Habang naglalakad Ako angdami na namang bubuyog na nagbubulungan..
"Girl look oh! Ms. Sab is here!" Maarteng sabi ng isang student.
"Kyaah! Oo nga! Kyaah!! Omy! Prince Claud is also here na! Sabay ba sila?" Ano daw? Hindi no! Tsk.
Nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad at baka malate pa ako nang...
"Hey! Maylabs wait!" Sigaw ng nasa likod ko. Hindi ako huminto sa paglalakad at nag tuloy tuloy lang pero ramdam Kong hinahabol ako ng Mokong.tss... Ano bang problema ng lalaking ito. Nahabol niya ko kaya sumabay na siya sakin papuntang room namin. Malas ko talaga, magkaklase pa kami.
"Hi Maylabs! How are you?" Tanong niya at nag papacute pa! Che! Kala mo naman Cute siya. Ampupu ng mukha. Tsk..
"Tss.." Sagot ko at pumasok na ng room. Yong mga classmate naman namin, akala mo mga nakakita ng multo sa sobrang laki ng mga mata. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na sa upuan ko buti wala pa yong Prof. Namin.. Nakita ko namang umupo narin si Mokong sa upuan niya, lumingon siya sa pwesto ko tapos kumindat. Umiwas naman ako agad dahil pinagtitinginan pa rin kami ng mga kaklase namin.
"Ayiiee... Pumapag ibig ang Lola namin.." Pang aasar ni Gwen. Pare pareho kami ng course na kinukuha at mag kakaklase kaming apat, magkakatabi rin kami ng upuan.
"Oo nga! Kayo naba ni Claud? My god! Nekekeleg aketch!" Gatong naman ni Tin. Grabee naman sila, ang O OA. Sabay lang pumasok kami na agad?
"Ayiee.. Dalaga na ang betplen namin!" Dagdag pa ni Aleah at kinikiliti PA ako sa tagiliran. Kami kasi yung magkatabe. Bale nasa malapit ako ng bintana nakaupo.
"Tumigil na nga kayo. Walang kami okay? Nagkasabay lang kami pumasok." Paliwanag ko.
"Ganonn?? Akala pa naman namin eee kayo na. Sayangg." Malungkot na sabi ni Tin.
Napatingin ako Kay Claud.
Sa totoo lang Gwapo talaga siya, matalino, mabait naman siya eee Crush ng lahat, mayaman, may pagkamayabang nga lang.Nakilala ko siya noong bumalik ako dito sa Canada. Actually, dito talaga kami nakatira at dito narin ako pinanganak. But for some reasons I decided to live and stay in the Philippines. Buti nga pinayagan ako ni Dad, pero siyempre kasama ko si Manang doon sa tinuluyan naming bahay na binili pa ni Dad for me.
But last five years I decided na bumalik na dito sa Canada kasama si Manang. Nakilala ko si Claud because of Gwen, magpinsan kasi sila at pinakilala niya ko sa pinsan niya. Naging mag best friend na rin naman kami ni Gwen noon at ni Tin dahil nga kaibigan sila ni Aleah na cousin ko. Simula nun lagi nalang kaming inaasar ni Claud na bagay daw kami.
Hangang sa lagi nadin akong kinukulit ni Claud. Kapag may lakad din kaming BEE4 lagi siyang sumasama. Nagtapat din siya sakin na mahal na daw niya ko, pero lagi ko siyang iniisnob. Sabi nga ng mga kaibigan ko ang bitter bitter ko raw. Sabi ko naman Mas mabuti nang maging bitter kesa sa two timer.
Bakit kasi ako pa? Bakit ako pa yong nagustuhan niya? Eee Hindi niya naman ako deserve. Bakit? Dahil Manhid ako. Simula noong nalaman kong niloloko lang pala ako nong gago Kong ex eee.. Naging manhid na ako at bitter. Hindi na ako naniniwala na may FOREVER. Takot na akong muling magtiwala sa mga lalaki. Natatakot akong baka lokohin lang ako ulit, kaya ayokong paasahin si Claud. He's a kind person but he doesn't deserve me. Pero hindi ko naman sinasabing manloloko rin si Claud. Hindi ko lang kayang magtiwala ulit pagdating sa pagmamahal. I'm scared. I'm scared to love again.
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend, My Fiancee [COMPLETED]
Novela JuvenilSabrina is known as a CERTIFIED MALDITA! However, she is also one of those girls who is numb and bitter when it comes to love, ever since her ex-boyfriend used and deceived her just to get back with his true love. What if she finds out that her ex...