen, Ewan ko Ba! Parang hindi ko kaya eee." Di ko talaga maintindihan, noong una tanggap ko na, pero ngayon.. parang may nagsasabing wag akong magpakasal sa fiance ko dahil may masasaktan.





"Naiintindihan ka namin Sab, Basta take your time to decide! Dahil nasa huli parin ang pagsisisi. Piliin mo lang kung ano ang sa tingin mo Ay tama. Always remember that were here always para sayo. Kung ano man ang magiging desisyon mo susuportahan ka namin." Natactch naman ako dun.




"Thank you Aleah, thank you sa inyo.. Siguro, kung wala kayo.. matagal na Kong nabaliw sa mga problema ko." Natawa naman sila sa sinabi ko.




"Basta, sa Sabado Sasama kami ah.." Paalala ni Tin.





"Kayong bahala, basta ba wag kayong mangugulo." Asar ko sa kanila.




"At bakit naman kami mangugulo aber?" Maangas na sabi ni Gwen.





"Eh kasi, baka mukang paa pala yong fiance ko, to think na ang ganda ganda ko.Haha!" Sabi ko Sabay tawa ng malakas.





"Uyy, May bagyo ba? Ang hangin eee." Gwen.





"Meron ata, Sabrina daw ang pangalan." Tin at Aleah.





"Mga baliw!"




"BWAHAHAHA!" Tawa nila.





"Pero seryoso Sabrina... Pag ba gwapo yong fiance mo di kana mag baback out?" Tanong ni Tin. Napansin ko lang hindi nagcoconyo ngayon si Tin. Anyare?





"Depende.." Sagot ko.







RENZ'S POV


Pagkalabas namin ng room sinundan namin sila Sabrina. Mabuti nalang at hindi nagpumilit si Tarah na sumabay saamin. Yong babaeng yon ang kapal kapal ng mukha. Masyadong feeler.





Pagkarating namin dito sa rooftop, nanatili lang kami sa labas ng pintuan habang pinapanuod yong apat.





"Ano kayang ginagawa nila rito?" Pabulong ni Ethan habang nakasilip mula dito sa pintuan.




"Aba Malay ko!" Sagot ko at tumigin Kay Ms. Conyo.




"Wag nga kayong maingay, Baka marinig tayo!" Naiinis na sabi ni Ivan.






Napansin ko lang, straight naman pala magsalita si Ms. Conyo eee. Pero bakit sa room Kung magsalita akala mo di marunong magtagalog.





Nagulat din kami ng makita ulit yong totoong ngite ni CM. Hindi namin masyadong naririnig yong pinag uusapan nila pero halatang seryoso silang lahat.




"Ano kayang pinag uusapan nila?" Wika ni Vander.





"Ewan.." Sagot ko.





Busy lang kaming nakatingin sa kanila ng biglang tumawa ng malakas si CM.





Kahit pala marami ng nagbago sa kanya, di parin nagbago yong tawa niya. Napangite nalang ako.





Maya maya pa bigla nalang silang nagtawanan na parang tanga. Ang hihina naman kasi ng Boses nila eee, di tuloy namin naririnig yong pinag uusapan nila.





Nang biglang sumeryoso si Ms. Conyo at nagsalita. Medyo malakas yong pagkakasabi niya kaya narinig namin.





"Pero seryoso Sabrina... Pag ba gwapo yong fiance mo di ka na magba back out?" Seryoso niyang tanong at tumingin Kay CM.





"Depende.." CM.




"F*ck! Tama ba yong narinig ko?" Di makapaniwalang reaksyon ni Vander.





"Mukang tapos na ang pang iistalk natin bro." Ethan Sabay tapik Kay Ivan na tulala dahil sa narinig.





Hindi naman Siguro kami nagkamali ng dinig ano?












And its confirmed!

Si Sabrina nga ang Fiance ni Ivan!

What a coincidence nga naman Oo.


EX turns to FIANCE!


Bwahahahaha! So Exciting!

My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon